21. Life and Death

3.5K 36 2
                                    

Roma 6:23

Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Ang paggawa ng kasalanan ay may kabayaran, ito yung kamatayan, samantalang walang bayad ang kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesus ang buhay na walang hanggan. Kung tatanggapin mo Siya sa iyong puso't kaluluwa na Siya'y iyong Panginoon at tagapagligtas, maliligtas ka at matatanggap mo ito.

Mayroong akong nabasa sa wattpad na kung saan ang verse na ito ay parang summary ng Bible. (Sa isang kwento dito sa wattpad) Ayon doon, ito ang pinakasummary, hindi yung literal na summary ng mga kwento sa Bible dahil bawal ang magbawas o magdagdag man sa mga nakasulat rito. Ito yung sinabi : Dahil nakapaloob rito ang tungkol sa mga kasalanan at ang walang bayad na kaloob ng Diyos sa atin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Ito ay parang paksa.

******

Choose between the two : life or death?

Marami panigurado na gusto ay ang 'life' syempre, sino ang may ayaw ng buhay? Lalo na ang buhay na walang hanggan?

Ngunit, hindi alam ng iba ang pinili nila sa dalawang yan ay ang 'death' Hindi yung death talagang literal na namatay ang katawang-lupa. Yung spiritual life niya o ang kanyang soul.. Bakit? Dahil mas pinili niyang magpatuloy sa pagkakasala at hindi kinilala ang Diyos sa kanyang buhay Kahit na may mga tao ng nagsasabi sa kanya o mga messengers ng Panginoon sa kanya.

Lahat tayo ay mamatay dahil sa kasalanan, pero dahil sa kamatayang 'to ay dito nagsisimula ang buhay na walang hanggan. O ang madalas mong naririnig : "Life after death."

********

Matatanggap mo lamang ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Kanyang Anak. (Jesus) Siya lamang ang nakakapagligtas, walang iba pa. Kahit anumang religion ang pasukin mo, Siya at Siya lamang ang nakakapagligtas at namamagitan sa Ama (Ang Diyos). Siya ang iyong religion.

Katoliko ka man, Born Again, Baptist, Jehovah, INC, Methodist, etc and etc. Kahit ano pa yan, ang mahalaga ay ang relasyon niyo sa Diyos.

Nasasaiyo pa rin kung gusto mong kilalanin si God. Kasi "God doesn't want robots."

Kung nalaman na ng isang bata ang langit at ang impiyerno, panigurado ay may napili na siya rito.

*********

May iba naman na nagkukunwari lamang, pinapakita na siya'y banal sa mga nasa paligid niya. Masaklap kung ika'y nagkukunwari lamang o pakitang-tao lamang ang ginagawa mo dahil malaki ang parusa mo.

Kahit anong mangyari, alam ng Diyos kung ano ang nasa isip mo at nasa puso mo. Sa bilyong-bilyong puso sa mundong ito, alam Niya ang lahat. Hindi na kailangan pang sabihin sa Kanya, sapagkat iniisip mo plang alam na Niya.

Parang sa pagdadasal lang, alam na Niya ang hinihiling mo, pero dapat magdasal ka pa rin.

Hindi naman patay ang Diyos upang patayin mo ang pakikipag-usap mo sa Kanya.

*******

Nasasaiyo kung ipagpapatuloy mo ang pananampalataya mo. Kasi hindi ka naman pinipilit ng Diyos. Kasi gusto ka Niyang mailigtas kaya Ilang beses Siyang nagbibigay ng chances sa iyo. Mapalad nga tayo dahil dakila ang pagmamahal ng Diyos sa atin.. Basta't ika'y magsisi at tumalikod sa kasalanan, at sumampalataya sa Kanya.

Kamatayan - Buhay

Alin ang pipiliin mo sa dalawang yan?

Natural na ika'y mamatay. Hindi literal ang kahulugan ng kamatayan diyan dahil ang ibig kong sabihin diyan ay ang ugnayan mo sa Diyos. Death na kung saan ay pangalawang kamatayan sa impiyerno.

May dahilan kung bakit ka namamatay o buhay man.

Hindi rin literal ang buhay na word diyan, ang ibig kong sabihin sa buhay na yan ay ang walang bayad na kaloob ng Diyos.

********

Lahat ng ginagawa o desisyon natin ay may consequences.

Now, decide if who will you chose between the two : God or satan? Life or death?

God is good all the time.

Sin will be forever bad or not good.

But God's love will endures forever.

Eternal life with God?

Or...

Eternal life on hell?

_________

GG (God's gift) on us is life. Nasasaiyo kang tatanggapin mo at bubukasan mo ang regalo Niya sa iyo.

At ang sin ay ang kabayaran nito'y kamatayan.

______

Good morning! Good afternoon! Good eve!

*-*-*-*-*

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon