John 13:7
Jesus answered him, "What I am doing you do not understand now, but afterward you will understand."
________________
May mga bahagi sa buhay natin na minsan hindi mo alam kung bakit kailangan pang mangyari. Yung tipong paggising mo palang, iniisip mo na ang problema mo. Umagang-umaga palang naiistress ka na, imbis na maganda ang gising mo at masayang-masaya kang nagpapasalamat sa Diyos dahil buhay ka pa- yang problema na 'yan masyadong paepal.
Yung sinasakop na ng pag-iisip mo ang problema. Nakakainis yun. Nakakastress na ewan.
Alam mo sa mga ganitong pagkakataon, ang pinakamainam na gawin, alam niyo naman kung ano di ba?
Pray to God. Yes! That's true. Magdasal ka. Kausapin mo Siya. Pero huwag mo Siyang sisihin sa mga nangyayari sa buhay mo- humingi ka sa Kanya ng lakas at paraan upang malagpasan ang pagsubok na 'yan. It's just testing of your faith. Syempre, 'Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.'
Mahal ka ng Diyos. Hindi ka Niya iiwan.
Magtiwala ka lang sa Kanya sa lahat ng pagkakataon.
May rason kung bakit nangyayari 'yan.
Hindi mo man mauunawaan 'yan ngayon, pero darating yung araw na malalaman mo kung bakit nangyari iyon.
Hindi ka lang naman Niya basta pinapanood- He's always there! Ikaw lang ang manhid kung bakit hindi mo Siya nararamdaman.
Huwag kang basta sumuko. May mga pagkakataon sa buhay mo na gusto mo nang sumuko- ang sarap kasing sumuko e- ayoko na! Nakakapagod na! Nakakasawa na! Ayoko nang maghirap pa!
Don't pray na mawala ang problema mo, magpray ka para maging malakas ka.
Isipin mo yung nangyari kay Lord Jesus noong nasa mundo Siya. Ano ang mga pinagdaanan Niya? Ipinako Siya sa krus, right? Ginawa Niya yun alang-alang sa atin. Ginawa Niya ang will ng Kanyang Ama.
Jesus prayed. Right? Kung nabasa mo sa Bible. Kung Siya nga nagpray, tayo pa kaya? Gaano pa kaya sa atin?
Makapangyarihan ang prayer. It can change everything. Pray with heart- it's okay to have a short prayer with heart- than having a long prayer without the heart. You know what I mean :)
Maging matatag ka lamang. Harapin ang pagsubok, wag takbuhan.
It happens for a reason.
God will never leave you alone.
Hindi "forever alone" kasi kasama mo Siya parati.
:)
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...