Mateo 24:13
Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.
♥♥♥
Kilala mo si Lord? May faith ka sa Kanya? Nagtitiwala ka sa Kanya? Naniniwala ka ba sa Kanya? Mahal mo ba Siya? Tapat ka ba sa Kanya? Nagbabasa ka ba ng Bible? Kinakausap mo pa ba Siya? Siya lang ba ang Panginoon mo? Inuuna mo ba Siya sa lahat ng bagay? Priority mo ba Siya?
Grabe, puro tanong agad...
Bakit nga ba nagbungad ako ng puro katanungan?
(Tanong na naman. Pasensiya na kayo sa akin.) Kasi basahin niyo ng paulit-ulit ang nasa taas na bible verse. (O wag titingin sa taas, baka kisame yan o whatever) eto : Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. Anong pagkaunawa mo sa bible verse na ito?
Sa ngayon, nakikita mo ang daming sumasampalataya kay Lord. They accept Him as their Lord and Savior. They're happy na nakilala nila si Lord. Pero may ilang hanggang doon nalang, hindi na nagpatuloy sa pananampalataya. Nagulo sila ng kung anu-anong bagay sa mundo, o kaya naman sa hindi paniniwala. Yung hindi lang naibigay ang gusto, o nagkaroon ng pagsubok na dumating sa buhay nila-- na sinisi nila sa Diyos. Halimbawa, sasabihin nila, "Bakit kailangang mangyari ito? Ano bang nagawa kong mali? Bakit Niya ito hinayaang mangyari ito?" #sisipamore haaay. Nawa hindi tayo mahulog sa ganitong sitwasyon na kung saan ay sisihin na natin ang Diyos sa mga pangyayari at ang disbelief sa Kanya.
Oo, masarap pakinggan ang mga Salita ng Diyos. Mahal na mahal Niya tayo. Ibinigay Niya ang nag-iisang Anak Niya para lamang tayo'y maligtas. Ang sarap sa pakiramdam na alam mong mahal ka ni Lord at hindi ka pa iiwan--- pero paano naman kung ikaw naman yung magpatawad? Ikaw naman yung magmahal ng mga kaaway mo (huwag mong mahalin ang mga kaaway ng Diyos kung ayaw mong maging kaaway ka rin Niya) ? Yung ikaw naman ang magsasakripisyo? O kaya naman nahumaling ka sa kalayawan ng mundo? Nasaan na ang mga sumampalataya? Tinalikuran na si Lord dahil sa mga ito? Wag ganun. Ang babaw naman ng dahilan.
Kaya nga sabi sa bible verse na ito, na kung sino ang mananatiling TAPAT hanggang wakas ang siyang maliligtas. (Caps lock yung word na TAPAT para mas ramdam mo.)
Ano nga ba ang ibig sabihin ng tapat sa pangungusap na ito?
Para sa akin --- ang TAPAT sa sentence na ito ay ang pananatili pa rin sa Kanya, may faith ka pa rin kahit anumang nangyari, hindi mo Siya tinalikuran kahit na may humahadlang sayo, kinakausap mo pa rin Siya through prayers kahit na minsan hindi natutupad ang gusto mo, Siya ang inuuna mo sa lahat ng bagay, hindi ka tumigil sa pagseek sa Kanya, you love Him with all your heart, soul and mind at you trust Him.
Ang mga mananatili lamang tapat hanggang wakas sila lamang ang maliligtas. Sapagkat hindi sila tulad ng iba na tumalikod na dahil lang sa mundong ito na hindi nagpatuloy sa faith.
Example (hehehe paki-intindi nalang XD pawang gawa ko lang ito.):
May isang birthday party. Ang birthday celebrant ay namigay ng mga invitation card. Bukas pa lamang ito gaganapin. Marami siyang pinagbigayan nito. Maraming nakangiti ang nabigyan ng invitation na naging masaya sa pagtanggap nito. Pero sinabi ng nang-iimbita, "Kaso nga lang malayo mula rito ang paggaganapan ng party ko. Is it okay?" Ngumiti lamang ang karamihan at may ilang nagsabi na "Pupunta ako."
Kinabukasan, naghanda siya ng maraming pagkain na ipag-aahin niya para sa mga darating na bisita. Masaya siya sa paghahanda. Ngayon ay tapos na siya sa paghahanda at naghihintay na lamang siya sa mga bisitang darating.
Nagtaka siya sa mga lumipas na oras. Wala sa kabihasnan ang dumating sa mga inimbitahan niya. Wala sa ikaapat (25%) ang dumating! Tila pinaasa lang siya ng karamihan. Hindi nalang niya pinahalata sa mga dumalo ang kalungkutan niyang nadarama. Sa halip, kinuha niya ang mikropono ng videoke, at sinabi niya :
"Masayang-masaya ako dahil pumunta kayo sa birthday party ko kahit gaano pa ito kalayo mula sa inyo. Narito kayong lahat para ako'y saluhan. Magsigalak kayo! Marami akong inimbitahan, pero kakaunti lang ang pupunta. Marami ang masayang tinanggap ang invitation card, ngunit kakaunti lang talaga ang mag-eeffort na pumunta rito! Nawa mag-enjoy lang tayo sa party ko! Wooooo!" Sabi niya.
Naghiyawan ang mga tao roon and they just enjoy the party.-end-
Yung invitation card means yung salita ng Diyos at yung pagpunta sa party ay ang pagsasabuhay ng salita ng Diyos kahit na may hadlang pa (sa story, yung kalayuan yung hadlang). Marami ang masayang tinanggap ang salita ng Diyos (sa story, marami ang masayang tinanggap ang invitation), pero hindi lahat isasabuhay yun (kakaunti lang ang pumunta sa party sa story). #explainpamore
Manatili ka lamang kay Lord kung tunay kang sa Kanya.
Ang mga mananatiling TAPAT hanggang wakas ang siyang maliligtas.
____________
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...