26. All Scriptures are inspired by God

3.3K 28 2
                                    

2 Timothy 3:16

All Scripture is inspired by God and is useful to teach us what is true and to make realize what is wrong in our lives. It corrects us when we are wrong and teaches us to do what is right.

_________________________________
_________________________________
________________

All Scripture is inspired by God and is useful to teach us what is true and to make realize what is wrong in our lives. Lahat ng mga nababasa nating bible verses ay lahat inspired by God. Pansinin niyo, iba-ibang tao ang nagsusulat ng bawat chapter but they're all inspired by God. Kaya kung iisipin nating mabuti, parang iisa lang ang nagsulat ng buong Bible. Simula sa Genesis hanggang Revelation. Parang iisa lang, oo, iisa lang ang kanilang inspiration. And they're guided by the Holy Spirit.

Ang Bible ang siyang pinakagabay natin, ito lamang ang source ng ating pananampalataya, di ba sabi nga nila, "Magbasa ka ng Bible upang mas lalo mong makilala si God." Dito sa Bible, nalalaman natin ang katotohanan. Walang kasinungalingan. At sa lahat ng mga pagkakamali nating nagawa, pinarerealize sa atin ng Bible na mali o kasalanan ang nagawa natin. Halimbawa, pumatay ka, akala mo okay lang, pero di pala. At nalalaman natin kung ano ang mga mali ang nagagawa natin sa ating buhay.

It corrects us when we are wrong and teaches us to do what is right. Hmmm.. Sa Bible, isipin niyo si Lord ang nagsasabi niyan sa iyo, tapos tinatama ka niya. Magpatama ka lamang sa Word Niya ng sa gayo'y matuto ka. Huwag kang magpailag.

Lahat naman ng nasa Bible ay tama. Tinuturuan pa tayo nito,halimbawa, Love your enemies, Tapos ano ang narealize mo? Di ba, huwag kang gumanti, mahalin mo ang kaaway mo.. Pero di ang mga kaaway ng Diyos. Tinatama tayo ng Bible.

Pag may naisip kang may mali kang nagawa pag may nabasa kang Bible verse, okay lang naman na humingi ng tawad kay Lord.. Magconfess ka lang, and repent with all your heart.. Guide natin ang Bible sa pananampalataya, at tinuturuan ka nito kung ano ang tama sa paningin ni Lord, kung ano ang will Niya para sa atin.

Mabuti nga e may nasulat na ganyan upang tayong mga ipapanganak pa lamang ay may panampalataya sa Diyos.. At makilala Siya. Sabi nga ng kaklase ko, don't just know God by knowledge, but also in revelation. Yung revelation na tinutukoy ay ang mga narereveal sa tunay na kahulugan ng sinasabi sa Bible at kung ano ang mga nakilala mo pa sa Kanya. Porket kilala mo na, kilalang-kilala mo na siya. E kung di mo nakakausap, kilalang-kilala mo ba? Parang si Lord lang, hangga't di mo Siya kinakausap, di mo Siya makikilala.

"God, talk to me."

And He gave him Bible.

Parang may nakita akong ganyang picture e. Mahalaga ang Bible. Ito lamang ang librong makakapagbago sayo, sa milliong-million na libro na meron sa mundong ito, isa lang talaga ang makakapagpabago sayo, ang Bible.

Basahin mo ito.. Walang masama sa pagbabasa nito, revelation from God ang mababasa mo.

Ang author ng Bible ay iisa lamang, at walang iba kundi si God, instrumento lamang Niya ang mga taong nagsulat at pansinin mo gaya ng sabi ko kanina, parang iisa lang talaga.

******++++++++*******

Dedicated to : ImJaejikang

Ito na po yun :)

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon