73. God will fight for you

3.8K 29 1
                                    

Hindi ba't bago tayo umalis, sinabi na namin sa iyo na ganito nga ang aming sasapitin? Sinabi na namin sa iyo na huwag mo kaming pakialaman, at pabayaan na lamang kaming manatiling alipin ng mga Egipcio sapagkat mas gusto pa naming maging alipin kaysa mamatay dito sa ilang." Sumagot si Moises, "Lakasan ninyo ang inyong loob; huwag kayong matakot. Tingnan na lang ninyo kung paano kayo ililigtas ngayon ni Yahweh. Hindi na ninyo muling makikita ang mga Egipciong iyan. Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, pumanatag lamang kayo."
Exodo 14:12‭-‬14

I suggest that you read the whole chapter (Exodus 14). Then reflect what you've read.

What we shall do while we are facing different kinds of battle?

1. lakasan ang loob at huwag matakot

We see here na mas gusto ng mga Israelita na bumalik na lang sa buhay nila sa Egypt kaysa magpatuloy sa Lord dahil sa nakikita nila na posibleng mangyayari sa kanila.

Pero ano sabi ni Moises sa kanila?

"Lakasan ninyo ang inyong loob; huwag kayong matakot."

Kasi when we focus more on situations, mas lalo lang maghahari sa 'tin ang takot. Ni-li-limit natin ang kayang gawin ng Lord if ganoon. May pagkakataon lang talaga na tila hindi natin maiiwasan na panghinaan ng loob, pero nandiyan Siya na magpapalakas ng loob natin. Hindi natin kailangan matakot.

Lagi natin isipin kung gaano kadakila ang Diyos hindi kung gaano kalaki ang kalaban.

Ang Diyos ang kasama mo! Hindi kung sino lang. Siya'y Hari ng mga hari, Panginoon ng mga panginoon. Siya'y dakila sa lahat. Siya ang lumikha ng lahat ng bagay. Siya ang Diyos mo.

"I am the Lord your God!"

2. Magtiwala tayo at do our part

"Tingnan na lang ninyo kung paano kayo ililigtas ngayon ni Yahweh."

"Tignan" means magtiwala tayo! Magtiwala- paano ba? In despite wala tayong naiintindihan, magtiwala tayo. Kapag nakasakay tayo sa isang public transportation, hindi ba 'di naman natin kilala ang driver pero nagtitiwala tayong dadalhin niya tayo sa destination na ating pupuntahan? Sa Diyos pa ba kaya na kilala natin na napaka-faithful?

Ang lahat ng nagtitiwala sa Diyos ay nagtatagumpay. Tignan mo na lang ang lahat ng character sa Bible (old or new testament man) ang nagtiwala sa Diyos. Lahat sila nagtagumpay, hindi ba?

Hindi natin abot ang pag-iisip Niya. Alam na alam Niya kung ano ang gagawin. Alam Niya what's best for us. Kailangan lang natin manalig, magtiwala, at ibigay sa Kanya ang laban. Though we need also our action to fight, but we can only fight because of God.

Use all what you have. What's that? For example, your faith in Him or holding on what He has promise.

How to do our part? (Credits sa napagkuhaan ko ng idea na 'to. Somewhere nabasa ko sa FB ito.)

Tignan ninyo ang ginawa ni Moises:

Itapat mo sa ibabaw ng dagat ang iyong tungkod; mahahati ang tubig at matutuyo ang lalakaran ninyo.
Exodo 14:16

Ginamit ni Moises ang tungkod niya. So tayo ay kung ano pa ang natitira sa 'tin, kung ano pa ang meron tayo- gamitin natin! Siya ang bahala sayo!

Kung faith mo na lang sa Kanya ang natitira, then paghariin mo ang faith kaysa fear. If lakas ng loob mula sa Kanya ang meron ka, gamitin mo 'yon upang magpatuloy! If 'yong Word Niya ang natira sa puso mo, sige, panghawakan mo 'yon! Hindi Niya pinapahiya ang nagtitiwala sa Kanya.

3. Pumanatag (be still)

"Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, pumanatag lamang kayo."

Ano ang nararamdaman mo sa tuwing nababasa mo ang statement na 'to?

Ipaglalaban ka Niya! Tayo! Huwag nang babalik pa sa Egypt (alipin ng kasalanan/ old self). Magpatuloy ka! Uulitin ko, ipinaglalaban ka Niya! Kasama mo Siyang lumalaban.

Nahihirapan kang mag-pray? He's there. Nahihirapan kang makipaglaban na sa kasalanan or kung anuman battle 'yan? He's there! He never leave nor forsake you!

Mahina man tayo pero may Diyos. Palagi lang tayo naka-depend o nakaasa sa Kanya sa lahat ng pagkakataon. Maging ang pagsunod natin sa Kanya ay nagagawa lang natin dahil sa Kanya rin mismo- by His grace. Habang mas tumatagal tayo sa Kanya, mas lalo tayong du-me-depend!

Kahit mahirapan man tayo sa buhay ng pagsunod sa Kanya, huwag na huwag na tayong babalik sa dati nating buhay dahil mas lalala lang din ang lahat. Hindi ka pinalaya ng Diyos na iiwanan ka rin after noon. Kasama mo Siya. He's with you wherever you go.

God will fight for us. We need to be still. Trust Him. We don't need to be afraid when God is with us. We are not alone in our battles. We have Him. He's fighting for us.

Don't go back in your old life. (Kasi yung Israelites di ba parang gusto pa nila bumalik sa Egypt- sa pagkakaalipin nila... Pero hindi tayo niligtas ng Diyos para bumalik lang sa pagkakaalipin.) Continue your new life with God. You're not alone. Kahit mahirapan ka man sa pagsunod, patuloy ka lang. Patuloy kang umasa sa Diyos. Dakila Siya sa lahat. Kung nangyari ang tagumpay sa mga Israelita, ano pa ang hindi Niya kayang gawin? Kailangan lang natin magtiwala at umasa sa Kanya.

Patuloy lang tayo. Anuman kinahaharap nating battles, naniniwala akong mapagtatagumpayan natin iyon sa pamamagitan Niya. Lumalaban Siya para satin! Be still lang talaga! Be still! Endure lang talaga. We have Him!

Still to choose to worship Him is already a victory. Patuloy lang talaga kahit mahirap na.

Kapag nakataas ang mga kamay ni Moises, nananalo ang mga Israelita; kapag nakababa, nananalo naman ang mga Amalekita. Nangawit na si Moises kaya sina Aaron at Hur ay kumuha ng isang bato at pinaupo roon si Moises habang hawak nilang pataas ang mga kamay nito hanggang sa lumubog ang araw. Dahil dito'y natalo ni Josue ang mga Amalekita.
Exodo 17:11‭-‬13

We see here na hindi nag-iisa si Moises. May umaalalay sa kanya nang mangawit siya. Kaya tayo rin, we need each other upang magpalakasan sa pananampalataya.

Patuloy na itaas ang ating mga kamay- simbolo ng patuloy na pagsamba sa Kanya; simbolo na patuloy mong itinataas sa Kanya ang lahat; simbolo ng pagbibigay mo ng papuri sa Kanya! Higit sa lahat, isang tagumpay! Isang tagumpay sa pamamagitan Niya.

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon