Psalm 1:6
For the Lord knows the way of the righteous, but the way of the wicked will perish.
__________
Nabasa ko ito habang bumabyahe kami patungong Taguig para sa research namin. Parang ad ganun. Traffic kasi kaya nabasa kong mabuti.
For the Lord knows the way of the righteous. Alam ng Diyos kung ano ang nasa isip mo. Bawat salitang sinabi mo- naririnig man o hindi, alam na alam Niya. Kung ang balak/plano mo'y nakakabuti, gagabayan ka ng Diyos. Kung ika'y sumusunod sa Kanya ng hindi ka napipilitan- He knows everything. But He has a best plan for us.
Huwag magsawang gumawa ng mabuti. Nandyan naman si Lord sa tabi mo. Sinusubaybayan Niya palagi ang bawat kilos mo- pero hindi siya basta nanonood lang. He helps you- and the best- He loves you so much.
Kilala ng Diyos kung sino ang mga tunay na sa Kanya.
Nalalaman ng Panginoon ang lakad ng matuwid.
Magiging righteous lamang ang tao sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus Christ. Walang matuwid, wala kahit isa (Roma 3:10)
But the way of the wicked will perish. Kung ang plano/balak mo ay masama, hindi 'yan magtatagumpay. Akala mo'y magtatagumpay ka- nagkakamali ka kasi masama ang balak mo. Hindi mo alam ang future mo. Huwag magyabang about sa gagawin mo sa future kasi hindi mo alam kung buhay ka pa sa mga panahong 'yun. Only God knows.
Halimbawa : may nakikita kang tao na kung saan ay mayaman, lahat na ng gusto niya ay mabibili niya. Ngunit ang paraan ng pagiging mayaman niya ay ang paggamit ng illegal na droga. Akala niya ay habang buhay na siya sa tugatog ng tagumpay, ngunit darating yung araw na mahuhuli siya na isa sa mga gumagamit ng illegal na droga. Nasaan na ang kasiyahan niya?
Parang sa buhay lang natin. Iwasan natin ang paggawa ng masama- layuan natin. Hindi kasi tayo perfect kaya may mga pagkakataon sa buhay natin na nakakagawa tayo ng mali- o maling desisyon. Pero huwag yun (imperfection) ang maging rason para hindi mo malayuan ang paggawa ng masama. Hindi naman biglaan yun e, unti-unti lang, kung gugustuhing mong magbago.
Huwag kakapit sa patalim- huwag sa paraan ng masama, kasi sinasabi ko sayo, nakuha mo nga ang gusto mo subalit hindi mo nararamdaman ang tunay na kasiyahan.
Maaari ka pang mapahamak sa mga ginagawang masamang paraan.
•••••••••
#relatekadito
#estudyanteproblems (basahin ang nasa baba hehehe)Sa pagiging estudyante, halimbawa, hmm. May exam- ehem. (Matatamaan din ako rito hahaha).
SINO SA INYO ANG HINDI PA NANGOPYA KAILANMAN? Congrats! Hehehe. Naranasan niyo na po ba yung mangopya sa kaklase ng sagot? Yung tipong umaasa ka nalang sa katabi mo?
Tapos kapag mataas ang nakuha mo sa exam kahit na hindi ka nagreview- marami ang pupuri sayo na "Ang galing mo naman!" "Waaah! Konti lang mali mo!" "Ang taas naman ng nakuha mo," pero masaya ka ba? Hindi ba, hindi mo ramdam ang tunay na kasiyahan kasi hindi mo pinaghirapan.
Hindi ka man nahuli ng guro mo na nangopya ka, but there's One na nakakita ng ginawa mo.
Paano kapag nahuli kang nangongopya? Eh di lagot ka? Hahaha.
Imposible naman na hindi mo nagawang nangopya kahit isang beses. Totoo ba?
:3
O kaya naman minsan- ehem- sa mga projects na pinangbabayad. Sinabi ng guro, 50 pesos lang- magkano na ang sinabi sa mga magulang?
"Ma, Pa may project po kaming babayaran sa school, 100 pesos po e. Bukas na po deadline e,"
"Oh anak, eto na."
Tuwang-tuwa ka naman kasi iniabot na sayo ang 100 pesos kunong project mo.
Hahahaha. Sinong relate rito?
Tandaan, masamang magsinungaling. Paano kung malaman ng parents mo sa kaklase mo na 50 pesos lang pala?Lagot ka :3
•••••••••••
Basta, to make it short, mapapahamak ang piniling gumawa ng masama/mali.
Ngunit ang kinalulugdan ng Diyos ay ang mga sumusunod sa Kanya ng buong puso at hindi napipilitan- may pananampalataya- malaki ang tiwala sa Kanya- at ang nagsasabuhay ng mga Salita Niya.
Tandaan, kahit ano ka pa man, God loves you. <3
____________
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpirituellesThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...