5. Be Humble

8.9K 95 17
                                    

Mateo 23:12

Ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.

Nakaranas ka na ba na naunderstimate ka na? Yung inaapi ka nila? O kaya nama'y masyado maliit ang tingin nila sa iyo?

Minsan kasi masakit... Yung mamaliitin ka nga lang, sabihan ng mga bagay na nakakasakit... Yung tingin ng tingin ng WORST mo eh di makita ang sariling WORST.. Hayaan mo na lamang sila.. Yun lang naman ang bukod tangi nilang magagawa, ang magyabang kahit wala namang maiipagmalaki.

Wag ka na lamang gumanti, dahil makakagawa ka na rin ng katulad ng ginawa niya...

Kahit gaano ka pa kagaling, katalino, o sikat... Manatili ka pa ring.. HUMBLE.. Paano ka magpapakahumble? Sa totoo nga lang, madali lang.. Pero dahil sa kagustuhan ng iba na sila'y itingala, ginagawa nila ito..

Hindi po maganda ang maging mayabang.. Masakit pag ika'y nahila pababa...

BE HUMBLE... itanim natin ito sa puso natin. Walang nagagawa ang pagiging mayabang.. Kasi ang nagmamataas ay ibababa..

~~

PRIDE.. yan ang dapat ang hindi pinapairal. Kasi sa mga anumang relationships (friends,family, or love) ay nasisira ng pride. Ang daming nagagawa ng pride sa atin.. Please,huwag natin itong ipairal sa ating sarili...

Kung ipapairal niyo ang pride sa isa't isa, walang progress na magaganap. Kasi puro pride nalang.. Wala talagang magpapakahumble? Pero ang pag-ako ng kasalanan ng iba ay hindi isang uri ng pagpapakumbaba.. Tandaan niyo po iyan..

Sayang ang relationships niyo kung pride lang ang naging dahilan para di na kayo magpansinan, o maibalik sa dati ang lahat..

AFF (Accept, Forgive and Forget) tandaan niyo po ang tatlong ito.. Kung kasi ipapairal natin ang ating pride, mas walang magagandang mangyayari.. Pinapalala lang nito ang sitwasyon..

Alam niyo kung bakit accept ang nauna? Kasi Paano mo siya mapapatawad, kung Pag tanggap mo sa nangyaring iyon ay di mo magawa?

Huwag ipairal ang pride...

Ang pagpapatawad.. Dahil sa forgiveness na ibibigay mo sa taong nagkasala sa iyo, para kang nakalaya mula sa kulungan ng galit. Magaan sa pakiramdam pag ika'y nagpatawad. Pero, hindi ito kadaling ibigay sa tao.. Nahihirapan tayong magpatawad dahil baka ulitin pa niya ito o kaya'y nasira na niya ang tiwala mo..

All people deserves chances, not only second chances.

Ikaw, sa pang-araw-araw nating buhay, ilang beses ka na bang humingi ng forgiveness kay Lord? Ilang chances na yun? Di ba ang dami na? Kaya tayo rin dapat, magbigay din tayo ng chance para sa Iba. We're not perfect, we all know that.. Pero huwag mo namang abusuhin ang mga chances na ibinigay sayo..

Forget.. Ang pagkalimot.. (Nasabi ko na po ito sa isang chap.)

Manatili lamang tayong magpakumbaba, at ang sinumang magpakumbaba ay itataas. Itataas ng Panginoon ang sinumang nagpapakumbaba.. Mas maganda na rin namang magpakumbaba kaysa magpakataas.

Nandyan lang si God, nasa tabi mo Siya palagi! Kahit na may mga nang-aapi sayo, may magtataas sayo. Ang tao'y nakatingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang Diyos ay nakatingin sa bawat nilalaman ng puso ng tao..

Be humble. :) don't boast on the things you had, because those are from God..

Written: September 5, 2015

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon