Roma 9:16
Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nakabatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao.___
May mga tao na minsa'y pinapakita nila na sila'y mabuti at karapat-dapat sa Diyos. 'Yong tipong ipapamukha na mas mabuti sila kaysa sa iyo. O kaya naman ay mga mapagkunwari, na sa simbahan lang sila banal ngunit pagkalabas, wala na. 1 Pedro 1:16 sapagkat nasusulat, "Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal." Ipagdasal niyo ang sinumang nakikita niyong nasa ganitong sitwasyon sapagkat hindi nakakatulong kung sila'y ating lalaitin din.
Ano nga ba ang habag? Mercy or grace sa Ingles.
Ang pasya ng Diyos ay nakabatay sa kanyang habag. Malinaw na rito'y hindi dahil sa iyong gawa o pagsisikap kung bakit ka nagkaroon ng kaligtasan mula sa kapahamakang haharapin. Kaya walang maiipagmalaki ang sinuman. Lahat tayo'y wala ng halaga kung tutuusin, but God still love us in despite of everything, kaya Siya gumawa ng paraan upang tayo'y makalapit sa Kanya. Tinatawag Niya tayong lahat subalit we decline the call without our knowledge. Pero hindi nagsawa ang Diyos. Kinahahabagan Niya ang nais Niyang kahabagan o nais Niyang patigasin ang puso (remember the Pharaoh in Egypt? Upang maipakita ang Kanyang kapangyarihan. Maisingit ko lang). Hindi dahil sa iyong pagsisikap.
Sa simula palang, alam na ng Diyos kung sino ang mga tunay na sa Kanya. Alam Niya ang lahat- ang iyong iniisip, ang laman ng iyong puso- in short, kilalang-kilala ka Niya. Lahat ng strength and weaknesses mo kaya nauunawaan ka Niya. Kaya Siya ang una mong lapitan sa lahat ng pagkakataon.
Sa pagiging malapit mo sa Kanya o pagkakaroon ng relasyon sa Kanya ay nagbubunga ng good works. Sa pananampalataya nagmumula ang mabubuting gawa. Kaya nga sabi sa Bibliya, "Faith without works is dead." Be careful ka sa mga ginagawa mo. Tignan mo ang motive ng iyong puso kung ginagawa mo ba ito para i-please si Lord o ang tao.
Minsan, we are just humans, committing mistakes. Na tiyak pagsisisihan din sa huli. Humingi ka ng tawad kay Lord! Buong puso mong pagsisihan. Mahabagin ang Diyos. Kaya maging mahabagin din tayo sa iba. Lucas 6:36 Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama."
Kung pumasok sa isipan mong bakit pinagpapala ang taong iyon e hindi naman siya nagsisimba, bakit 'yong mga malalalim ang faith sa Diyos ang s'yang naghihirap pa, bakit 'yong mabuti'y mukhang natatalo na, at iba pang katanungan. Ang kabutihan ang laging mananaig, iyan ang lagi mong tatandaan. Ang lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may dahilan na sa una'y hindi mo mawari kung bakit kailangang maging bahagi pa ito ng iyong buhay. Magtiwala ka lang.
Walang paborito ang Diyos sapagkat pantay-pantay lang Siya magmahal. Kung sa tao, may mga magulang na paborito si bunso, kay Lord, wala. Kahit gaano pa naging masama ang isang tao, kung nagsisi naman siya at tumalikod sa kasalanan, walang pinagkaiba sa mga taong nasa Diyos na. May nahuhuling nauuna, at nauunang nahuhuli. Mahal na mahal Niya tayo kaya nasa ating pasya kung susunod tayo sa Kanya o hindi. We are free to choose, but not with the consequences.
Hindi dahil sa iyong gawa ka kaya nailigtas, dahil sa Kanyang habag.
Conclusion:
A thousands I failed, still Your mercy remains. (Nabasa ko somewhere). Kaloob sa atin ng Diyos kaya tayo'y may pagkakataong makalapit sa Kanya at ang habag na ipinararamdaman Niya ay nasa Kanyang pasya. Ang paggawa ng mabuti ay ang pagsunod sa Kanyang Salita at bunga ng pananampalataya dahil iniibig mo rin Siya, hindi dahil may hidden agenda ka, na ibida ang iyong sarili for example.God bless! To God be the glory.
______
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...