#TRUTH #REAL

1.8K 16 1
                                    

Sa buhay natin, gusto natin na totoo ang lahat ng mayroon tayo. Gaya ng totoong damit, cellphone, relo, appliances, at iba pang gamit na s‛yang madalas kailangan at gagamitin natin. Gusto rin naman natin na totoo ang mga balitang naririnig natin. Gusto natin ng taong hindi nagsisinungaling. Gusto rin naman na totoo ang mga taong nakakasalamuha natin at ang mga taong nalalapit sa atin.

All of us want real things and people.

Pero sa panahon natin ngayon, naglipana na ang mga peke. Mga gamit, balita, at maging ang tao, nagiging peke na. May mga taong nagsisinungaling. Minsan, ang hirap para sa atin na malaman kung alin ang totoo o hindi.

Gusto natin ng totoo, pero bakit nagkalat ang mga peke sa paligid?

Tinitignan natin ang isang bagay o tao kung totoo ito. May mga tests ka pang isinasagawa para lamang malaman. Minsan naman sa galing magtago ng tunay na katauhan, ang hirap malaman kung alin ang totoo sa hindi.

Sa tao naman, kaya naman madalas na nagiging peke o ahas dahil sa kani-kanilang dahilan. Gaya ng naiingit, may pini-please na tao, at iba pang gaya nito.

Darating din naman ang oras na malalaman mo na kung ang isang bagay o tao sa iyo ay totoo o hindi. Walang natatago na hindi malalantad. Walang lihim na hindi mabubunyag.

Sa lahat ng pagkakataon, maging totoo ka lamang sa sarili mo– maging sa pagsasaggawa mo ng mga ginagawa mo, at sa mga taong nakakasalamuha mo.

Ilan sa mga halimbawa:

~~Sa paglilingkod sa Diyos. You want them to look at you like a Godly person. Kaya gustung-gusto mo na may nakakakita sa‛yo na nagpe-pray, nagbabasa ng Bible, o kaya naman every Sunday lang nagiging maka-Diyos, pero paglabas sa simbahan e lumalabas na ang tunay na kulay. Hindi mahal ang kapwa. Gumagawa ng mga bagay na hindi nakaka-please sa Diyos. Tandaan, kung hindi mo kayang mahalin ang nakikita mong tao, paano mo mamahalin ang Diyos na hindi mo nakikita? Always check your heart and your motives. Malaki ang epekto niyan.

~~Sa mga bagay na ginagawa mo– you always pleasing people. Kaya naman ginagawa mo ang lahat para lang magustuhan ka nila. Gumagawa ng paraan para magawa ang bagay na tiyak na mapi-please sila. Pinahihirapan mo lamang ang iyong sarili kung patuloy itong ginagawa. Hindi ka nagiging totoo sa lagay na ito kasi sapilitan ang ginagawa mo. What if gawin mo nalang ang isang bagay na bukal sa iyong kalooban at hindi napipilitan? Mas gusto ni Lord na magbigay ka ng kusa at bukal sa kalooban kaysa napipilitan lamang.

~~Sa mga nagiging kaibigan mo. Meron ka na bang naging kaibigan na matatawag mong, “Ahas”? ‛Yong akala mong totoo at concern sa‛yo, hindi pala. ‛Yong akala mo na mapagkakatiwalaan mo, hindi rin pala. Hanggang akala nalang. Kaya ‛pag may matalik kang kaibigan, pagkaingatan mo sila. Mahirap makahanap ng tulad nila. Huwag mo silang baliwalain at huwag pagtaksilan. Kaya maging totoo ka sa kanila. ‛Yong tipong hindi ka nakikipagplastikan. Sinasabi mong maganda ang drawing niya, for example. Pero sa loob-loob mo, tinatawanan mo kasi hindi ka naman talagang nagagandahan. What I mean in this is always tell the truth. Masakit man, pero malaya ka. Huwag mo naman insultuhin. Say it in a nice way. Kaysa masaya ka, ngunit kasinungalingan lang pala. Mahirap ‛yan. Kung sinabi niya na sikreto lamang niyo ang ikinwento niya, ‛wag mong ipagkalat. Sinabi niya ‛yon sa‛yo kasi nagtitiwala siya. What if, isang araw malaman niya ang ginawa mo? Nasira mo na ang tiwala niya na tiyak mahirap nang ibalik pa sa dati.

So ‛yon, always tell the truth. Kung may itinatago ka man ngayon na hindi pa dapat malaman at hindi ka pang handang sabihin ito, make sure you'll tell it at them at right time. Masakit habang tumatagal. Mas masakit ‛pag sa iba pa malalaman.

The truth will set you free....

_______

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon