#FAMOUS VS. FAITHFUL #HUMILITY

2K 23 0
                                    

FAMOUS. Known or recognized by very many people : having fame.

May kilala kang famous? Mga artista? Mga writers? Mga singers and dancers? At iba pang tao na kilala dahil sa talent? May ka-close ka ba na sikat na ngayon? O kaya naman e famous na sa mga social media- maraming followers and likers.

Ang pagiging famous, lumilipas ‛yan at hindi permanent. Huwag ipagmalaki sa iba ang pagiging sikat. Naging sikat lang, unreachable na? Cannot be reach na ba? Isa pa, may kilala ka bang naging mayaman lang matapobre na? Nagkaroon lang ng maraming achievements, mayabang na? Famous lang sa social media, hindi na namamansin? Hindi na nagre-reply ‛pag chinat mo. Ignore na lang ang trip. May mga famous naman na mapagkumbaba pa rin, pero may ilan na hinangin na.

Hindi masama ang maging sikat, ang masama ay ang pagbabago ng ugali- negatibong ugali dahil ang taas na ng tingin sa sarili. Maganda ang may confidence sa sarili, ‛wag lang sosobra.

Tandaan, lilipas ang kasikatan dahil walang permanente sa mundo.

FAITHFUL. One who is faithful; especially : a loyal follower, member, or fan.

May kilala ka bang faithful? ‛Yong tipong ang loyal niya. Masugid na tagasunod. Tapat, kahit baliktarin pa ang salitang ‛yan, tapat pa rin. Tapat sa Diyos? Malaki ang faith? Tumatalima sa Kanyang utos? Mahal Siya? May kilala ka bang ganyan?

Reachable siya, hindi mahirap kausapin. Hindi lumalaki ang ulo, nanatiling mapagkumbaba. Ginagawa ang bagay na nakakalugod sa Diyos. Minsa‛y nagkakasala subalit natututo rito at agad humihingi ng tawad.

****

Humility.

Marami ang nahihirapan sa pagiging humble. Kesyo ang dami nang pwedeng ipagmalaki- tandaan, all you have is from God. Dapat faithful pa rin kay Lord. Okay lang kahit na hindi ka maging sikat, ang mahalaga may Diyos ka sa buhay mo.

♦‛Yan ang kailangan para manatiling humble kahit pa marami na ang naabot sa buhay. Gaya ng palay na maraming bunga, bumaba lalo ‛pag marami. Malaking challenge sa buhay ang pagiging humble.

(..)

Dapat maging ganito tayo. Tularan ang palay. ;)

At mas lalo nating tularan ang ginawa ni Lord na pagkumbaba dito sa lupa kahit pa na Siya ang Anak ng kataas-taasang Diyos.

Now, accept humility in life. I challenge you to be humble in despite on your achievements and what you have.

Humility accepted.

****

It's better to be FAITHFUL, than to be FAMOUS.

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon