Roma 12:2
Huwag kayong maki-ayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan niyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan niyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa niyo kung ano ang mabuti, kalugod-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.
_____
Sa kasalukuyang panahon, napakarami ang nauuso sa mundong ito. Kung anu-anong mga commercials na ating nakikita sa TV na nanghihikayat kang bilihin ito kagaya ng mga mamahaling gadget, at iba pa. Na tila kapag wala ka nito, nahuhuli ka sa takbo ng mundong ito. Maaari ka pa nilang kutyain dahil wala ka nito. Silang lahat meron ng ganito at ganoon, ikaw naman wala, e ano ang gagawin mo? Ipu-push mong magkaroon. Kukulitin si Mommy/Daddy/Mama/Papa o anumang tawag niyo sa kanila na bilhin iyong naayon sa uso subalit hindi naman nila kayang bilhin. Magtatampo naman kapag hindi nabili. Hindi niyo lang alam na masakit sa magulang na hindi nila maibigay ang gusto ng anak pero may mga bagay na hindi naman kailangang bilhin.
Ang lahat naman ng nauuso ay lilipas. Mapapalitan at mapapalitan 'yan. Nakakatawang isipin ngayon ang lahat ay mabilis lumaos o mawala sa isipan ng tao. Ihalimbawa natin ang mga tugtog na nauuso ngayon- ngayon sikat 'yan pero mamaya iba na naman. Gan'yan kabilis magsawa ng mga tao ngayon.
Bakit ka pa makiki-ayon kung lilipas din naman? Dahil nahuhuli sa uso? Kating-kati na magkaroon nito dala ng mga mapanlinlang na salita sa commercials? O kaya nama'y nakikita mo ito sa mga kaklase at kaibigan?
Hindi ko naman sinasabi na huwag kang bumili. Piliin mo lang ang mga kailangan mo. Kung kailangan mo ng cellphone para sa komunikasyon, tapos may nakita ka lang na bagong brand, kahit na maayos pa ang phone mo gusto mo na agad palitan. Sa bagay, kung mayaman ka walang problema na palit agad. Tandaan, hindi mo naman kailangang makisabay sa uso. Ikakamatay mo ba ang hindi pagsabay? Hindi.
Maging wais tayo sa lahat ng bagay. Huwag tayong papakain sa sistema ng mundong ito sapagkat napakaraming bagay sa mundong ito ang s'yang makakapaglayo sa atin sa Diyos.
Maraming tao ang s'yang nakikisabay sa takbo ng mundong ito at hindi naman 'yon maiiwasan. Kasi dala na rin ng impluwensiya ng iba at ikaw nama'y nagpa-impluwensiya. Nasa tao na rin mismo 'yon kung gusto niya makisabay.
Nakakapagod kayang makisabay sa takbo ng mundong ito. 'Yong tipong para kang malulubog sa alon ng dagat dahil hindi ka nakisabay. Naiisip mo na rin minsan ang hirap mahuli. Silang lahat ay alam at meron noon tapos ikaw wala no'n? Ang hirap talaga. Napakadaling magpahulog sa tukso. Ngunit ang lahat ng bagay sa mundong ito ay panandaliang kasiyahan lamang.
Hindi bale na wala ka ng mga uso ngayon, ang mahalaga ay meron kang Diyos sa buhay mo. Siya lamang ang makakapagkumpleto sa pagkatao natin. Isipin niyo, nilikha tayo ng Diyos na parang may kulang sa puso natin- kahit na mapasa-atin ang lahat, may kulang at kulang pa rin. Ano ba 'yon? Ang Diyos.
Bakit huwag tayong makiki-ayon sa mundo?
~Dahil puno ng tukso ang mundong ito. Maaari kang maging mayabang sa anumang meron ka. Maaari kang mapasama nito.
~Upang sundin natin ang kalooban ng Diyos.
~Upang makagawa ng mabuti at kalugod-lugod sa paningin ng Diyos.
~Maraming bagay sa mundong ito na maaaring makakapaglayo sa atin sa Diyos.
~Dahil Kristiyano ka, ikaw dapat ang mang-impluwensya, hindi ikaw 'yong ma-impluwensyahan nang 'di maganda.
~Hindi natin kailangang maki-ayon sa mundo.
~Walang bagay ang s'yang mananatili sa mundong ito.
~Dahil kasama mo ang Diyos. Kahit na apihin ka nila dahil wala ka ng mga bagay na meron sila- okay lang! Nakiki-ayon sila sa mundo e. Meron ka namang Diyos!
Ano ang gagawin upang hindi ka maki-ayon sa mundo?
~Manatili sa Diyos.
~Read Bible.
~Pray always.
~Worship Him.
~Follow Him.
(Matthew 16:24, Then said Jesus unto his disciples, "If any man will come after me, let him deny himself, and take up his cross, and follow me.")Tandaan, kung ang bagay na ito ay nagagawa kang mailayo sa Diyos o kaya naman halos kainin na ang oras mo para hindi ka na makapaglaan ng oras sa Kanya- mag-ingat ka na sa bagay na 'yon. Kung nagtatrabaho ka naman o nag-aaral at busy, huwag mawalan ng oras sa Diyos. Sa halip, lagi kayong manalangin at humingi ng kalakasan sa Kanya. Palaging tandaan ang Matthew 6:33.
Hindi masamang magkaroon ng mga bagay na meron ka ngayon kagaya ng mga kaloob ng Diyos sa 'tin. Ang masama lang ay kung paano mo ito gagamitin.
Ang mga bagay sa mundong ito ay agarang lilipas. Bakit ka pa makiki-ayon? Pag-isipan niyo ang lahat ng mga ginagawa niyo. Baka mamaya hindi niyo namamalayang unti-unti na pala kayo napapalayo nito sa Diyos.
God bless kapatid! All glory to God.
______
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...