8. Prayer

8.6K 87 10
                                    

Mateo 26:41

Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda, ngunit ang laman ay mahina.

__________

PRAYER - Ito ay ang pinakamahalaga sa lahat. Nagsisimba ka nga, nag-dedevotion ka o anumang kilos na ginagawa mo para kay Lord pero walang prayer, wala. Magiging walang silbe ang lahat.

- Ito ang link natin kay God. Ito lamang, wala ng iba. Kasi dahil dito, nakakapag-usap kayo ni Lord. Pero sa pagdarasal mo,dapat may kasamang puso. Kahit na hours kang magdasal, pero kung walang puso ay walang kwenta. Kasi ang gusto ni Lord ay galing sa puso natin. Hindi nakatingin si Lord sa mga bagay na meron ka, sa panlanbas mong anyo, sa kung ano ang estado ng buhay mo, kundi sa puso mo.. Puso na may desire na kilalanin Siya.

Marami pong nagagawa ang prayer. Ang powerful po nito. And do you believe that prayer can change anything?

Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila,
Sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala. ~Awit 56:3

Magtiwala lang tayo sa mga plano Niya sa atin. Kasama mo palagi ang Panginoon. He never sent you alone, He goes before you, He is besides you.. And always there for you.

Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Ang prayer ay powerful, right? Kahit ano kasi ay magagawa ng prayer. Prayer works. And I believe that prayer can change anything. Tukso. Temptation sa ingles. Nasubukan mo na bang matukso? Yung tukso na nanggugulo sayo. Halimbawa, nakakita ka ng malaking halaga ng pera, tapos yung parang may magbubulong sayo na "Kunin mo ang pera." Yung parang ganyan? Pero, nasasaiyo naman kung susundin mo eh, nasasaiyo pa rin ang huling desisyon.

Mag-ingat tayo sa amumang tukso.

Kapag kasama mo ang Diyos, hindi ka madaling mapapatukso. Maaari mong marinig ang mga sinasabi ni taning na wala naman kabuluhan, ngunit kung matibay ang pananampalataya mo ay di ka madaling matukso.

Si taning (satan) ay original na deceiver. Ang lahat ng kanyang mga sinasabi ay kasinungalingan. Siya ang ama ng kasinungalingan. Huwag tayong maniwala sa mga pinagsasabi niya. Kaya't mag-ingat tayo mga kapatid. Siya ay dating anghel ng Panginoon, ngunit siya ay naging pride sa sarili at inisip niya na kaya niyang pantayan ang Diyos. Subalit, nagkakamali siya, Sapagkat walang sinuman ang kayang pumantay sa Diyos. Nilikha lang naman siya ni God, na dating si Lucifer. Isa siya sa mga magagandang anghel, ngunit siya ay naging fallen angel. Ang swerte na nga niya eh, pero pinairal niya ang pride niya. Anong nangyari? Wala. Walang kwenta ang pagiging mapride niya, ang pag-iisip ng kaya niyang pantayan ang Diyos.

Ang espiritu'y nakahanda, ngunit ang laman ay mahina.

Ang katawan natin ay mahina, ngunit ang espirito ay palaging handa. Bakit kaya?

Ang katawan natin ay mahina. Kailangan natin palagi si Lord sa buhay natin. Sa Kanya lahat nanggagaling ang lahat ng meron tayo. Magpray tayo sa tuwing nanghihina tayo. Kung mahina ka, papalakasin ka ni Lord. Yung dahil sa faith mo, may nangyayaring maganda. Magpray tayo kay Lord na bigyan nawa Niya tayo ng lakas nang sa gayo'y maging handa tayo. Ang katawan natin ay may kapabilidad na gumawa ng anumang uri ng kasalanan dahil mahina nga ito, pero, kung kasama mo ang Diyos, di ka Niya iiwan ni papabayaan lang.

Pray lang. Pray pa more tayo, at lalakas ang ating pananampalataya sa Diyos, ang relationship natin sa Kanya, at nang makilala pa natin Siya.

Hangga't di natin nakakausap ang isang tao, hindi mo siya makilala. Parang ang Panginoon, kung di mo Siya kinakausap, paano mo Siya makikilala?

Pray lang po tayo palagi, kahit anong oras,kahit saan. Dahil sa prayer, lumalakas tayo, kahit na natatakot tayo, ma-oovercome natin yan. Basta may puso at faith sa pagprapray. Baka mamaya di naman pala galing sa puso mo ang mga sinasabi mo.

Syempre, faith without work is dead. Parang katawan na walang kaluluwa lang yan. Kumilos din tayo. Pero sabi nga, "Do your best, and God will do the rest." Ito yung quote na binigay ng kaklase ko noon sa isang subject namin na magbibigay ng quotes bago matapos ang subject na 'yun. Tapos,madalas ko rin pong mabasa sa mga kwento na spiritual dito sa wattpad. :)

Pray lang po tayo. Huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti. God loves you.. And God bless.

~

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon