66. By Faith

3.1K 21 6
                                    

Hinipo niya ang kanilang mga mata at sinabi, "Mangyari ito sa inyo ayon sa inyong pananampalataya."
Mateo 9:29

May pagkakataon sa buhay natin na tila nawawalan na tayo ng pag-asa. Minsan, nawawalan tayo ng pananampalataya. Pero huwag nating hayaang mawala ito kasi ito ang ating pag-asa habang naririto sa mundo.

If you're one of those thinking that they have lost their faith, read this:

He gives hope in your heart. His Spirit lives in you. He never leave you nor forsake you. You are the church. Nandiyan lang Siya. He will make everything new. He will restore you. Lumapit ka lang.

Kung napagod ka nang manampalataya, i-share ko 'yong sinabi sa GC namin: He gives rest by His presence, His Word, and your obedience.

Ano ba ang pananampalataya o faith sa English?

According to Hebrews 11:1, Now faith is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see.

Malinaw naman ang kahulugan ng faith. Kahit hindi mo pa Siya nakikita, naniniwala kang nariyan Siya palagi; naniniwala ka ring hindi ka Niya iniwan ni pinabayaan. Kahit mukhang walang pag-asa, naniniwala kang mangyayari iyon nang walang pag-aalinlangan. Kahit hindi mo naiintindihan ang mga nangyayari, nagtitiwala ka sa Kanya. Kahit binabato ka ng negatives, may assurance ka sa Kanya.

Mahalaga ang faith. Without it, you can't please God. And when you can't please God, paano na makapagpapatuloy sa race natin tungo sa katagumpayan? Be still lang mga kapatid.

Paano nga ba magkaroon ng matinding pananampalataya?

-Depend on our source- Jesus.

He's the center of our faith. Nagkaroon ka ng pananampalataya dahil sa mga napakinggan mo ukol sa Kanya. Kaya no matter what happen, sa Kanya ka umasa. May faith ka dahil sa Kanya.

Nagsisimula ang lahat sa maliit. At habang mas nakikilala mo Siya, mas lalong tumitindi ang faith mo sa Kanya.

-Lumapit sa Kanya (Maging desperada sa Kanya)

We need Him desperately. Admit that you need Him the most. When we do that, mas lalo nating hinahayaang Siya na ayusin ang buhay natin. May faith tayo na Siya ang higit nating kailangan; Siya ang kukumpleto sa buhay natin, Siya ang lahat natin.

Kapag lumalapit ka sa Kanya, iyon ang faith kasi kahit hindi mo pa Siya nakita, dume-depend ka sa Kanya at ang paglapit sa Kanya ay ginagawa kang humble at binabago ka unti-unti. Kapag araw-araw kang may quiet time / naglaaan ng oras sa Kanya with all your heart and soul (all of you 100%) asahan mo mas titindi ang faith mo.

-Maniwala- huwag mag-aalinlangan

Doubts ang naninira ng faith natin. Ayun na e, naniniwala ka ng ganito ang mangyayari, pero umaatake ang doubts kaya pinanghihinaan ng loob. Mga "what ifs" sa utak, mga bulong na lies ng kaaway, at iba pang gaya nito.

Kung hindi mo maiwasan ang doubts, huwag mong hayaang sakupin ka nito. Mas patimbangin mo ang faith; mas panghawakan mo ang sinasabi Niya sa Word.

Alalahanin mo, kaya gumaling ang mga may karamdamang (according to Gospels) lumapit kay Jesus dahil naniniwala sila na sila'y gagaling at walang pag-aalinlangan.

-Maniwala kahit wala pang nakikita

Claiming... halimbawa iyan ng naniniwala kahit wala pang nakikita. Ito ay ginagawa ng mga Kristiyano. "In Jesus' name! Papasa ako!"

And sinamahan mo pa ng review iyon. Tapos naniniwala kang papasa ka. Nang pumasa ka, ang faith mo ay mas tumindi. If ever na hindi ka naman pumasa, mas natsa-challenge ka nito dahil nasusubukan ang faith mo. Always remember that He has the best plan in your life.

Nagtitiwala kahit walang naiintindihan. You are more concern on His will.

-Maniwalang gagawin Niya (He will do)

We know that He can do all things. Yes, He can do but also believe that He will. That's faith.

-Lakasan natin ang ating loob.

Sa maraming pagsubok pang darating sa buhay natin, doon mas nasusubok ang faith natin. Kaya lakasan natin ang ating loob upang mapagtagumpayan ang anumang hirap na talagang susubukin tayo. God is always there. Just focus on Him.

Ang pananampalataya ay nakalulugod sa Kanya dahil ito ang paniniwala, pagtitiwala sa Kanya, pagpapakita ng ating pagmamahal sa Kanya- hindi ba kapag mahal mo e... gagawin mo ang lahat para sa kanya? Ipi-please mo siya. Gagawin mo ang ikagagalak niya. Same in the Lord- ginagawa mo ang mabuti dahil mahal mo Siya.

Ang faith ay ang confidence na meron tayo sa Kanya (pag-asa) Hebrews 11:1, Now faith is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see.

Ang faith ay hanap Niya sa isang tao. Faith can move mountains- even a "little" faith. In the Gospels, lahat ng taong matitindi ang pananampalataya ay gumagaling. May babae roon na sinabi niya sa sarili niya kapag nahawakan niya ang damit ni Jesus ay gagaling siya and it happened.

Conclusion:
Huwag mawawala ang faith kahit anuman ang mangyari. Sa halip, hayaan mong lumago pa ito gaya ng isang buto ng mustasa hanggang sa lumaki.

To God be the glory :>

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon