55. Victory!

4.3K 22 7
                                    

Magpasalamat tayo sa Diyos, sapagkat tayo'y binibigyan niya ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!

1 Mga Taga-Corinto 15:57

~

Dumarating sa buhay natin na minsan gusto na lang sumuko- tila nawawalan na ng pag-asa sa buhay- tanging pag-give up na lang ang nakikitang solusyon sa sitwasyong ikinakaharap. Sa tingin natin talo na tayo sa hamon ng buhay. "Hirap na hirap na 'ko. H-Hindi ko na kaya..."

Habang hindi ka pa nakakapagtapos sa pag-aaral, 'di nawawalan ng mga pagsusulit. Kahit saang school ka pa pumunta, may mga exams talagang bininigay. Parang sa buhay lang natin. Habang ika'y nabubuhay, may mga pagsubok na tiyak ika'y hahamunin na maging mas lalong malakas at matatag o basta sumuko na lang. Oo, nag-aaral tayo habang pansamantalang naninirahan sa mundong ito.

Ano'ng pinag-aaralan? Ang kahulugan ng buhay- kung paano maging matatag, kung ano nga ba ang angkop na reaction sa mga bawat kahaharapin, developing Christlike character, ibigin ang Diyos nang higit sa lahat, mahalin mo ang iyong kapwa gaya sa iyong sarili, at iba pang gaya nito.

Paanong masasabi na natutunan mo ang mga 'yan? Kung napagtagumpayan ang mga pagsubok sa tulong ni Lord. Victory!

"Bakit huwag tayong magpatinag sa mga ikinahaharap sa buhay?"

Ano nga ang dahilan para magpatuloy? Nakakapagod na. Ang sarap nang sumuko. Ayo'ko na. Puro na lang pasakit! Kung sasaya ka man... saglit lang! Ano ba?! H-Hindi na... puro na lang ba pahirap ang dala ng mundong ito sa 'kin?!

Hindi... Oo, nasasaktan tayo... iniiyak na lang, nalulumbay, ngunit dito tayo natututo. Tandaan, ang kapighatian ay may hangganan, pero ang joy na makakamit natin- ang tagumpay- wala nang mas hihigit pa roon. Always claim that you'll have victory in every things you encounter through Christ our Lord. Sa Kanya mo ipagkatiwala ang lahat at Siya ang bahala. Huwag kang sumuko, kapatid. Si Lord never nag-give up sa 'tin. Huwag patitinag! Sa tingin mo, bakit?

~Dahil sa pinanghahawakan nating Salita Niya (ang nasa itaas).

~Hindi tayo iiwan ni pababayaan ng Diyos.

~Maraming mga alas ang mundong ito upang mahulog ka uli sa pagkakasala at paglayo sa Kanya, ngunit tiwala lang at kakayanin mo ang mga pagsubok kasama Siya!

~Ang mga problema o pagsubok ay instruments ni Lord upang palakasin ang ating loob at i-claim ang tagumpay dito.

~Ang tukso laging nariyan; ika'y kanyang bubulungan ng mga kung anu-anong mga kasamaan at kasalanan; at minsan ang hirap hindi ito pakinggan, ngunit may tagumpay na naghihintay sa 'tin- kay Lord! Kapit lang.

~Isipin mo na lang si Lord- sa lahat ng kanyang ginawa para lamang mailigtas tayo sa kapahamakang naghihintay sa 'tin, sa mga pagkakasala- nabasa mo sa Bible na napagtagumpayan ni Lord ang lahat ng 'yon para tayo'y mabuhay at makalapit sa Diyos.

"Ano ang mga gagawin upang magtagumpay sa lahat ng bagay?"

~Iuna mo si Lord sa buhay mo- sa lahat ng bagay.

~Panghawakan ang Kanyang mga pangako.

~Huwag magpatinag; huwag panghinaan ng loob; huwag sumuko. Sa halip, pakatatagan ang loob at kumapit kay Lord.

~Magdasal ka. Hindi tinataboy ni Lord ang mga lumalapit sa Kanya. Tell Him everything.

~Sa Kanya mo lahat ipagkatiwala ang lahat ng bagay.

~Magpatuloy sa buhay. Hindi maiiwasan na mada-down. Move on- hindi kadali ngunit kasama mo Siya!

~Maging masipag; huwag maging tamad.

~Umasa kay Lord.

~~

Ang tagumpay ay nakakamit sa maraming failures na napagdadaanan ng isang tao.

Situations: (examples)

• Kung hindi ka nag-champion o nag-first sa isang competition, it doesn't meant that the Lord didn't listen at your prayers. Instead, it's not your time yet. Just trust Him and He knows when it's the right time. Alam na alam Niya ang mga talent mo- Siya ang nagkaloob niyan sa 'yo. Porque natalo ka, hindi ka na magaling? No! Ang failures pa nga ang nagiging daan upang mas pag-igihan mo pa. Ito pa ang nagiging daan sa tagumpay- of course, the will of the Lord ang mangyayari.

• Pakiramdam mo hindi ka na makakalaya pa sa isang kasalanan na nagpabihag sa 'yo. Hindi totoo 'yan kapatid. Feeling lang 'yan. Sabi nga sa isang kanta, ♪ there is power in the name of Jesus ... to break every chain... break every chain ...♪Nagawa na ni Lord 'yan- sa Kanyang pag-alay ng buhay, sa krus ng kalbaryo. Nang dahil do'n tayo'y maiiligtas sa kasalanan at mabi-build ang relationship kay Lord. Nakalaya tayo sa chain ng kasalanan kaya patuloy lang manalangin!

• Problems- problems you think that you can't overcome; you can't find appropriate solutions. But the truth is, that tests were given not because the Lord punishes you, but because He loves you- He teaches His children. Like your math teacher; he discusses first the formulas but after it, he'll give you problems and he'll find it out if you learned at him.

~~

Lagi lang tandaan na kahit ano'ng mangyari, huwag sumuko. Mga kapatid, we already have the victory through our Lord! Oo, mahirap iyan, pero God is bigger than your problems! Labis ka ng naghihinagpis- nand'yan si Lord! Nada-down ka na; God will lift you up.

TGBTG~ (To God be the glory)

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon