77. If you fall SEVEN times, rise up EIGHT times

3.6K 35 2
                                    

Proverbs 24:16‭
for though the righteous fall seven times, they rise again, but the wicked stumble when calamity strikes.

Na-fall ka na ba sa isang taong hindi mo inaasahan? Joke lang po, hindi 'yan ang usapan. *Laughs*

Lahat tayo ay nahulog na sa temptations at nagresulta iyon ng pagkakasala. Lahat tayo ay nakaranas ng mga problema na sobra tayong binabagsak at winawasak, pero iba pa rin ang isang taong may faith sa Lord dahil may katiyakan na makababangon. Sa kabilang banda, ang mga taong naging matigas, ayaw kumilala sa Lord, at nagpatuloy sa kasamaan tapos binabangga pa ang mga taong tinuturing ng Diyos na matuwid, tiyak ang kanilang kapahamakan ngunit as a Christian, hindi dapat ikatuwa ang kanilang pagbagsak dahil hindi matutuwa ang Lord sa ganoong ugali. Tandaan natin na walang favoritism ang Lord at nanaisin Niya na ang isang tao ay magsisi.

If babasahin ang unang verse before this, eto 'yon...

Do not lurk like a thief near the house of the righteous, do not plunder their dwelling place; Proverbs 24:15

Mahirap kalaban ang mga taong nanampalataya sa Lord dahil hindi sila ang kinakalaban mo, kundi ang Lord mismo. Sabi nga sa isang verse, "If God is for us, who can be against us?"

Lahat tayo ay may common enemy, si satan. Hindi sumusuko iyon sa kahahanap ng kahinaan na p'wede niya ibato sa 'tin, mga temptations na alam niya ay maaari nating kagatin, mga trap na hinahanda, ibang problema, at iba pang kagaya nito. Sa kabila ng lahat, huwag din tayong susuko sa laban na kinahaharap natin sa araw-araw dahil kasama natin Siya.

Sabi nga sa verse, for though the righteous fall seven times, they rise again...

First reading this verse ay masasabi natin na kahit ilang beses pa masadlak sa kabiguan o mahulog ang mga anak ng Diyos o mga tinuturing na matuwid sa pamamagitan ng faith kay Jesus Christ, kahit nasa situation na sagad na sagad na, makababangon at makababangon sila dahil kasama nila ang Diyos na patuloy na pinapakita ang Kanyang pag-ibig, kabutihan, habag, at pagpapala.

Nahihiya ka na ba sa Lord dahil sa maraming beses nang nahulog sa temptations o sabihin natin sa isang kasalanan o higit sa isa ay napakaraming beses na nagawa...? Alam ko kung ano ang pakiramdam no'n. Isa nga iyon sa dahilan kung bakit ako nanlupaypay sa faith. Nais ko lang sabihin na kahit pitong ulit ka nahulog o higit pa riyan o isagad na natin— tingin mo sa sarili mo napakarumi at not deserving— in fact lahat naman tayo eh. Palagi lamang natin tatandaan na hindi nagbabago ang Diyos, lalo na ang pag-ibig Niya. Palagi Siyang naghihintay sa ating pagbabalik. I am not sugar-coating... Hindi dapat talaga namumuhay sa kasalanan pero dahil mahina tayo, nandito pa rin tayo sa flesh natin, darating at darating ang pagkakataon na mahuhulog tayo at merong situation na sobra tayong binagsak at winasak.

You fall seven times? Then rise up eight times with God!

Sobrang broken ka?

Pakiramdam mo ba hindi ka na makababagon?

Nalugmok ka sa matinding kalungkutan?

Nawawalan ka na ba ng pag-asa?

Sinasabi ba sa 'yo na hanggang diyan ka na lang?

Kapatid, huwag mong pakinggan ang mga kasinungalingan ng kaaway. Minsan talaga may time na nakikinig tayo nang hindi natin namamalayan at nangyari na 'yon sa 'kin. Praise God dahil may nagsabi sa 'kin no'n kun'di hanggang ngayon ay hindi ko namamalayan sa kadahilanan ng aking matinding panghihina.

I just want to share na gusto ko na i-delete ang account na 'to this year, including my stories and this devotional... pero hindi ko magawa eh. May pumipigil sa 'kin kaya hindi ko na tinuloy. I think it has purpose and this part is already written.

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon