#Feb14

1.7K 17 0
                                    

Hello po!

Bakit maraming bitter 'pag nalalapit na ang buwan ng Pebrero? Or should I rephrase it– bakit maraming bitter 'pag nalalapit na ang February 14?

Nand'yan ang mga naglipanang post sa Facebook 'pag January 31 na.

March na bukas! Woo! Bilis ng oras.

I can't believe na Marso na bukas.

Bakit walang February 14 sa kalendaryo ko?

Happy independence day!

Happy Halloween!

At iba pang kagaya ng mga status na 'yan.

Ano ba ang meron sa February 14 bakit tila marami ang may galit dito? Hahaha. Minsan naman biro-biro lang 'yon pagiging bitter. 'Yong tipong may picture pa na kalendaryo na walang 14. Laugh trip talaga 'pag nalalapit na si 14. Nagsisilabasan na ang mga bitter.

Baka isipin niyo may love life na si author kaya kumokontra ako sa mga bitter. FYI, I'm proudly NBSB (No Boyfriend Since Birth). I love of being single. Walang stress. Sa tamang panahon nalang 'yan.

In relationship with God, family, friends, and writing (wattpad). Sila ang mga nakakasama ko sa tuwing nag-iisa ako sa sasapit ang araw ng mga puso.

Natatawa nalang ako sa mga posts na gano'n. Siguro, hindi lang talaga ako nakaka-relate sa kanila– hindi pa naman kasi ako nakipagrelasyon as romance e, kaya hindi ko sila naintindihan. S'yempre, nagka-crush na rin ako, at ang masaklap ang mga 'yon ay kaibigan lamang ang turing sa 'kin at napaka-imposible akong magustuhan. Kaya masaya ako dahil friends ko naman sila.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng "Araw ng mga Puso" sa February 14? Ano ba ang pumapasok sa isip mo 'pag naririnig mo ang salitang "puso"?

Puso? Ano ba ang purpose nito? Bakit tayo nilikha nang may ganito? Para magmahal at maintindihan ang ibig sabihin ng love.

At ano ang love sa 'yo?

Isang ordinaryong salita lamang?

Isang salita na kusa nating ibinibigay sa isang tao?

Isang makapangyarihan?

Isang nakakapag-bitter sa tao?

Isang nakakapanakit sa puso ng tao?

Isang salita na namamagitan sa lalaki at babae?

Isang salita na nadarama mo sa mga mahal mo sa buhay?

Isang salita na pinadadama ng Diyos sa 'tin?

Maraming definition ang love depende sa paniniwala at mga karanasan ng isang tao.

Isa lang naman ang point ko rito.

Hindi lang romance love ang ipinagdidiwang sa February 14.

Why you'll be bitter if you can go better with your family? Friends? And you can also date with God.

Oo, maaaring niloko ka ng ex mo. Hindi ka niya minahal gaya ng ibinigay mong pagmamahal. Kaya siya nawala sa buhay mo kasi ito ang magiging tulay para sa tamang tao para sa 'yo. Inihahanda ka lamang nito. O kaya naman, ang masakit ay one-sided love– 'yong ikaw lang ang nahulog. 'Yong ikaw lang pala ang nag-assume. Doble pa ang sakit 'pag nakita mo na magkasama sila ng taong mahal niya. Nagtatawanan, masaya sa isa't isa. Pero sabi nga, 'pag mahal mo, magiging masaya ka kung masaya siya. 'Yan ang tunay na pagmamahal. (Note : Hindi pa na-i-inlove si author. Baka kung ano ang isipin niyo sa 'kin. Hahaha) Oo, mahirap makalimot. Mahirap mag-move-on. Ngunit, with God, nothing is impossible.

Sayang oras sa pagkaka-bitter. Para sa 'kin, ang pagiging bitter ay ang panghihinayang sa isang bagay na talagang napakahalaga sa 'yo at ayaw mong mawala.

Tandaan, ang bitter, pagkain 'yon– 'yong ampalaya, hindi inuugali.

At maging masaya sa February 14! Share the love!

Maraming nagmamahal sa 'yo. Kaya 'wag bitter sa February 14.

Nagmamahal,
NylNed20

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon