#ShareKoLang

2K 17 0
                                    

AN : Share langs

***

Isang araw. Kailangan ko nang ipaggawa na ang T-shirt (layout and print) na kung saan ay ipapangregalo ko sa nalalapit nang Christmas party. Dapat noong nakaraang araw pa subalit ang aking pakiramdam ay hindi maganda.

Kailangang maipaggawa ko na kasi marami rin silang ginagawang T-shirts din doon. Baka hindi maharap nung paggagawan ko. While nasa byahe (malayo kasi ito mula sa amin, 3 kilometers I estimated), I'm praying na sana bukas ito nang maipaggawa ko na. Pagdating namin sa (insert name's branch where I'll print that shirt), nakita ko na sarado ito. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang naramdaman ko. Baka hindi ko ito mairegalo. Baka malate. Nakakahiya sa nabunot ko.

Pumunta muna sina Mama at Papa kung saan nila kailangang puntahan. Malamang, Sunday noon at sarado ito.

Nang pagbalik namin I think it's almost 1 hour, nakabukas ito nang hindi ko inaasahan. Agad naman akong pumunta at sinabi na ang ipinapaggawa.

Sabi ng may-ari na kaya naroon siya kasi may ginawa lang at hindi talaga nagbubukas ‛yon every Sunday.

At pwede naman palang through Facebook lang. Kung anu-ano pang negative ang pumasok sa isip ko. May iba palang paraan.

*-*-*-*-*

Minsan sa buhay natin hindi lahat ng gusto natin masusunod. Sana ganito, sana ganyan. Walang bagay na instant lang, at hindi pahingi-noon ang Panginoon.

May mga unexpected pang pangyayari sa buhay natin. Ang mga bagay na biglaang darating. Hindi pa nga napaghahandaan minsan. May mga blessings si Lord na hindi natin inaasahan.

Marami namang paraan kung gugustuhin natin ang isang bagay. Mabuting paraan na lamang ang iyong naisin. Huwag agad pangunahan ng negative. Mahirap. Nakakabaliw. Nakakainis. Kapag nasimula ang negative, it will end up to negative.

*-*-*-*-*

Masaya ako dahil sa wakas, tapos na ang T-shirt na ireregalo ko. Sa wakas, wala nang problema.

Pagkakuha, hindi ko tinignan at itinabi. Tinignan ni Mama ko ang ireregalo kong ‛yon subalit nadismaya siya. May damage at kulang ang design.

Wala na akong ibang ginawa kundi ibalik na lamang at ireklamo ang nangyari upang mai-ayos.

At kinabukasan, binalikan ko. Mga past 1 ng hapon ako umuwi galing school. Dumaan na ako roon subalit wala naman ‛yong gumawa ng T-shirt at kailangang hintayin ko pang dumating ito.

Mga past 3 na siya dumating. Naghintay pa ako sa paggawa nito. At sa wakas, maganda na rin ang T-shirt na ireregalo ko. Kahit na hindi ko ka-close ang nabunot ko, ayokong magregalo nang hindi maganda. Nagtiyaga akong naghintay para roon.

*-*-*-*-*

May mga bagay kasi na kailangan nating hintayin. Kailangan maging matiyaga at matatag tayo sa lahat ng pagkakataon. Walang naiidulot na maganda ang pagmamadali.

Dapat maging sigurado tayo sa lahat. Hindi ‛yong pabara-bara tayo sa mga desisyong binibitawan natin. Gaya ng hindi ko pagtingin sa T-shirt kung okay o hindi. May damage pala kaya ko binalik ng wala sa oras. Kaya isipin natin kung ano ang best decision na gagawin natin. Hindi na natin maiibalik sa dati ang lahat. Kaya be careful in all you do :)

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon