"Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo.
Juan 13:34~
God is love. So bilang mga anak Niya, love our neighbors as we love ourselves. Paano natin sila mamahalin? Kung paano ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo.
All of us have encounter/experience with God. We all know how faithful He is. We all know how good He is in our lives. Because we have experience this, it's our turn to share this kind of love to others.
And in loving, there's no standards. Like:
"Mahal ko siya/sila dahil mabait siya."
"Mahal ko siya/sila dahil maganda/g'wapo siya."
"Mahal ko siya dahil ganito siya."
Nako, hindi 'yan pagmamahal! Ang pag-ibig ay walang kwalipikasyon. Puso ang ginagamit sa pag-ibig- hindi mata! Kailan pa tumibok ang mata?
Kung sino lang ang may pakinabang, sila lang mahal mo? Kung sino lang ang maganda, sila lang ang ibig mo? That's not a real love. Madaling ibigin ang taong kaibig-ibig.
To be honest, even unbelievers can love the people who love them. Ano ang pinagkaiba natin sa kanila kung ganoon din ang gagawin natin? As Christians, we are commanded to love our enemies and pray for those who persecutes us. We should be an example. Paano natin sila madadala sa Diyos kung tayo mismo ay hindi nakikita sa 'tin ang pag-ibig ng Diyos?
God so love the world, kaya nga He sacrificed- He gave His only son. Lahat mahal Niya! No standards. Basta mahal ka lang Niya dahil Siya ang nag-create sa 'yo! Siya ang nagplano ng lahat for us. And because tayo'y mga taga-sunod Niya, we should follow what He do. Loving the unlovable. Love conquers all.
Everyone needs compassion. If they seems to be unloved or not deserving of your love, just remember how God loves you in despite of everything.
Above all, of course, we first love God. Because we love Him, we love others. It's not easy as piece of cake, but with God, we can.
We are all in the process. He will surely help us in our weaknesses even at loving the person that is unlovable.
Ang nakalulungkot lang talaga ay ang na-ku-corrupt na ang konsepto ng pag-ibig dito sa mundo. Kaya tila nawawala na ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Minsan pa nga may taong iniibig ang isang tao dahil lang sa pera niya. Hindi tao ang inibig- pera pala.
Alam natin na mahal na mahal tayo ng Diyos. Isipin mo lang 'to: what if ang Diyos ay nakatingin sa mga pagkakamali natin, may iibigin kaya Siya sa 'tin? Wala! May pipiliin pa kaya Siya sa 'tin? Wala! Nakatingin Siya sa ating mga puso.
Kaya bilang mga iniibig ng Diyos, ibigin din natin ang ating kapwa. Kahit hindi sila kaibig-ibig kasi ganoon ang ginagawa ng Diyos sa 'tin. Mahirap man itong gawin, magagawa natin iyan sa tulong Niya.
Kapag ang puso mo ang iyong ginamit sa pagmamahal sa kapwa, mawawala ang negative sides. I mean, halimbawa lang: sa paningin ng iba, pangit ang anak ni *insert name ng parents*. Pero sa mga magulang, ang ganda-ganda ng anak nila at sila ang the best sa paningin nila kahit na ang mga anak nila ay nagkukulang.
Conclusion: Love others like how God shows His love for us.
To God be the glory!
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...