54. When we repent...

3.9K 25 5
                                    

1 Juan 1:9

Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating mga kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.

~

(medyo mahaba lang 'to hihi)

Ano nga ba ang una mong ginawa bago mo tinanggap si Lord sa buhay mo? Hindi ba't nagdasal ka-pinagsisihan ang mga kasalanan o humingi ng kapatawaran at ginawa mo Siyang Panginoon at Tagapagligtas? Paano ka naman sumampalataya? Natitiyak ko ay dahil sa mga narinig mo-sa Kanyang mga Salitang nagbibigay-buhay na umakay sa 'yo na magsisi at tumalikod sa kasalanan, tanggapin ang katotohanan, at ang pagsabuhay ng Kanyang Salita.

Nang simulang naging Christian ka, mas lalong maraming pagsubok ang darating sa buhay mo. Hate na hate ka ng kaaway kasi nasa Lord ka. Wala siyang magagawa kung patuloy kang nagbabasa ng Bible at nagsisimba ngunit grabe ang kanyang pag-atake. Alam niyo ba kung saan?

Tukso-diyan siya magaling. Sinasamantala niya ang sitwasyong meron ka ngayon at inaalam niya ang mga deep desires mo. Aakitin ka ng tukso niyang ginawa dahil alam niya na iyon talaga ang gusto mo. Hindi ka naman magsasayang ng panahon sa isang bagay na hindi mo naman gusto at hindi niya makukuha ang atensyon mo kung wala ka talagang desire na gawin o magkaroon ng bagay na iyon. Expert na siya d'yan thousand years ago. Kapag nakuha ka na niya ng tuluyan-naakit ka sa tuksong ginawa niya, naisagawa mo na at sabihin na nating nagkasala ka na-ayan, gustong-gusto niya iyan kasi napalayo ka na sa Diyos. Mahal na mahal tayo ng Diyos, as in hindi mo 'to ma-describe, ngunit isang bagay ang s'yang makapaglalayo sa 'tin sa Kanya, ang kasalanan. Parang may malaking ulap na nakaharang sa araw. Nand'yan 'yong pakiramdam na mahihiya kang lumapit sa Kanya, may bumubulong sa 'yo na paulit-ulit na lang 'yang kasalanan mo-gagawin ng kaaway ang lahat para lang hindi ka makapagsisi at para tuluyan ka ng masira-iyan ang gusto niya.

Busyness-isa pa ito. May nabasa ako dati na kung hindi ka magawang masama ng kaaway, gagawin ka niyang busy sa mundo-busy sa mga bagay-bagay! Tunay itong nakakalungkot. Hindi ka nga masama, pero wala ka ng oras kay Lord! Hindi ka niya napigilan magsimba pero hindi mo naman nakakausap si Lord. Hindi ba "in relationship to God" ka? Ang magkarelasyon, laging may komunikasyon. Hindi pwedeng wala. Ano ang ating komunikasyon kay Lord? Prayer. Maaari pa niyang ibulong na, "Magpayaman ka pa lalo para sa hinaharap! Ikaw ay magpapakasarap na no'n at matutuwa pa ang pamilya mo!" Lagi lamang tatandaan na kung ano ang mga bagay na naiipagpalit mo sa Kanya, iyon na ang lord mo.

