48. Faith, Hope and Love

6.9K 33 1
                                    

1 Corinto 13:13

Samantala, nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, pag-asa at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

_______

Ang lahat ng bagay sa mundong ito ay lilipas din naman. Lahat ng mga pag-aari mo'y iiwan mo rin kapag ika'y namatay. Walang nakakaalam kung kailan ang kamatayan ng isang tao. Siguro kung alam niya ito, tiyak na magpapakasaya at magpapakasasa sa anumang pagnanasa ng mundong ito sa kasalanan at sasampalataya lamang sa mga panahon na malapit na siyang mamatay.

Sa kabila ng lahat ng ito- na walang forever sa mundo, may tatlong bagay tayong pinanghahawakan na hindi kailanman mawawala: ang pananampalataya, pag-asa at pag-ibig. Mapapasaiyo lamang ang tatlong ito kung ika'y tunay na sa Diyos.

Sa una muna tayo. Pananampalataya o faith sa Ingles.

Ano nga ba ito?

Ayon sa Hebrero 11:1- Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating inaasahan, at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita.

Saan naman ang pinagmulan nito?

Ayon sa Roma 10:17- Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.

Kaya ang faith na meron tayo ngayon ay nagmula sa mga narinig natin ukol kay Lord Jesus. Ang paniniwala na meron tayo ay nag-ugat sa mga nababasa/naririnig nating Salita ng Diyos. Dito nagsisimula ang lahat- sa paniniwala sa imposible.

Mawawala ang lahat ng bagay sa mundong ito, ngunit ang faith ay isa sa mga hindi mawawala.

Sige nga, sabihin ko sa iyo, maniwala/magtiwala ka kay ganito- hindi ba 'di ka agad-agad maniniwala/magtitiwala? Kukunot pa ang noo mo. "Sino ba 'yan bakit ako maniniwala/magtitiwala sa kanya?" Gusto mong kilalanin mo muna siya, hindi ba? Mahirap sa mga panahon na 'to na kunin ang pagtitiwala ng isang tao. Parang ganoon din 'yan sa faith. Hindi ka magkakaroon niyan kung wala kang narinig tungkol sa Kanya at hindi ka nagbabasa ng Bible.

Ang pananampalataya, kahit na wala pang nakikita, subalit naniniwala na. Ang mga bagay na nakikita ay naniniwala kayong ginawa mula sa hindi nakikita. Tayo'y namumuhay batay sa pananampalataya at hindi sa mga bagay na nakikita (2 Corinto 5:7). Alam niyo naman na kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong unang panahon dahil sa kanilang pananampalataya (Read Hebrero 11).

Napakahalaga ng faith ano? Eto ang ugat ng paniniwala natin sa Kanya. Mawala na ang lahat sa iyo, huwag lang ito. Napi-please ang Lord kapag may faith ka. Parang sa isang tindahan, kung may pera ka, matutuwa sa iyo ang tindera at itatanong niya sa iyo kung ano ang bibilhin mo. Paano pa kaya kung matuwa ang Diyos sa iyo? Dito nagsisimula ang fire/desire natin sa presensiya Niya. Always on fire!

Pag-asa.

Ehem! Char lang. Lumalaganap na sa ating mundo na maraming paasa dahil nagbibigay sila ng motibo sa iba. 'Yong mga "paasa" raw sasabihin nila na hindi nila kasalanan dahil sila ang umasa. Tapos ang sasabihin naman ng "umasa" ay kung walang paasa walang aasa. Gulo nila 'no?

Eto ba 'yong nagfo-forecast ng weather? Biro lang.

Pag-asa, or hope sa Ingles.

Ano nga ba ang pag-asa?

Para sa akin, ang pag-asa ay ang pinanghahawakan nating bagay kahit na nakikita natin na imposible na. Mayroon tayong pinanghahawakanna motibo- at dahil doon, hindi mawawala ang pag-asa mo sa isang bagay. Kahit na halos ipagmukha ng kaaway na wala ng pag-asa ang isang bagay- o maaaring nasabi na niya sa iyo na wala ka nang pag-asang magbago- no! Nothing is impossible with God.

Kung sa Kanya mo ipagkakatiwala ang lahat, sa Kanya ka aasa, sinasabi ko sa iyo na hindi ka masasaktan. "You own my word." Gan'yan ang mga sinasabi ng nangangako. Once na nag-promise si Lord, mangyayari 'yan! Tignan niyo ang nangyari kay Abraham. Nag-promise si Lord na nagmumula kay Isaac ang magiging lahi niya- bilang gaya ng buhangin- pero nagawa niyang ialay si Isaac sa Diyos dahil naniniwala siyang bumubuhay Siya ng mga patay at pinanghahawakan ang pag-asa na sinabi sa kanya. Pinigilan siya na gawin iyon at nag-provide Siya ng tupang iaalay. Iba ang nagagawa ng faith and hope.

Ang pag-asa ay tiyak na pinanghahawakan mo. Pag-asang makapagtapos ng pag-aaral, maging successful, at lahat ng mga gusto mong bagay. Pero ang pinakamahalaga mong i-hope ay ang manatili ka sa faith dahil ito lamang ang nakakapag-please sa Kanya. Pero huwag kakalimutan na faith without works is dead. Kaya kung may gusto ka at umaasa ka sa isang bagay, kumilos ka rin. Do your best, God will do the rest. Si Lord ang bahala sa buhay mo.

Pag-ibig.

Umamin ka, ano klaseng pag-ibig ang pumasok sa iyong isipan? Biro lamang. Ang pag-ibig na tinutukoy dito ay ang agape- unconditional love.

Ano ang pag-ibig?

(Read 1 Corinto 13:4-8)

1 Juan 4:8- Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

Saan isinasabuhay ang pag-ibig?

Mateo 22:37- Sumagot si Jesus, "Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo.

Mateo 22:39- Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.

Juan 3:16- Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kaisang-isang Anak upang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkakaroon ng buhay ng walang hanggan.

John 14:15- If you love Me, keep My commandments.

At marami pang iba. Ngunit ang nagiging sentro ay ang mga nabanggit. Ano nga ba ang nagagawa ng pag-ibig? Napakadakila.

Pag-ibig. Dahil dito'y natututo tayong magpatawad at magbigay ng chance. Dahil dito'y natututo tayong magparaya. Dahil dito'y nagagawa natin ang mabuting bagay. Dahil dito'y nagagawa mo ang mga bagay na akala mo'y hindi mo kaya. Napakaraming nagagawa ng pag-ibig.

Wala kang silbe kung hindi ka marunong magmahal. Walang kwenta ang lahat ng mayroon ka kung wala ka nito. Wala kang pakiramdam kapag wala ka nito. You're totally nothing without this! Hindi mo pa kinikilala ang Diyos dahil God is love.

Anong nagawa ng pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan? Isinugo Niya ang kaisa-isang Anak. Ipinapako sa krus upang mailigtas tayo sa mga kasalanan- ang kapalit nito na dapat nating makuha- ang kaparusahan. Because of mercy and love of God, eto may pagkakataon tayong mailigtas sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo.

Ang pag-ibig ay kasama sa ating faith. Hindi sapat na naniniwala ka lang. Even demons are believing that there's God but they don't love Him. Kaya dapat mahal mo rin ang Diyos.

Paano mo masasabing mahal mo Siya?

~If you follow His commandments.
~If you love your neighbors.

Iyan talaga ang nagpapatunay. Ang una, Lahat na riyan ay sakop. Ang pangalawa naman ay kung hindi mo mahal ang mga nakikita mo, paano pa ang hindi nakikita?

Pinakadakila talaga sa lahat ang pag-ibig. Kaya natural sa tao ang magmahal dahil siya'y nilikhang kawangis ng Diyos.

Conclusion:

Panatilihin mo ang tatlong bagay na ito- ang pananampalataya, pag-asa, lalong-lalo na ang pag-ibig (agape).

To God be the glory.
____

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon