59. Always be Ready

3.6K 25 4
                                    

Handa na ba kayo? (Korina lang ang peg.) Handa ba kayo sa lahat ng pagkakataon?

Seryoso, sa lahat ng pagkakataon ay dapat handa tayo. Anytime and anywhere ay maaaring umatake ang kaaway.

Baka mamaya akala mo kay Lord ka pa rin pero sa pamumuhay mo ay napapalayo ka na sa Kanya.

Okay lang naman na maging busy e. 'Wag lang 'yong pagka-busy na napapalayo ka na kay Lord. Iba na 'yon.

Alam niyo naman, ang kaaway ay naghahanap lang ng chance 'yan na makaatake sa buhay natin. Makahanap lang ng butas 'yan, lulubusin niya 'yan.

Mapapansin natin ngayon na maraming nanlalamig... Lahat nakaranas naman niyan. 'Yong kaaway ang may kakagawan diyan at hinayaan natin.

Habang 'di pa huli ang lahat, balik na kay Lord!

Hindi lang kasi nagiging handa kaya mabilis na nanghihina.

Yeah, nanghihina tayo minsan, but God is with us! Kung sa tingin ninyo ay barko ang kaaway, higit pang malaki sa dagat ang Diyos natin!

Bago tayo magpatuloy, basahin natin ang:

1 Pedro 5:8-9a

Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na naghahanap ng masisila. Huwag kayong matatakot sa kanya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos.

Huwag tayong matakot. Ilang beses nating ito mababasa sa Bible. Kasama natin Siya e. Walang-wala ang kaaway sa Diyos natin!

Kapag mahinang-mahina tayo, ito ang isa sa mga chance na kinukuha ng kaaway para mapalayo tayo sa Lord.

Ayon sa Mga Taga-Efeso 4:27, Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.

Huwag natin siyang bigyan ng pagkakataon sa mga buhay natin! Nang simulang tinanggap mo na si Jesus bilang Lord and Savior mo, nakipag-break ka na sa kaaway.

Itinakwil mo na ang kaaway. Kung dati kasi, magkakampi kayo; ngayon, hindi na dahil na kay Lord ka na at 'yon ang ayaw niya mangyari. Gusto ka niyang angkinin but remember, we are child of God!

Pansinin mo, more challenging ang buhay mo nang tinanggap mo si Jesus but alam ninyo ang pinagkaiba noong 'di pa kayo sumampalataya at sa sumampalataya ka na? Ngayon, alam mong kasama mo Siya sa mga pagsubok sa buhay! Alam mong hindi ka nag-iisa sa mga labang iyan.

Naiinggit ang kaaway kasi sa 'tin. Gagawa siya ng paraan para masira tayo- basta gustong-gusto niya na hindi maganda ang mangyari sa 'tin. Gusto niyang masaktan tayo. Gusto niyang lumayo tayo sa Diyos para makaatake talaga siya.

May mga ipinahihintulot ang Diyos na mga pagsubok sa 'ting buhay upang mas lalo tayong tumatag at maunawaan natin ang ibig sabihin ng pagiging handa. Handa tayo na harapin ang anumang hamon ng buhay. Handa tayo- handa! Kailangan, aware tayo sa ginagawa ng kaaway (para alam natin kung pa'no maging handa).

May mga plano man ang kaaway na ikapapahamak natin; si Lord ay may best plan for us.

Maraming ginawang trap ang kaaway... kaya sa lahat ng pagkakataon ay dapat handa tayo.

May tanong ako...
Bakit kailangang maging handa tayo sa lahat ng pagkakataon?

-Anytime and anywhere ay maaaring umatake ang kaaway.

Sa lahat ng oras ay nariyan lang siya at nakaabang. Naghahanap ng p'wedeng pagkapitan sa 'yo. Kaya maging handa upang lumaban and He will also fight for us. Do not fear. Kasama natin Siya!

P'wedeng gamitin ng kaaway ang mga bagay na alam niyang kahinaan mo- lahat-lahat basta makakapaghina ng faith mo o makakalayo sa Lord... Basta sa lahat ng pagkakataon ay panghawakan mo ang Word of God.

Walang lalayo sa Lord! Mas lalo kang mahihirapang kung i-se-separate mo ang sarili mo sa Kanya. You can't be always ready kung malayo ka sa Lord. Magpakumbaba ka lang sa Kanya.

Sa tukso madalas umaatake ang kaaway.

Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda ngunit ang laman ay mahina."


Mateo 26:41

Sa lahat ng pagkakataon, cling to Jesus.

-Nakaabang ang kaaway sa 'tin; naghahanap ng butas para makapasok sa buhay natin

Do not give the devil a chance! If you let it, nakooo tuloy-tuloy na 'yon. Don't let it... Si Lord ang paghariin mo sa iyong buhay. Stay in His presence. Continue in faith.

Do not listen at devil's lies. Ikasisira mo lang 'yon. Sa halip, walk by faith- be still. Huwag mawawalan ng prayer and devotion. Maging mainit kay Lord.

-Sa point of view ng kaaway, isa tayong threat.

Kaya gagawa siya ng paraan para hindi natin ipagpatuloy ang anumang pinapaggawa sa 'tin ng Lord.

P'wedeng nakawin niya ang oras natin kay Lord, patayin ang apoy natin sa Kanya, and destroy our relationship with Him dahil ito ang relationship na pinakamahalaga sa lahat. P'wede ring i-destroy ang mga plano ng Lord sa 'yong buhay if you will let it.

Kapag alam ng kaaway na nagagamit ka ni Lord, he will steal kill destroy you. Hindi niya gagawin 'yan kung wala siyang mapapala sa 'yo. Pakatatag. Maging handa sa mga atake niya.

-Bilang mga anak ng Diyos, iyon ang mas nakabubuti sa atin

Of course, God is for us! We should be always ready!! Greater is He that is in you than he that is in the world!!

Kapag may mga lies na binabato ang kaaway sa iyo, mag declare/ magsabi ka ng promise ng Lord/Word of God.

Always prayyyy! Mahalaga 'yon! Iyon ang communication natin kay Lord. Praying also brings peace. Hold His promises.

100% dapat tayo kay Lord. Kasi kung 99% lang, kikilitiin ng kaaway ang 1% na natira upang mapalayo tayo kay Lord.

Maging handa- huwag tutulog tulog sa pananampalataya. Dapat may pinanghahawakan na salita Niya.

Magbantay- maging aware at sensitibo. Resist the devil and continue in faith.

Kahit anuman ang mangyari, magpakatatag sa faith natin kay Lord. Gagawa ng paraan ang kaaway upang mag-steal, kill, and destroy pero ang Lord ang nagkakaloob ng buhay na masaganang lubos- He will fill your emptiness. Siya lang makakagawa no'n.

Laging maging handa at magbantay sa lahat ng pagkakataon dahil ang kaaway ay hahanap at hahanap ng part sa 'tin na p'wedeng pagkapitan hanggang sa makuha tayo. Don't let it. Manatili ka sa Kanya at mananatili rin Siya sa 'yo.

Always remember the message of this verse:

Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo. Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, at sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito-ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.


Mga Taga-Efeso 6:11‭-‬12

Maging handa palagi. God bless you all!

To God be the glory!😇

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon