"Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest.
~Matthew 11:28 NIV__________
Marami ba ang nangyayari sa buhay mo sa loob ng isang araw? Sa mga nakaraang araw? Hindi na ba nawawalan ng pagsubok? Ng kahirapan? Kalungkutan? Kasawian? Pagkatalo? You even felt that you're tired already? That you only want is to give up? Or you can't accept the things that happened on your life? Bigat na bigat ka na ba?
Yung pakiramdam na para bang iniwan ka ng lahat? Pakiramdam na nag-iisa ka nalang? May kaibigan pero hindi mo ma-i-share ang problema mo sa kanila? May pamilya pero hindi masabi?Mga kapatid, nandyan si Lord- na hindi ka iiwan ni papabayaan man, na mamahalin ka- higit sa inaasahan mo, na iintindi sa iyo, handang makinig, hindi ka sasabihan ng negative sa mga nangyari sa iyo- bagkus He will give you rest if you come to Him. I-co-comfort ka Niya. Hindi ka nag-iisang haharapin ang lahat. Nangunguna Siya sa iyo.
Kung nararamdaman mong nag-iisa ka, hindi totoo 'yan. Nandyan naman Siya parati, sadyang manhid lamang tayo minsan.
Tila hindi mo maunawaan kung bakit kailangan mangyari 'yun sa buhay mo? Tiwala lang kay Lord, kapatid. Huwag kang basta sumuko. Hindi darating sa buhay mo 'yan kung hihigit sa kakayahan mo 'yan. If you feel that you're tired and want to give up- lumapit ka kay Lord. Huwag kang mahiya sa Kanya dahil alam Niya ang lahat ng tungkol sa iyo.
He will give you rest. Not literal na tutunganga ka nalang na wala nang gagawin- yung pakiramdam na ang bigat na bigat ka ay gagaan kung kakausapin mo Siya at nagtiwala sa Kanya. Hindi ka naman bag para dalhin ang pasanin ng mundong ito. God will help you. He is always there no matter what. He loves you- more than you're expecting.
Matatapos din ang lahat. Gaya nga ng sikat na linya, "WALANG FOREVER!" Walang forever na problema, kapatid. Ang linyang 'yan ay para sa lahat ng bagay sa mundong ito.
Kaya 'wag dibdibin ang mga nangyayari. Hayaan mo ito na turuan ka- may kasabihan ngang "Experience is the best teacher," pero iba talaga 'pag si Lord ang nagturo sa iyo. Nangyayari ang lahat sa buhay mo according to a purpose. Kaya don't give up. Si Lord nga hindi nag-give up sa atin, tayo pa ba?
Magpakatatag lang!
Kung mahirap magpakatao, mas mahirap magpaka-Kristiyano.
Madaling sabihing Kristiyano ka- kaya patunayan sa pamamagitan ng gawa hindi ng salita.
_____
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...