#Forgiveness

2.5K 13 3
                                    

****

Madalas mo bang marinig sa balita ang tungkol sa pambabatikos sa pagpapalibing kay dating presidente na si Marcos sa libingan ng mga bayani?

Nakakasawa na bang pakinggan ito sa mga balita?

Sa akin, based on my opinion, nakakasawa na talaga. Nailibing na't lahat-lahat ay ipinapaalis pa! Sa bagay, wala akong alam sa nararamdaman ng mga taong nabiktima/pinahirapan ni Marcos. Pero patay na ang tao! Ano ba talaga ang dahilan kung bakit ayaw nilang ipalibing doon si Marcos? May mga nagawa naman siyang mabuti e. Sadyang mas nakikita ang mali.

Sa aking palagay, isa lang. Hindi pa nila napatawad. Sa bagay, mahirap magpatawad. Hindi sa isang iglap e makakalimutan na ang lahat. Nananatili pa rin sa iyong isipan ang buong pangyayari at ramdam na ramdam mo ang sakit na idinulot nito sa iyo. Ano na lamang ang mangyayari kung hindi ka magmomove-on sa mga masasakit na nangyari sa iyo– at umabot sa puntong ayaw mo na siyang patawarin at gustong gumanti? Matapos na nawa ang isyu na tungkol kay Marcos. Patay na nga yung tao ay nagkakaroon pa ng malaking isyu.

Sa totoo lamang, ang sarili mo lamang ang pinahihirapan mo sa tuwing nagtatanim ka ng sama ng loob. Mahirap mabuhay ng may galit ka sa isang tao. Paggising mo, naiisip mo na ang nangyaring masakit, at lalong lumalalim ang galit mo. Eh di mas lalong mahirap mabuhay ng malaya.

Masayang mabuhay ng wala kang galit sa isang tao. Oo, mahirap magmove-on. Mahirap makalimot. Masakit. Nasaktan ka. Nagalit ka. Pero, iba talaga si Lord. Sa isang iglap lang, mapapatawad ka na Niya kung hihingi ka ng sincere sa Kanya ng tawad.

Isipin mo ang mga nagawang mabuti ng isang tao. Tapos, sa isang pagkakamali ay mabubura na ang lahat ng iyon. Pansinin mo.

Ang pagpapatawad talaga ang susi sa kalayaan mo sa galit. Napakagaan sa loob na wala kang dala-dalang sama ng loob. Nasasayo naman kung gusto mong maging malaya at maging masaya.

Paano magpatawad? Patulong ka kay God :)

Remember this always :

But if you do not forgive others their sins, your Father will not forgive your sins. ~Matthew 6:15

****

11-21-16 na-type. Nakatype kasi walang klase hahaha. Karamihan nasa camping.

Nagkataong walang load/WiFi ng time na 'yan. Naka-secure na yung dating walang password. Hahaha!

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon