58. There is always a way out!!

3.4K 25 1
                                    

(Sorry dahil hindi maayos ang pagka-type ko po rito😂)

Mapagpalang araw/gabi sa lahat!

Nakasisiguro ako lahat tayo ay dumaan sa temptations. 'Yong may mga ni-o-offer ang kaaway na gusto natin pero maiilayo tayo nito kay Lord. Magiging masaya nga sa offer n'ya pero sandali lang yon kasi lahat ng i-o-offer n'ya ay iiwan kang broken, hungry, sad, unsatisfied (kulang pa rin ang feeling), and down.

Bilang isang Kristiyano, dumadaan tayo sa temptations. Even Jesus ay t-ine-mp ni satan (mababasa nyo sa Matthew 4).

Gumagawa ng paraan ang kaaway para mailayo ka sa Lord. Desperate na s'ya dahil kaunti na lang ang natitirang oras nya.

Hindi ba kapag nag-warning ang teacher na ilang minuto na lang ang natitira sa exam... Ikaw na nag-e-exam nagmamadali ka na at natataranta.. So parang ganon din ang kaaway. Ginagawa niya ang lahat- nagmamadali siya para makapagdala ng kaluluwa sa impiyerno :( 'wag tayo padadala.... He can deceive anyone- ingat ingat.

May tanong ako... "How do you defeat temptations?"

No temptation has overtaken you except what is common to mankind. And God is faithful; he will not let you be tempted beyond what you can bear. But when you are tempted, he will also provide a way out so that you can endure it.
1 Corinthians 10:13

Kung pakiramdam niyo na wala ng labasan ang temptations na nararanasan niyo- it's a lie, mga kapatid. Faithful Siya! Hindi Niya i-le-let ang temptations na hindi mo kakayanin kasi Siya ang mag-po-provide ng labasan mula rito!

Hindi si Lord ang nagbibigay ng temptations. He only allows.

Kilalang-kilala ka Niya! Alam Niya ang lahat ukol sa yo. Kaya hindi Niya hahayaan ang isang pagsubok na darating sa buhay mo na 'di mo kakayanin at malalagpasan.

Maging sa mga trials/problems/struggles na pinagdadanan niyo mga kapatid, lahat yan matatapos! Magiging testimony yaaaan! He can turn a test into a testimony! God is really great!

May purpose lahat 'yan. Kahit hindi maganda ang mga pangyayari.

Napatanong ka na ba minsan.... bakit kung kailan sumunod ka na sa Lord doon pa maraming trials, temptations, struggles, and problems?

According to Romans 8:28, "And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose."

The more you are closer to God, the more the devil will tempt you. Bakit? Kasi gusto ka niyang mailayo sa Diyos at hate ka niya. Alam niya kasi na kapag malayo ka sa Kanya, madali kang atakihin at kayang-kaya ka niyang talunin. Kaya gumagawa siya ng paraan para mailayo ka sa Kanya sa pamamagitan ng iyong pagkakasala.

He celebrates kapag nag-give in ka sa temptation. Kaya huwag mo siyang hayaang magsaya. Sa halip, i-disappoint mo siya sa pamamagitan ng hindi mo pag-give in.

Ang temptation ay ang sign na hate ka ng kaaway Hindi sign ng kahinaan dahil gusto ka nyang mailayo sa Diyos at maging alipin nya. satan steal, kill, and destroy our fire and relationship in God- ang isang paraan nya ay ang temptations.

kapag lumalayo ka na sa Lord, magiging mahina ka at mas vulnerable na mahulog sa tuksong pain ng kaaway.

Kapag hindi ka na nakakapag pray, nakakabasa ng salita Nya, at iba pang bagay na ginagawa mo para sa Kanya... Delikado ka na.

Gustong gusto ng kaaway na malayo tayo sa Diyos, nahihiyang lumapit sa Kanya, uma agree tayo or believing sa lies niya, at ang nagpapatuloy tayo sa kasalanan

Si Lord lang ang kalakasan natin, mga kapatid. Without Him, talo tayo and we are nothing. Pero with Him, we are victorious! Yes- we are weak but He is stronger! He is greater than everything!

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon