Let us therefore come boldly unto the throne of grace, that we may obtain mercy, and find grace to help in time of need. —Hebrews 4:16
—
DO YOU FEEL ashamed or unworthy to come in His throne of grace?
Nandiyan 'yong nahihiya tayo kasi matindi ang naging kasalanan o feeling natin mahirap na tayong patawarin. Para bang nasagad na ang grace Niya. Pero, hindi— you are still alive. Binibigyan ka Niya ng pagkakataon na bumalik sa Kanya! His grace is sufficient— kahit pa sa pinakamatinding kahinaan. He knows you— alam Niya ang lahat ukol sa 'yo kaya naiintindihan ka Niya. (I'm not telling this for license to sin) Kung nahihiya man dahil nawawalan na ng oras for Him, repent and find time for Him alone. Basta anuman ang dahilan ng hiya na 'yan, always remember He is greater than your sins, failures, and weaknesses. His love for you is the greatest love in your entire life.
Namatay si Jesus alang-alang sa 'tin, upang maligtas tayo sa wrath ng Diyos sa kasalanan pagdating ng takdang araw. His Spirit ay nananahan sa isang believer. (He didn't give us a spirit of fear!) Kaya feeling lang ang hindi tayo patatawarin dahil handa tayong patawarin ng Diyos. (Pero we shall know the difference between living in sin and struggling in sin.) Anuman ang mangyari, huwag nating piliing lumayo sa Diyos kasi tayo lang din ang mahihirapan. Kung naiisip mo man na ang layo mo na sa Diyos, hindi pa huli ang lahat. Maaari ka pa ring lumapit sa Kanya. Hindi Siya 'yong tipong unapproachable. Hindi Niya tinataboy ang mga lumalapit sa Kanya. Minsan, sa 'tin 'yong may problem— sa heart natin. Hindi man natin Siya nararamdaman all the time, pero His promises are meant to be fulfilled. He's always there. Mahal ka Niya at hindi iyon nagbago. God remains faithful even if we are not. Hindi man mawala ang iba nating kahinaan (kagaya kay Paul kaya sinabi sa kanya na grace ng Lord ay sufficient sa kahinaan niya. See 2 Corinthians 12:9) pero by that weaknesses, we are dependent in God, ma-go-glorify pa natin Siya, and mas lalo natin mararanasan ang grace Niya.
It's true na we are not worthy. (Siya lang ang worthy of praise!) Pero, alalahanin mo nang sumampalataya ka kay Jesus Christ, (John 1:12), binigyan ka ng karapatan na maging anak ng Diyos. Anak ka Niya! Tinuring ka Niyang Kanya! Iyan ang dahilan kung bakit makalalapit tayo sa Kanya— boldly in His throne of grace.
Ang saya lang malaman, 'no? Grabeng comfort. P'wedeng-p'wede natin i-approach ang Diyos anytime, anywhere, tapos we can come to Him boldly— in His throne of grace. Nakalalapit tayo sa Kanya because of His grace and mercy, through Jesus Christ. Just have faith, at makalalapit ka sa Kanya. (Faith that is based in His Words) We can come to Him through prayer— humbling ourselves to Him. (We shall not misunderstood this na mayabang tayong lumapit sa Kanya kasi hindi Siya na-pi-please sa mayabang o mapagmataas. Mapagkumbaba pa rin tayong lalapit sa Kanya pero we have the confidence through faith.)
Gusto ko lang i-share na hindi natin kailangan magmakaawa sa Kanya na marinig Niya tayo kasi He already hears us. We have faith that He hears us. Naniniwala nga tayo na kahit bago pa lang natin sabihin sa Kanya, alam na Niya. . . Ano pa kaya ang pakinggan Niya tayo?
"Lord, please hear me. . ."
Hindi na kailangan niyan. Deretso na manalangin. Totoo na kasalanan minsan ang naghaharang para hindi makalapit nang maayos sa Diyos (He is holy) pero alalahanin lang na handa pa rin Siya na magpatawad basta totoo ang pagsisisi at desidido nang talikuran ang kasalanan.
Ibang-iba 'yong nakaka-approach in His throne of grace na boldly. May assurance na makalalapit ka with confidence basta may faith in Him, 'yong faith na nagmula sa Salita Niya.
Advantages of approaching boldly or with confidence:
* We will receive grace and mercy
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...