Basahin ang Marcos 4:37-41
Natakot sila nang labis at namangha. Sabi nila sa isa't isa, "Anong klaseng tao ito? Pati hangin at lawa ay sumusunod sa inuutos niya!"
Marcos 4:41Bakit ni-a-alow ng Lord ang mga pagsubok sa buhay natin?
1. Siya ay makilalang lubos
Makikita sa verse na 'yan na namangha 'yong mga alagad... Kung walang bagyo, hindi nila makikita ang kapangyarihan ng Diyos. So parang sa buhay din natin...
Hindi natin alam na si Lord ang may control sa lahat if kaya nating kontrolin ang mga kaganapan. Hindi natin malalaman na Great Healer si Lord kung hindi tayo masusugatan, magkakasakit o masasaktan.. Etc. etc.
2. Tumatag ang pananampalataya sa Kanya
Sa gitna ng pagsubok, mas lalo dapat tayong lumapit sa Kanya dahil He will provide the way to exit and He will give you strength upang malampasan yon.
Mas nasusubok ang tibay ng relasyon ninyo ni Lord.
Trials came to test our faith. Parang 'yong gold... Mapapatunayan na tunay ang gold kapag dumaan sa pagsubok na syang magpapatunay na isa s'yang gold.
3. Malalaman natin na Siya lang ang pinakamakatutulong sa atin.
God has promised that He will never leave you nor forsake you. Kung ang lahat ay iniwan ka na, walang may pakialam sa yo, walang nagmamahal, at iba pang negatibong kaganapan, Siya 'yong laging nariyan whatever happens. 'Yong kahit magbago ang lahat, Siya never. Kung sino Siya no'ng bago pa likhain ang sanlibutan- He still the same. Kahit ano man ang mangyari, kahit humihingi ka ng tulong sa ibang tao, sa huli, Siya at Siya talaga ang malalapitan mo...
4. Gagamitin din ito ng Lord upang mas maintindihan ang pinagdadaanan ng iba.
'Di ba nga sabi sa 1 Corinto 10:13 na walang pagsubok na dumating sa inyo na 'di pa nararanasan ng iba... So yon... We can help each other by understanding kung ano ang pinagdadaanan nila. Malay mo, parehas pala kayo ng pinagdaanan mo dati... Ngayon, ikaw ang gagamitin ng Lord para mag-advise or tulungan ang taong 'yon.
5. Dito makikita kung tunay ang pag-ibig at faith mo kay Lord
Kung tunay na gold, lalabas sa result ng test na gold talaga. Sa pagsubok kasi talaga nakikita. Like sa teachers- they give exams para tignan kung natututo ba ang mga bata. So same lang din sa life natin- if sa gitna ng pagsubok, lumayo ka ba sa Lord or naging mas malapit ka sa Kanya? Makikita sa actions e... on how we respond in a certain problem/trial.
Kung ang powder na kape ay nilagyan ng mainit na tubig, mas napapakinabangan natin di ba? Mas masarap 'pag tinimpla kaysa powder lang. So... compare natin sa buhay- sa pagdating ng pagsubok, doon nakikita ang bunga sa 'tin; kung talagang tunay ang iyong faith kay Lord.
Let's end with here.
Maging matatag sa anumang pagsubok. Kasama mo Siya kahit ano man ang mangyari. It's not true na kapag feeling mo iniwan ka Niya kasi by faith not by feelings.To God be the glory
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...