1 Mga Taga-Corinto 15
[58]Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong paghihirap para sa kanya.______
Napagod ka na ba... Sumuko... Nadapa.... Pinanghinaan ng loob... Nalumbay... Nabalot ng pag-aalala... At higit sa lahat, nanghina na ba ang iyong pananampalataya sa Diyos-- nanlamig na ba ang dating fire/desire sa Kanya?
Lahat ng Christians ay naranasan na iyan. Walang perpektong Kristiyano. Lahat ay may napagdaanan at pinagdaraanang pagsubok sa buhay na s'yang nagpapatibay at nagpapalago ng pananampalataya sa Kanya.
Napa-isip ka na ba kung bakit sa mga malalapit sa Diyos o Kristiyano ang nakakaranas ng mabibigat na pagsubok ng buhay?
"Pinagpala ka kung may trials and challenges kang hinaharap o hinarap dahil isa ito sa pagkilos ng Diyos sa buhay mo."
For maturity-- paglago at lalo pang lumalim ang faith kay Lord. Ang boring ng buhay kung puro pagpapakasaya lang at walang nararanasang hirap. Mas masarap lasapin ang kagalakan kung ito'y nanggaling at bunga ng paghihirap. Magpahinga- the Lord will give you a rest kung lalapit ka sa Kanya- pero never give up dahil kahit kailan, never Siyang sumuko sa 'tin.
Magpakatatag lang. Oo, madaling sabihin sa isang tao na may problema, "Magpakatatag ka lang, bessy," pero mahirap ding gawin lalo na kung nawawalan na ng pag-asa. Huwag magpatinag. May purpose si Lord sa lahat ng mga nangyayari sa iyo. Ang kailangan mong gawin ay ang magtiwala at lalong kumapit sa Kanya.
Hindi gano'ng madali ang maglingkod sa Panginoon dahil nasa mundo ka. Hindi tulad sa social media na isang click lang, naka-follow na agad at kapag ayaw na, un-follow ang solusyon. Hindi ganyan kay Lord. Sa pag-follow mo sa Kanya, marami ka nang haharapin. Physical, emotional, social and ang pinakamahalaga, spiritual. Sa pagsunod mo sa Kanya, ang bawat magagandang pangyayari sa 'yo or mga na-achieve mo ay glory to Him. Naglingkod ka pa kung puro "glory to me" lang hindi "to God be the glory." Maging masipag. Isabuhay ang mga nababasang Word Niya sa Bible. Hindi gano'n kadali, ngunit i-surrender mo kay Lord ang lahat. Marami ang hahadlang sa 'yo, 'wag kang papatinag. Pagsubok lang ang lahat! Kapag gusto, maraming paraan.
Hindi masasayang ang lahat. Siya ang iyong pinili, ang Hari ng mga hari, Panginoon ng mga panginoon, pinakadakila at makapangyarihan sa lahat... at iba pang salitang makakapagbigay papuri sa Kanya. Eternal ang choice mo. Ang iyong magiging buhay pagkatapos ng kamatayan. Walang hanggan ang pinili mo.
Ang mundo-- maraming i-o-offer sa 'yo. Lahat ng desires ng laman ay narito. Pasisiyahin ka lang nito, pansamantala. Napu-fulfill nito ang laman. Lahat ng tao'y may pangarap, ngunit ika'y focus dapat kay Lord. Baka 'pag nakamit mo na 'yon, naging abala na at kinalimutan na Siya. Tapos maalala na lang kapag may kailangan. Kung sa 'tin, naiinis tayo sa taong kinakausap ka lang kapag may kailangan sa 'yo, paano pa kaya si Lord?
Ang mga pagsubok/problema ay may purpose sa buhay natin. Pinaalalahanan ka niyan na magpakatatag at 'wag patitinag. God is bigger than your problems. Surrender mo lang at hayaan mo Siyang manguna sa iyong buhay. Huwag sumuko sa Kanya. Hindi masasayang lahat ng iyong paghihirap.
______
I miss writing! After 3 months, nagbalik! Hihi God bless always! <3
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...