1 Chronicles 16:11 (NLT)
Search for the Lord and for His strength; continually seek Him.
_________________________________
_________________________________
_____________Sa araw-araw nating buhay, maraming mga hamon ang nahaharap natin. Iba't ibang mga karanasan. Kasiyahan, kalungkutan, galit na galit, naiinis, etc.
Maraming mga suliraning kinahaharap, mga pagsubok o problema. Ngunit, huwag tayong sumuko sa mga hamon ng buhay. Continue seek the Lord.
Bago ang lahat, ano nga ba ang kahulugan ng seek?
Seek
: to search for (someone or something) : to try to find (someone or something)
: to ask for (help, advice, etc.)
: to try to get or achieve (something)Palagi natin hanapin si Lord. Sabi nga sa Jeremiah 29:13 : If you wholeheartedly search the Lord, you will find Him. Lagi naman Siya nariyan, di Siya patay, buhay na buhay Siya. God's not dead.
Magpatuloy lamang tayo sa pananampalataya. Huwag tayong sumuko. May mga times talagang nanghihina tayo, yung nawawalan tayo ng tiwala, o nagkakasala tayo. Yung tipong mahihiya ka pa kay Lord dahil sa mga kasalanan mo..
Pero mapagpatawad si Lord, God is a forgiving God. Pero huwag naman na yung niloloko mo yung sarili mo, halimbawa, nagawa mo yung ganito tapos humingi ka ng tawad, tapos ginawa mo ulit, tapos humingi ka ng tawad, tapos ginawa mo rin ulit, di ba nakakasawa? Ngunit just confess your sins and He is faithful and forgive you.
********
Sabi nga sa Zephaniah 3:17 For the Lord your God is living among you. He is a mighty savior. He will take delight in you with gladness. With His love, He will claim all your fears. He will rejoice over you with joyful songs..
Nariyan lamang Siya. Hindi ka Niya iiwan ni papabayaan man. Siya ang iyong tagapagligtas. Dahil mahal na mahal Niya tayo, kasama mo Siya palagi at di ka natatakot harapin ang lahat. Magpatuloy lamang tayo sa Faith at huwag agad sumuko. Continually seek the Lord.
Magbasa rin ng Bible. Huwag na huwag kalilimutan yan. Para lang halaman yan, kapag di nadiligan, nalalanta. Parang sa buhay natin, 'pag walang Word of God, baka manghina ang spiritual realm gaya ng paglanta ng halaman.
********
Mahal na araw na naman... Bakit nga ba tinawag na mahal na araw imbis na banal na araw? Di ba sa Ingles, holy week.?
Dahil kapag "mahal" na word, malawak ang kahulugan nito. Ang pagmamahal ni Lord para sa atin.. Ngunit hindi lang dapat tuwing mahal na araw ang pag-aalala sa ginawang sacrifice ni Lord, kundi sa araw-araw nating buhay. Tinubos nga Niya tayo sa mga kasalanan natin, di ba?
Continue search the Lord. Patuloy pa rin sa pagbabasa ng Bible, pray and worship. Akala mo lubusang kilala mo na, hindi pa pala. Parang sa tao, akala mo ganoon siya, pero dahil hindi mo naman sini-seek ang tungkol sa kanya, di mo siya makikilala. Parang si Lord lang, hangga't di mo Siya sini-seek, di mo Siya makikilala. Even yung mga taong naeencounter nating lubusang kilala na si Lord at nagserserve sa Kanya, they continually search the Lord.
Magpatuloy lang tayo sa pagsiseek. Hindi naman Niya tayo pagtataguan e. Handa naman Siya makinig sa mga prayers mo. Hindi naman Siya sobrang busy para pakinggan ka Niya.
Baka mamaya di mo alam sa sobrang busyness mo e nawawalan ka na ng time kay Lord. Hindi ka na nakakapagpray, o makapagbasa ng Bible. Paano na niyan?
Diyan nang-aatake ang kaaway. Sa busyness natin. BUSY. (Being Under Satan's Yoke) Hindi ka man niya magawang masama, he will make you busy and occupied ang utak. Yung utak natin, pwede niyang sabihan ng kung anu-ano, ngunit di niya alam ang iniisip natin.
Dahil diyan e humihinto ang pagpapatuloy ng pagseek mo sa Kanya. Mag-ingat tayo! Mas malakas ang faith natin kaysa kanya.
Huwag pandadaya! Huwag mong hayaang magtagumpay siya, na maging ubod ng busy at nawawalan ng time kay Lord.
Just continue wholeheartedly search the Lord and you will find Him. Trust the Lord with all your heart and do not lean on your own understanding. Seek in His will in all you do, and He will show you which path to take.
++++++++
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...