38. MAGALAK lagi kay LORD

15.1K 62 19
                                    

Filipos 4:4

Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo!

_________

Marami tayong hinaharap sa ating kanya-kanyang buhay. May mga yugto sa buhay natin na minsan masaya tayo- o nalulungkot tayo.

Paano ka magagalak kung pagkagising mo ay pinoproblema mo ang mga problemang kakaharapin mo at naiistress ka na kaaga-aga pa? Paano ka magiging masaya kung nao-occupied ang isip mo ng mga negative?

Tanong lang,

"Bakit tayo laging magalak sa Panginoon?"

Bakit nga ba? Para saan ang magalak kung wala lang nakikita dahilan para maging masaya- dahil ba may pinagdadaanan kang masyadong "madrama" para sa iba? Nasasayo kasi yun kung pipiliin mong maging masaya o magpakastress ka.

Dahil nariyan Siya palagi, hindi tayo iiwan ni papabayaan man.

Si Jesus parang salamin. Masaya rin Siya pag masaya ka, nalulungkot ka at malulungkot din Siya. Pero isa lang ang hindi Niya gagawin : ang talikuran ka pag Siya'y tinalikuran mo. (Credits sa nagpost niyan. Nabasa ko but I forgot the exact words).

Di ba dapat magalak ka niyan? Kasi hindi ka Niya iiwan. Think about it. Magpapakalungkot ka- parang pasan mo ang buong mundo- akala mo nag-iisa ka lamang para harapin ang lahat sa mundong ito- but no. Because God is always there for us. Nasa tabi mo lamang Siya. Na kahit anong mangyari ay hindi ka iiwan. Ang mga kaibigan mo sa mundo- pwede ka nilang traydorin- iwanan. But God will never leave you.

Magalak kang lagi kay Lord.

Dahil lagi Niya tayong binibigyan ng pag-asa kahit na nakikita mong imposible mo nang malampasan at hindi mo na kaya. (Filipos 4:13 Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.)

Pag-asa. Hope. May mga times sa buhay natin na nawawalan tayo ng pag-asa kaya yun ang nagiging dahilan kung bakit ka nalulungkot. Magtiwala ka lang sa Kanya- sa lahat ng mga nangyayari- at hindi ka mabibigo.

Wala naman imposible e. Kaya mo ang lahat sa pamamagitan ng lakas na kaloob ni Lord sa atin. Huwag mawalan ng pag-asa. Nandyan lang si Lord at handa kang tulungan basta't humingi ka lamang sa Kanya nang buong puso.

Magalak kang lagi kay Lord.

He always gives us many many chances.

Aminin mo, ilang beses kang humingi ng tawad kay Lord? Hindi ba sa pang-araw-araw din nating buhay? Hindi ka ba magiging masaya kung binigyan ka ng maraming pagkakataon ni Lord?

Ang paggising mo sa umaga- it's another chance. Binigyan ka na naman ng pagkakataon para mabuhay.

Ang Diyos ay napakabait, matiisin at mapagpasensiya. Ang kabutihan Niya ang s'yang nag-aakay sa iyo upang tumalikod at magsisi sa mga ginawang kasalanan. (Read Roma 2:4)

Isipin mo, kung tayong mga tao ay naiinis na pag paulit-ulit humingi ng tawad ang isang taong nagkakasala sa atin- how much kung kay Lord na? Dahil MAHAL NA MAHAL tayo ni Lord. He gives us many many chances. Ang pagkagising mo tuwing umaga- is a chance.

Magalak kang lagi kay Lord.

Dahil Siya ang dahilan kung bakit ka masaya.

Siya ang magiging dahilan? How come? Ehh hirap na hirap ka na. Ang lungkot-lungkot mo na. Pagod na pagod ka na. Parang wala ng puwang sa puso mo para maging masaya.

Siya- Siya ang magiging dahilan kung bakit ka nagiging masaya. Kasi hindi ka Niya hahayaang maging mag-isa na harapin ang mundo.

Kausapin mo lamang Siya. Handa naman Siyang makinig sa atin. Hindi Siya busy para hindi ka Niya pakinggan.

"Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you a rest. (Matthew 11:28)

Lumapit ka lamang sa Kanya, and pray. And He will give you a spiritual rest hindi yung literal na wala kang gagawin. (According on what I've read on wattpad).

Magalak kang lagi kay Lord.

Dahil Siya lamang ang magiging tunay mong Kaibigan, kaibigan na kung saan at mapagkakatiwalaan at lahat ng characteristics ng isang tunay na kaibigan at nasa Kanya.

May mga katuwang ka sa buhay. May pamilya ka, mga kaibigan. Ngunit may mga pagkakataon sa buhay natin na wala sila sa ating tabi- yung tipong hindi mo kayang sabihin sa kanila- o kaya naman nandyan sila pero hindi sa lahat ng pagkakataon at nandyan sila. Maaari ka nilang iwan. May mga kaibigan na tatraydorin ka- magtsitsismis tungkol sayo na akala mo concern yun pala e gusto kang i-tsismis sa lahat ng mga ikinuwento sa kanya- maaari niyang dagdagan o bawasan. Pero may mga kaibigan na tunay- na binibigyan ka ng advice para makatulong sila sa iyo.

Si Lord? Ayan, palaging nadiyan para sa iyo. Nagmamahal sayo. Handa palaging tulungan ka- at maging best friend mo. Makikinig Siya sa iyo. Hindi magsasawa sayo. Mapagkakatiwalaan Siya. Hindi ka Niya pagtataksilan. Hindi ka Niya iiwan.

Saan ka pa? Ang saya, di ba? Sa kabila ng lahat ng mga nagawa mong pagkakasala sa Kanya- just ask for forgiveness- sincere na paghingi ng tawad- it will be forget like it didn't happen. Napakabait ni Lord ne?

Magalak kang lagi kay Lord.

♦♦♦

Ano ang mga gagawin ko para lagi akong magalak sa Panginoon?

Avoid thinking negative.

(Hindi ka magiging masaya kung puro nega ang nasa isip mo.)

Siya ang magiging pag-asa sa lahat.

(Huwag mawalan ng pag-asa. Iniwan ka man ng lahat, nariyan pa rin ang Panginoon.)

Siya ang uunahin sa lahat ng bagay.

(Kapag inuna mo Siya, ibang saya ang iyong madarama. At hindi mo namamalayan na may nababago sayo dahil mas lalo kang napapalapit sa Kanya.)

Siya ang gawing dahilan kung bakit ka masaya.

(Huwag magpakalungkot. Maging masaya ka kasi nandyan pa si Lord. Ang pagiging masaya ay depende sa iyo. Si Lord ang dahilan kung bakit ka nakangiti sa kabila ng mga hirap na iyong pinagdadaanan.)

Maging kontento sa mga pinagkaloob Niya sa atin.

(Huwag maiingit sa iba. Hindi ka niyan magiging masaya kung napupuno ng envy ang puso mo. Maging kontento sa mga pinagkaloob Niya. May mga meron ka na wala sila, at may mayroon sila na wala ka. Fair lang naman, di ba?)

♦♦♦

Magalak kang lagi kay Lord. Walang mawawala sa iyo. Magiging positive ka lang sa buhay at magiging masaya ka kahit anumang mangyari.

________

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon