Luke 6:31
Do to others as you would like them to do to you.
_________________________________
_________________________________
_______________Or tagalugin natin, "Gawin mo sa iba ang gusto mo ring gawin nila sa iyo."
Ibig sabihin, kung ano yung gusto mong gawin sayo ng iba, gawin mo iyon sa kanila. O baliktarin natin, huwag mong gawin sa iba na ayaw mo ring Gawin nila sa iyo.
Sino sa inyo ang naniniwala sa karma??
Halimbawa, gumawa ka ng mabuti, ano ang babalik sayo? Kapag gumawa ka ng mali/masama, ano ang babalik sayo?
Di ba may chapter sa book na 'to ang love your enemies? Medyo malapit siya sa chapter na 'to, ang pinagkaiba nga lang ay ang gagawin mo sa kapwa mo at yun ay tungkol sa pagmamahal sa kaaway mo, pero huwag mong mahalin ang mga kaaway ng Diyos, baka maging kaaway ka niya.
Simple lang naman ang nais iparating ng verse na 'to, ay yung tungkol sa mga nagagawa mo sa kapwa mo.. Sa lahat ng mga ginawa mo, kung mabuti o masama. Or simple, the "Karma"
Love your neighbor as you love yourself... Yan muna yung gagawin mo upang gawin mo rin sa kanila ang nais mong gawin nila rin sayo, pero huwag kang mag-expect ng kapalit sa mga nagawa mong kabutihan. Hindi mo na kailangan lang ipagsigawan sa mundo na binigyan mo ng pera ang mahihirap,ang mahalaga ay nakita ng Diyos ang ginawa mo, at pagdating ng panahon, na ikaw naman ang nangangailangan, may ibang tao naman ang tutulong sayo, di mo kasi masasabi ang buhay sa mundong 'to, hindi mo alam kung kailan kasagana o kapos.
Hindi na ordinaryo ito sa inyo,sa katunayan, ilang beses niyo na po itong nabasa? Hehe..
Mag-ingat at pagdesisyunang mabuti ang bawat galaw natin at ang mga nagagawa natin. Minsan di natin alam ay may mga tao na tayong nasasaktan... May mga taong lihim na lamang nasasaktan na di man lang sinasabi, at pinili na lamang manhimik.
Halimbawa, sa mga taong ang hilig magbackstab ng tao. Tapos, ayaw mabackstab? Wow. Gawin mo nga sa iba ang gusto mong Gawin nila sa iyo,di ba? Char.
O kaya naman, plastic yung tao sa iba, tapos naman ayaw niya sa plastic, yung totoo???
Yung mga tao na mahilig magtsismis, manira ng tao, gumawa ng mga kung anu-anong kwento, at lahat ng negative.
Sana isipin natin ang lahat,lalo na ang nararamdaman ng tao kapag ito'y ginawa mo sa kanya. Believe in karma! Totoo po yan.. Kung hindi ngayon, just wait! De joke lang, pero totoo talaga ang karma.
Isipin mo sayo ginawa yung ginawa mo,ganun ang gawin mo para magawa ito at mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa sarili mo. Sa una,mahirap talaga at di mo alam kung paano sila mahalin, pero dahil likas sa atin ang magmahal, we can.
God knows what happening on this world, every single details, He knows. And He is God of order, and He will do everything in order and what's best for us. And also believe on what karma means..
============
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...