7. He will never leave you nor forsake you

9.7K 84 4
                                    

Hebrero 13:5

Huwag kayong magmukhang salapi; masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, "Hindi kita iiwan ni papabayaan man."

_______

God will never leave us/forsake us. He will never do that. He will be there for us.

Huwag tayong magmukhang pera at maging sakim sa pera. Magpasalamat at masiyahan na lamang tayo sa lahat ng meron tayo at sa lahat ng ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Kung may mga nangyayari sa ating buhay na di maganda, huwag na huwag mong isisi sa Diyos, minsan may dahilan, minsan tayo ang nagkamali ng desisyon.

Sa may dahilan, ito ay pagsubok lamang sa atin ng Diyos. Sa pagsubok na ito, pinapalakas ka Niya sa kabila ng iyong pagiging mahina. Sa tuwing tayo'y nanghihina, nandyan lang si Lord na kahit ano ang mangyari, di ka Niya iniwan. Dakila ang pag-ibig Niya sa atin. We must be thankful. Lalo na sa mga pagsubok sa buhay. Parang kasi pag-test ng totoong ginto. Di ba ang ginto maraming test yan na dinadaan para malaman kung ito'y totoo o hindi? Ang ginto diyan ay nagrerepresenta ng ating FAITH sa kanya. Masusubukan ang iyong FAITH kung genuine. Hindi ka naman Niya iiwan ni papabayaan man sa kalagitnaan ng pagsubok. Lumapit ka lang, hindi niya binabalewala ang sinumang lumapit sa Kanya!

Sa maling desisyon, ito naman ang pagdecide natin sa isang bagay. Iyon ang ginusto natin, di natin sinunod ang will Niya Para sa atin. Anong nangyari? Napahamak tayo, at sinisi natin Siya. Mali. Dapat, di natin Siya sinisisi. Sino ka sa palagay mo para questionin si Lord sa mga plano Niya? Ang hindi magandang nangyari sa iyo ay bunga lamang ng maling desisyon mo. Hindi kailanman ginusto ng Diyos na ika'y mapahamak. Minsan kasi pinili natin ito.. Hindi natin sinunod ng Diyos.. Kaya sa lahat ng pagkakataon,ang pagsunod sa Diyos ay siyang mas nakakabuting gawin.

Huwag tayong masilaw sa pera. Ang pera, ito'y nang-aakit ng kasamaan. Hindi naman masamang magkaroon ng pera, Syempre kailangan natin ito. Pero masamang maging ganid sa pera. Huwag kayong magmukhang salapi. Ang isang mukang pera ay gagawin ang lahat ng paraan kahit na ito'y masama, basta't makuha lang ang pera. Di baleng kaunti lang ang pera, kaysa sa malaki nga, pero galing naman sa masama. Mas magandang galing sa sikap kaysa sa paraan ng masama.

Masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Ang lahat ng meron ka ay ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Masiyahan na lamang tayo rito at ipagpasalamat na lamang natin ito sa Diyos. Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. (Efeso 5:20)

Sapagkat sinabi ng Diyos, "Hindi kita iiwan ni papabayaan man." Kahit kailan, kahit anuman ang mangyari, di ka iiwan ni papabayaan ng Diyos. Lagi lamang Siya nasa tabi mo. Minsan tayo lamang ang manhid. Huwag tayong magpakamanhid. Batid Niya ang lahat ng nangyayari sa iyo. Alam Niya ang lahat at lantad ang lahat ng bagay sa paningin Niya. Mahal na mahal ka ng Diyos.

Tandaan niyo po ito : Nandyan lang palagi si God sa tabi mo. We love us although we don't need by Him. Hindi ka Niya iiwan ni papabayaan man sa lahat ng pangyayari sa iyong buhay. Kung pakiramdam mo walang nagmamahal sa iyo, sa palagay mo, ano ang nararamdaman ng Diyos? Mahal ka Niya. Lumapit ka lang sa Kanya. :)

~~~

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon