Note: hindi po sa 'kin 'to. I just read this on Facebook. Credits sa nagmamay-ari. :)
___
ONE THOUSAND PESO💴💵💷💶💸💰
May isang kilalang Preacher na tumayo sa pulpit para sa isang seminar. Dumukot sya ng one thousand peso bill, at ipinakita sa mga lahat ng nakaupo na may mahigit isandaang katao. Sabay tanong, "Sino ang me gusto nitong isang libong piso?"
... Taasan ng mga kamay. "O sige," sabi ng Preacher, "pero sandali," tapos nilamukos nya ang perang one thousand pesos. Tapos nagtanong ulit...,
"O, sino pa rin ang me gusto nito?" Muli, taasan pa rin ng mga kamay ang mga tao.
"Okey," sabi ng Preacher. "Pa'no kung gawin ko ito?" Tinapon nya sa lapag ang nilamukot na one thousand pesos, at inapakan nya ng maruming sapatos, dinampot at ipinakita uli sa mga nakaupong congregation.
"Ngayon, sino pa rin ang me gusto nito?" Muli, taasan pa rin lahat ng mga kamay.
"Mga kapatid, may natutunan kayong aral. Kahit anong gawin ko dito sa pera, ibig nyo pa rin dahil hindi nabawasan ang halaga nya. Isang libong piso pa rin ito. Maraming beses sa buhay natin, tayo'y naging marumi, bumagsak, isang basura, patapon, at inaapakan dahil sa mga desisyon at mga pangyayari sa buhay natin. Sa palagay natin, wala na tayong halaga. Pero anuman ang nangyari o mangyayari sa buhay natin, hindi nababawasan ang halaga natin sa mata ng Diyos. Sa Kanya, malinis man tayo o marumi, inapakan man o binasura, ikaw ay mahalaga sa Kanya."
Psalm 17:8 states that God will keep us, "as the apple of His eye."
Worth it to Read.
God bless.
(ctto)___
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...