Ngunit mga kapatid, huwag tayong padadala sa mga binubulong niya, sa mga tukso, at sa mga trap na kanyang ginagawa. Si Lord, pinapalakas ang loob mo; ang kaaway pahihinain niya ang loob mo. Maaari tayong magkasala anytime. Don't forget that you're still a human that is capable of sinning! Darating sa puntong pakiramdam mo nanlamig na ang dating on fire ka-hinahanap-hanap mo ang presensiya Niya, uhaw sa Kanyang Salita, at hindi kumpleto ang araw mo ng hindi Siya nakakausap. Huwag kang mahihiya sa Kanya. Hinihintay ka lang Niya. Pumikit ka, pagdikitin ang dalawang kamay, mag-focus ka at magsimulang kausapin si Lord. Kung nais mo, magpatugtog ka pa ng Christian songs. Magpakatotoo ka sa Kanya-sabihin mo ang mga nararamdaman mo, hinanakit mo, magkwento ka sa Kanya, i-confess mo ang mga kasalanan mo, repent, at iba pang gaya nito. Asahan mong patatawarin ka Niya kahit gaano man kaliit, kalaki, o paulit-ulit 'yang kasalanan mo. Dapat willing ka magpabago sa Kanya at hayaan mong baguhin ka Niya. Huwag mong itago sa Kanya ang mga kasalanan mo dahil mas lalala lamang ang lahat. Repent.

~

Katanungan lamang, "Bakit hindi dapat natin itago ang mga kasalanan natin sa Diyos?"

*Alam na alam Niya ang galaw mo; ang lahat ng iniisip mo; ang lahat ng tungkol sa 'yo. (What's the essence of hiding?)

*Hindi kakaiba ang kasalanan mo; marami na ring taong nahulog sa pagkakasalang iyan. Isa 'yan sa gagamitin ng kaaway para hindi ka makapagsisi.

*Lalo lamang lalala ang iyong kalagayan at ang masaklap, maiipagpatuloy ang pagkakasala.

*Lahat tayo nagkakasala. Kung ipapahayag natin sa Kanya ang lahat ng ating mga kasalanan, at ito'y pinagsisihan, maasahan mong patatawarin ka Niya.

*Hindi nakakatulong ang pagtatago ng kasalanan.

*Natural na makakadama tayo ng hiya sa Kanya dahil sa 'ting pagkakasala. Hindi mo kailangang parusahan ang sarili mo. Bumaba si Lord dito sa mundo para sa 'tin; para sa lahat upang mapatawad tayo at ipakita ang dakilang pag-ibig Niya sa 'tin. Ang kailangan lang ay "repent" at tanggapin Siya sa buhay natin bilang Panginoon at Tagapagligtas.

"Ano ang mga gagawin kung sakaling magkakasala at nahihiyang lumapit sa Kanya?"

*Isipin na alam ni Lord ang lahat kaya bakit ka pa mahihiyang lumapit sa Kanya?

*Lagi mong alalahanin ang ginawa ni Lord para lang mailigtas tayo sa mga kasalanan.

*Huwag kalilimutan na tao ka pa rin; imperfect ka. Alam ni Lord na magkakasala ka pa rin ngunit "repent" at paunahin mo si Lord sa buhay mo.

*Huwag mahiya. Lagi mong tatandaan na mahal ka Niya, higit pa sa inaasahan mo. Hinihintay ka lang Niya.

~

Anuman ang pinagdadaanan mo ngayon, nagkasala ka man, nagbago; ang pag-ibig ni Lord ay nand'yan pa rin, walang pinagbago. Nadapa ka man, bangon ulit! Hindi instant na mawawala ang sugat, pero kasama mo si Lord. Lahat ng mga nangyayari sa buhay natin ay may purpose: upang mas makita ang Panginoon sa buhay natin-higit na malaki sa problema mo ngayon. Stop telling, I have a big problem. Instead, I have a big God! © Ang kasalanan talaga ang nakapaglalayo ngunit buhay ka pa-you can repent at handang-handa kang tanggapin ulit ni Lord. Bumalik uli sa Kanya! May mga hahadlang sa faith mo sa Kanya, pero makikita mo na sa huli, worth it lahat ng trials dahil damang-dama at alam na alam mong hindi ka Niya iniwan ni pinabayaan man.

Kung mahirap ang walang pera sa mundo, mas mahirap ang walang Lord sa buhay. Nakakapanghina at nakakamatay ang paglayo kay Lord.

God bless you all, mga kapatid. To God be the glory.

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon