"Pagsubok lang ang lahat, kapatid."
May problema ka?
Sa panahon natin ngayon, napakaraming problema ang s'yang ikinaharap at mga haharapin pa sa ating kanya-kanyang buhay. Ma-personal gaya ng sa pamilya, mga kaibigan, sa karelasyon, at iba pang mga tao sa paligid natin na may kaugnayan sa 'tin. Meron ding sa financial- 'yong tipong hindi mawari kung saan kukuha ng panggastos sa mga pangangailangan sa araw-araw, sa emotional gaya ng depresyon dulot ng mga nangyari sa kanyang buhay-isang halimbawa rito ay ang bullying at pagkamatay ng minamahal sa buhay, sa physical naman ay ang may sakit at may kapansanan, sa social naman ang halimabawa'y pagtalikod ng mga malalapit sa kanyang puso, kawalan ng kaibigan o ang pakiramdam ng nag-iisa, sa spiritual naman ay gaya ng pakiramdam na kahit buhay ka, parang patay sa loob, panghihina o panlalamig ng pananampalataya sa Diyos, at iba pang maiiugnay dito. Ang role natin sa buhay ay may kaakibat na reponsibilidad na maaaring pag-ugatan ng mga problema.
Sa mga nabanggit, may isa o higit pa ang pinagdadaanan mo ngayon? Nararamdaman mo ba na ang pagsubok na 'yon sa tingin mo'y hindi mo kakayanin? O kaya naman tila nakaka-depress ang mga kaganapan sa buhay mo?
"Mag-pray ka lang."
"Magpakatatag ka lang."
"Everything will going to be alright."
"Ipagpe-pray ka namin."
"Malalagpasan mo rin 'yan."
"Everything happens for a reason."Ilan sa mga linyang iyong maririnig na sasabihin sa taong tila nawawalan na ng pag-asa.
Kung sinuman sa inyo ang may mabibigat na pinagdadaanan, lumapit ka lang sa Diyos. Siya ang bukod tanging nakakaintindi sa 'yo... Siya lang din ang totoong nagmamahal sa iyo at hindi ka Niya iiwan ni papabayaan man.... Pumikit ka at tanggalin ang bakas ng pag-aalala sa puso't isipan. Kausapin mo Siya. Sabihin mo ang lahat, mauunawaan ka Niya. He will give you a rest. Ang bukas ang s'yang mag-aalala sa sarili niya (Mateo 6:34). I-surrender mo ang lahat sa Kanya. Tiwala lang, may dahilan at bawat kaganapan. Tiyak ay mapapangiti ka na lang dahil sa pagkilos ng Diyos sa buhay mo. Seek Him with all your heart. Pagkatapos manalangin, ipagpatuloy ang buhay. Oo, mahirap ang lahat sa simula. Walang makukuha sa isang pikit lang. Nadapa ka, halimbawa. Hindi ba mahirap bumangon? Nadadama mo ang kirot? Sa una lang 'yan. Nasasaiyo kung gugustuhin mong maging matatag sa buhay. God is always there. Unti-unti lamang ang pag-move on. Hayaan mo Siyang manguna sa iyong buhay.
Walang pagsubok na hindi malalampasan. Never give up on Him because He never gave up on us. Mahal na mahal ka Niya- higit pa sa iyong iniisip. Iwanan ka man ng lahat, Siya'y mananatili. Kapag ipinagkatiwala mo ang lahat sa Kanya, tiyak ay hindi mo 'yon pagsisisihan.
Seek first the kingdom of God, and His righteousness, and all these things shall be added unto you. Matthew 6:33
Iba ang kaligayahan na hatid ng nalampasan na pagsubok. Pray without ceasing! (1 Thessalonians 5:17). Magdasal sa bawat araw. Ipagpasalamat ang lahat-kahit hindi materyal na bagay ang dahilan kundi ang malamang buhay ka. Kaya, patuloy lang sa pag-pray! Napakalaki ng nagagawa niyan sa buhay mo at sa buhay din ng iba-powerful. Maging matatag lang sa buhay. Faith without works is dead (James 2:26).
Kung sa tingin mo'y napapalayo ka na sa Kanya, ikaw ang lumayo hindi Siya. Ang kailangan lang ay ang magsisi upang hindi mapahamak. Ang kasalanan ang s'yang humahadlang sa 'tin. Nand'yan 'yong nahihiya kang lumapit sa Kanya dahil sa tingin mo'y malaki ang nagawa mong pagkakasala. Repent, every day, repent! Hindi emosyon ang repent, kundi isang desisyon ito sa pagtalikod ng kasalanan. Hindi mo alam kung kailan ang huli mong hininga. Habang nandito ka pa sa mundong ito, may pagkakataon ka pang magsisi. Kasi kapag namatay ka na, wala nang chance. Bakit lagi? Dahil tao lang tayo, nagkakasala't nagkakamali. Kilala Niya tayo. Alam Niya ang nasa puso natin. Pagsubok lang ang lahat, kapatid. :)
___
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...