Lucas 16:13
"Walang aliping maaaring maglingkod sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran ng tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod sa Diyos at sa kayamanan."
_________________________________
_________________________________
_____________Sa mundo natin ngayon, pera ang umiikot. Kapag pera ang usapan, ang daming nag-aaway. Kapag pera ang usapan, maaaring gumawa pa ang taong yun ng masama kapalit ng pera. Ang marami pang pera ang siyang nakikita nilang makapangyarihan! Mahalaga! Bakit ganun no? Tapos ang tingin pa ng iba sa mga mahihirap, ang liit! Dahil nga wala siyang pera! Ano ba naman yan.
Pero lahat tayo kailangan nito. Parang ang impossible yatang mabuhay sa mundong 'to kung wala ka nito. Maya-maya bili ka ng ganito, ganoon. Hay! Bakit ba kasi ang pera ang naging sentro sa mundong ito?
Ang tukso ay darating sa panahong hindi natin inaasahan, yung panahong nanghihina tayo at hindi sa panahon ng kalakasan natin.
Yung kapag naghihirap ka na, kailangan mo ng pera.. Kaya yaan darating si tukso at ang kapalit ng pera ay ang paggawa mo ng mali. Hindi na pwede yan! Tama nga ang , "The love on money is the root of evil."
Bakit napunta sa pera ang usapan ??
Dahil sa title na rin. Joke XD. Kasi nga para basta. Kailangan.
Ikaw, tatanungin kita? Anong pipiliin mo? Si Lord or ang pera? Kanino ka naglilingkod? Tandaan : hindi mo sila maiipagsabay na paglingkuran. Hindi pwedeng pagsabayin parang sa love life niyo lang. (Peace)
Sa mundong ito, puro nalang pera. Kung wala ka nito.. Wala ka. Kung wala ka nito, hindi ka papansinin. Kung wala ka nito, hindi ka kikilalanin. Haaayyy! Pagtatangi na yan!
Pero, walang silbe ang lahat ng mga pera na yan, kahit own mo pa ang buong mundong 'to kung wala kang Lord sa puso mo. Mateo 16:26 Sapagkat ano ba ang napapala ng isang tao makamtam man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ang maibibigay ng isang tao kapalit ng kanyang buhay? Hindi mo kinikilala ang Diyos. Ano pa ang silbe ng pera? Oo, naiibigay nga niyan ang mga ninanais mo, mga kalayawan mo, mga bisyo mo.. Pero kay Lord lahat possible. Kung meron kang Lord sa buhay mo, hindi ka kukulangin.
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...