About midnight Paul and Silas were praying and singing hymns to God, and the prisoners were listening to them, and suddenly there was a great earthquake, so that the foundations of the prison were shaken. And immediately all the doors were opened, and everyone's bonds were unfastened.
Acts 16:25-26Huwag pigilin ang sariling purihin Siya! Hindi Niya pinipigilan na mahalin ka. Hindi Niya pinipigilan na isipin ka dahil napakahalaga mo sa Kanya! Ang praise ay isa sa mga mabibigay natin sa Kanya! Huwag tamarin na purihin Siya o tamarin kausapin Siya! Hindi Siya tinamad na gisingin ka. Hindi Siya tinamad na mag-plano ng best para sa buhay mo.
Sa dami ng ginawa Niya sa buhay mo, hindi mo 'yon na-appreciate? Hihintayin mo ba na ang mga bato na ang sisigaw ng papuri kay Lord? Ang ingay na nalilikha mula sa pagpupuri natin ay napapasaya natin si Lord. Ang mga ginagawa mo na napupurihan ang Lord ay nalulugod Siya ro'n. Huwag mong pansinin ang masasabi ng iba when we praise Him. Focus only to Him.
May pagkakataon na ba sa buhay mo na naisip mo nang itigil na lang ang pagpuri sa Kanya o ang prayer mo dahil parang walang nangyayari?
Pero kapatid, alalahanin natin 'yong message sa isang kanta, "even if I don't see it, You're working. Even if I don't feel it You're working. You never stop working."
Kapatid, gumising tayo kaninang umaga.. at nababasa mo 'to ngayon. So ibig sabihin, God is working in your life!
Aba'y hindi lahat ay gumigising pa. May mga taong namamatay sa kanilang pagtulog. Kaya 'yong magising ka- one of the many reasons 'yon kung bakit mo Siya pupurihin. 'Yong mabasa mo pa 'to? God gives us another day! Another 24 hours!
Kahit parang imposible sa paningin mo, God will make a way! Kahit parang walang nangyayari- akala mo lang 'yon kasi sa totoo lang ay may mas maganda Siyang plano.
It's easy to praise God when we have this confirming emotions. If you feel that, cherished that moment! Mag-enjoy ka! And alam na alam mong may nangyayari while you are praising dahil sa na-pi-feel mo. Gaya ng nangyari kina Paul at Silas... Kitang-kita agad ang result ng pag-pray at praising nila kay Lord. It's easy to praise God kapag umaayon sa 'tin ang gusto nating mangyari.
But what if wala kang maramdaman o kaya naman parang walang nangyayari?
"Dasal ako nang dasal, walang nangyayari."
"Bakit gano'n? Ang silent ni Lord."
"Hindi ko maramdaman ang presence Niya."
"Parang hindi na ata sasagutin ni Lord ang prayers ko."Kapatid, napakadelikado talaga kung mag-fo-focus tayo sa nararamdaman natin kaysa sa promises ni Lord sa Words Niya in the bible.
It's about faith. Not feelings, it's deceiving. Always faith over feelings ha? His promises are reliable than how we feel. He's faithful. Our feelings are undependable.
Kapag sinasagot lang Niya ang prayer natin ng yes ay doon lang ba natin Siya pupurihin? Hindi lang a! Maging sa panahon na pakiramdam natin ay ang silent ng Diyos. Hindi natin alam, gamitin Niya ang pakiramdam mo na silent Siya upang mas makilala mo pa Siya nang lubos!
Tignan mo lang si Job! Even if kahit ganoon ang nangyari, He continue to praise God at hindi siya nagsalita laban sa Kanya. Mukhang silent pa nga si Lord sa pangyayari sa buhay niya e. Pero tignan mo na lang ang ginawa sa buhay niya 'di ba? Ni-bless pa siya lalo ni Lord!
When we are praising God, the chains will fall! We will be free. We will be contented with His love. We appreciate everything He has done or we'll be grateful.
In that verses... [both physical and spiritual chains were broken that night. We may not always experience a visibly dramatic rescue like Paul and Silas but we know that God responds to the praises of His people! When He moves, chains fall apart. -daily bread]
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...