#Achievements101

2.7K 12 2
                                    

A.N. : Share langs 'to ;) Extra chapter kung baga. Kapag may (#) ang title ng chapter means mga kaanuhan etse mga gusto/trip lang isulat...

Karaniwang short lang ang mga 'to. ^_^

*****

May na-achieve ka na ba sa buhay mo? Nasabitan ka na ba ng medalya na nanggaling sa mga napanalunan mong contest? O kaya naman kasali ka sa honors/ranking ng klase niyo? Sinasabi ng iba na matalino/magaling ka sa ganito? O nanalo sa mga contests sa school? Sports?

Huwag lumagpas sa langit ang tingin sa sarili if may mga na-achieve ka ha? Don't forget na kaloob sa iyo ng Diyos ang lahat. At ipinahintulot ni Lord na mangyari ang lahat ng ito.

Give Him the credit always. Huwag lumaki ang ulo. Kaloob Niya ito sa iyo. Remember, ang nagpapakataas ay ibababa, ang nagpapakumbaba ay itaas. Nagtatagumpay ka hindi dahil magaling ka, kundi unang-una dahil magaling si Lord na kumilos sa buhay mo, pangalawa ang pagsisikap mo.

O kaya naman sasabihin mong ligtas ka na dahil sa mga ginawa mo– pero hindi. Dahil regalo iyon ng Diyos. Kabutihang kaloob ng Diyos sa mga sumasampalataya sa Kanyang Anak.

Parang ganun din. Sa Kanya ang lahat ng papuri. Ang lahat ng sa atin, sa Kanya. Maging ang buhay natin sa mundo, hiram lamang sa Kanya– in short hindi natin hawak ang buhay natin. Kaya huwag magyayabang about sa future. Hope lang tayo sa Diyos.

Maraming magagandang plano ang Diyos sa atin. Ang mga achievements– isa 'yan. Pero sana huwag magbabago sa kabila ng tagumpay sa buhay. Don't boast.

May mga ma-e-encounter kang tao na mas magaling sa iyo. Wag magpakataas. Wag mahangin. ;)

"Respect those who are above you. Always be humble. ©"

******

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon