Juan 3:16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kaisang-isang Anak upang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkakaroon ng buhay ng walang hanggan.
Ang verse na ito ay familiar sa lahat at ito ang pinakasikat na verse. Madalas na ito rin ang pinakamemorado na verse.
Naranasan niyo na ba ang pakiramdam na walang nagmamahal sayo?? Yung para bang kung sakali mang meron eh madalas second choice ka lang o sa madaling salita kapag wala silang choice kundi ikaw nalang.. Yung maalala ka lang ng iba kapag may kailangan sila sayo. Alam niyo ba na mas masarap sa pakiramdam na alam mong may nagmamahal sa iyo sa kabila ng mga nararanasan mo sa mundong ito, mga pagsubok na siyang nagpapatibay sayo, alam mong mahal na mahal ka ni Lord sa kabila ng mga pagkakasala't pagkukulang natin sa Kanya.
Kung sakaling nasabi mo sa sarili mo na "Walang nagmamahal sa akin," Malulungkot si Lord dahil mahal na mahal ka Niya. Kahit ano ka pa, He still loves you and it will never change.
God gave His Son para sa atin. Nagpapako ang Panginoon sa krus para mailigtas tayong mga tao mula sa ating mga kasalanan.
Nagpapako ang Panginoon dahil sa sobrang pagmamahal Niya sa atin. Nais Niya na lahat tayo ay makaligtas, lahat tayo ay sumampalataya sa Kanya (magbalik-loob sa Kanya).. Ayaw Niya na may mapunta sa impiyerno. Hindi ginawa iyon para sa mga tao, ngunit, ginawa para sa mga kampon ni satanas at maging sa satanas , ngunit, napupunta roon ang ibang tao dahil sa pagsunod sa kaaway.
Dahil sa dakilang pag-ibig ng Diyos sa atin, Siya ang gumawa ng way para tayo ay maligtas at magbalik-loob sa Kanya.
Sobrang mahal na mahal Niya tayo.
Sa kabila ng mga pagkakasala natin, He still forgives us lalo na kung ika'y sincere sa paghingi ng tawad.
Sino ang naniniwala rito sa second chance??
All of us received it. It was/is from God. Lahat tayo ay nakatanggap nito. Sa araw-araw nating buhay, ilang beses tayo humingi ng tawad kay God? Di ba ang dami? Minsan pa nga eh feeling mo ang konti ng percentage na mapunta ka sa langit dahil sa mga nagagawa mong mga pagkakasala, ngunit, faithful si Lord, basta't sincere tayo sa paghingi ng tawad, He will forgive you and forget your sin like it didn't happened.
Ang LOVE from GOD ay perfect. Ang tao sa paligid mo, eh sadyang tao lamang sila, nagkakamali sila. Ang tao, maaaring nariyan siya ngayon, ngunit ang Panginoon ay kasama mo magpakailanman. Lahat ay kayang gawin ni Lord, isa lang ang hindi, yun ay iwan ka Niya sa kabila ng pag-iwan mo sa Kanya. How great is the love of God on us because He is also the definition of love, or simply, "God is love."
Tanggapin mo sa iyong puso ang Panginoong-Jesus as your Lord and Savior habang ang panahon ay matatawag pang ngayon. Magsisisi ka na habang naririto ka pa sa lupa at maaari ka pang makapagsisi, dahil kapag hindi ka nakapagsisi at hindi mo nakilala/kinilala si Lord bago ka mamatay, hindi ka na pwedeng magsisi sa impiyerno dahil huli na ang lahat.
Dahil sa mahal na mahal tayo ni Lord, inaantay Niya tayo. Ayaw Niyang may mapahamak. Nagsusugo Siya ng mga messengers Niya para maiparating sayo ang katotohanan. Dati kang bulag, ngunit dahil sa Kanya'y nakakita ka..
Bakit nga ba may pasko? Dahil ba kay santa? O dahil ba sa kapanganakan ng ating Panginoon Jesus dito sa lupa?
Dapat araw-araw pasko sa ating mga puso.. Dahil inaalala dapat natin sa tana ng ating mga buhay na si Lord ay mahal na mahal tayo kaya Siya'y bumaba dito sa lupa at nagsakripisyo para sa atin. Hinubad Niya ang pagka-Diyos Niya at nagpakumbaba dito sa lupa para sa atin.
Kita mo, may nagmamahal sayo, di ba? Akala mo, wala? Meron. Akala mo lang yun, di totoo (hehe peace)
Ang Diyos lamang ang syang makakapagsatisfy ng emptiness mo.
Kung alam mo yung kantang... O yung kantang may lyrics na ganto...
Kung sino-sino pa ang tinatawagan mo nandito lang naman ako.,
Di ba, isipin ninyo, si Lord ang kumakanta niyan sa inyo..
Minsan, kung sino-sino pa ang nilalapitan natin, pero, ang Diyos lamang talaga ang tunay na makakatulong sa iyo.
Love na love ka ni Lord! Nawa'y mahalin rin natin Siya ng buong puso, buong kaluluwa, buong pag-iisip at buong lakas.
Love from God... Huwag natin iignore... Minsan naiignore natin si Lord ng di natin alam.
Be thankful dahil sa kabila ng lahat ng mga nangyari at ang mga nagawa nating mali ay minamahal pa rin tayo ni Lord. Kahit di natin deserve ang pagmamahal Niya para sa atin, He still gives it.
Amen naman dyan?
Amen!!
Praise the Lord.
~
Sa lahat ng may mga pinagdaraang mga pagsubok, alam natin si Lord ay nariyan, wlang impossible, di ba? Amen.
I can do all things through Christ who strengthens me. Philippians 4:13
Tiwala lang po kay God at huwag po natin Siyang sisihin sa mga nangyayari sa atin, just trust His plans.
And He loves all of us although we didn't deserve His love for us.
Yun lang po.
God bless.
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...