1 Pedro 5:7
Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.
________
Ang lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan. Ang kailangan ay ang pagtitiwala mo sa Panginoon. Huwag na huwag mong itatapon ang TRUST mo kay Lord, sapagkat mayroon itong gantimpala. Kapag nagtitiwala ka sa Kanya, Siya na ang bahala kung paano ka Niya tutulungan at mayroon ka rin dapat na gawin. Sabi nga, "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa." May malasakit ang Panginoon sa bawat isa sa atin, kaya't huwag niyong isipin na iniwan at pinabayaan tayo. Iniisip lang natin yun, ngunit, hindi naman talaga. Hindi Niya tayo iiwan ni papabayaan man. Sa bawat pangyayari o pagsubok, magtiwala ka lamang Sa Diyos at di ka Niya bibiguin. He never give up on us, and we must not give up on God.
Sa lahat ng mga nangyayari sa atin, just trust God on everything. May purpose ang lahat ng mga nangyayari sa atin. May taong nawawala sa iyo, yung hindi mo ineexpect.. Pumasok sila sa buhay mo nang may dahilan at nawala sila sa buhay mo na may dahilan din. Oo, masakit... Ngunit, mas mainam na gawin ay magtiwala ka nalamang sa plano ng Diyos sa iyo.
"Tiwala lang." tandaan mo ang dalawang salita na 'yan o apat na syllables na yan. Dalawang salita yan subalit may malalim na kahulugan.
Huwag mong iisiping walang pakialam o malasakit ang Diyos sa iyo. Na akala mo'y iniwan at pinabayaan ka, hinding-hindi!! Para sa ikalabuti natin ang plano Niya. Ang kailangan mo lang gawin ay ang magtiwala ka lamang. Mahal na mahal tayo ni Lord, higit pa sa iyong inaasahan, sana ganoon din tayo sa Kanya. Kapag di ka nagtiwala, nasasaiyo na 'yun, but the Lord still loves you.
Give everything to God. Nothing is impossible to Him. Just trust God.
Hindi mo man maintindihan sa una ang lahat, ngunit kung magtitiwala ka sa Panginoon, malalaman mo sa tamang panahon kung bakit ito nangyari... "Ayy kaya pala nangyari yun, kasi ganto.. Kung hindi nangyari 'yun noong nakaraan, panigurado, hindi 'to mangyayari ngayon. Iba pala ang nagtitiwala ka sa Diyos. Hindi ka Niya bibiguin. All praises are all for Him!!!"
Huwag ka nang mag-alinlangan. Oo, sa una, hindi mo talaga masasabi 'yan, yung ang hirap hirap ng sitwasyon mo. Hindi mo alam kung malalagpasan mo pa 'to dahil sa paningin mo'y impossible. But, remember, impossible sa tao, possible sa Diyos. How great is our God!!
Don't worry too much. Ang bukas ang siyang dapat mag-alala sa sarili niya. Hindi yung tayo ang mag-aalala para sa bukas. Hindi naman yung hindi ka kumikilos, yung tamad ka, hindi naman ah. Kilos ka rin, pero, put your trust on God. He will guide you kung anong path ang dadaanan mo.
Trust. Mahirap 'tong ibigay, ngunit kung sa tulad ni God mo ibibigay, hindi ka mabibigo.
Just give everything to Him and rest. Magpahinga ka naman! Hindi yang inaabuso mo na ang sarili mo. God takes care of you!! Nagmamalasakit ang Panginoon sa iyo.
Trust the Lord always :)
~
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...