30. OBEY your PARENTS

2.8K 28 1
                                    

Ephesians 6:1-3

Children, obey your parents because you belong to the Lord, for this is the right thing to do. "Honor you father and mother." This is the first commandment with a promise : If you honor your father and mother, "things will go well for you, and you will have a long life on the earth."

♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣

Ito ay kabilang sa 10 commandments ni Lord. Ito lamang ang kauna-unahang Utos na may kalakip na pangako--- magkakaroon ka ng mahabang buhay at magiging successful ka-- at maganda ang iyong buhay dito sa lupa.

Di ba ang turing natin kay Lord ay isang magulang? Dinidisiplina Niya tayo sa tuwing tayo'y nagkakamali-- ganoon din naman, dapat galangin natin at sundin natin ang mga magulang natin. Alam nila kung ano ang mas nakakabuti para sa atin.

Huwag tayong magrebelde pag di nila naibigay ang gusto mo o kaya'y napagalitan ka lang nila. Kasi alam niyo ba, pag hindi nila naiibigay ang gusto nating mga anak, nasasaktan sila kasi hindi nila iyon maibigay. Kaya nilang isakrifice ang lahat basta maibigay lang nila ang pangangailangan o ang ninanais natin.

Hindi rin naman maganda yung spoiled brat ka. Yung lahat naman ng nanaisin mo'y maiibigay. Hindi rin naman maganda yun-- ang mga magulang dapat ibigay lamang nila kung ano ang best para sa mga anak-- parang si Lord lang, 'pag tayo'y humihiling sa Kanya, ang ibinibigay Niya ay ang the "THE BEST". Hindi man yung gusto natin, ang ipagkakaloob Niya'y hindi lang BETTER kundi THE BEST.

Habang nariyan pa ang mga magulang mo, ipakita mo na ang pagmamahal mo para sa kanila. Hindi yung kapag namatay na roon mo lang maalala. Ayy naku po! Habang buhay pa sila, ipakita mo na! Hindi yung pag patay na sila-- roon mo palang sasabihin- sa tingin mo, maririnig ka pa ba nila? Kaya habang buhay pa sila, ipakita natin na mahal natin sila. Hindi mo ba alam kung gaano ka nila kamahal? Walang magulang na hindi nila mahal ang kanilang anak. Sadyang may mga sitwasyong nakikita natin na akala natin hindi tayo mahal ng mga magulang natin.

Makinig sa mga payo nila. Nakakabuti yun para sa atin. Mahal nila tayo at hindi nila gugustuhin na mapahamak tayo! Hindi kailanman. Bilang mga anak, matuto tayong sumunod sa mga magulang natin. Magiging mahaba at maganda ang iyong buhay sa lupa-- ito yung pangako.

Hindi lamang sa Mothers' and Fathers' day mo lang naalala ang kanilang pagsakripisyo at pagmamahal nila para sayo-- isipin mo nalang ito palagi at magiging masaya ka pa, "Mahal na mahal nila pala ako! Ako lang talaga ang hindi marunong mag-appreciate.."

Tandaan : commandment yan ni Lord. Mahalin mo sila-- pero huwag higit sa Diyos ang pagmamahal mo sa kanila sapagkat "God is a jealous God." (Exodus 20:5). You know that. The first commandment (You must not have any other god but me. Exodus 20:3) -- and the greatest commandment (You must love the LORD your God with all your heart, all your soul, and all your mind. This is the first and greatest commandment. Matthew 22: 37-38)

♥♥♥

Exodus 20: 12

"Honor your father and mother. Then you will live a long, full life in the land the LORD your God is giving you.

♦♦♦

Happy mothers' day sa lahat ng Mama, Mommy, Ma, Nay, Naynay, Nanay, Ermats, Ina, etc. and etc. o kung ano pa ang tawag mo sa mother mo...



God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon