2 Timoteo 2:9
Ngunit matibay ang pundasyong itinatag ng Diyos; at doo'y nakatatak: "Kilala ng Panginoon kung sinu-sino ang tunay na sa Kanya." At "Ang bawat nagsasabing siya'y sa Panginoon ay dapat lumayo sa kasamaan."
♥♥♥
Sa una pa lamang, bago pa likhain ang sanlibutan, kilala na ng Diyos kung sino ang mga tunay na sa Kanya at sa mga hindi. May mga tao tayong nakilala na ang tingin natin sa kanila ay napakafaithful nila Kay Lord. Yung akala mo hindi nagkakasala ang taong ito, ngunit ang lahat ay nagkasala. Yung tipong ang lakas ng faith nila kay Lord.
Ngunit matibay ang pundasyong itinatag ng Diyos; at doo'y nakatatak: "Kilala ng Panginoon kung sinu-sino ang tunay na sa Kanya." Dito palang, mababasa at maunawaan mo na kilala ng Diyos ang mga tunay na sa Kanya. Kilala ng Diyos ang bawat isa sa atin. Siya'y nakatingin sa ating puso na may desire na kilalanin Siya. Kung sa Kanya ka talaga, kahit na minsan mo na Siyang tinalikuran at hindi naniwala, babalik at babalik ka pa rin sa Kanya kahit anong mangyari because God will make a way. Hindi Siya magsasawang mahalin ka. Kilalang-kilala Niya ang buong pagkatao mo at kung sino ka.
Ang mga tao ay may free will sa pagpili kung siya'y sasampalataya sa Diyos o papanig kay satanas. Dalawa lang yun. Kaya nga sa una palang, kilala na ni Lord kung sinu-sino ang mga mananatili sa Kanya hanggang sa huli.
May mga tao na mapagkunwari lamang. Yung tipong napakamaka-Diyos nila pero kabaliktaran kung ano ang nasa puso nila. Pariseo lang? Halimbawa sila. Yung mga nagkukunwari pang maka-Diyos, pero alam ng Diyos kung ano ang nasa puso nila. Kaya mag-ingat tayo sa mga taong kunwari maka-Diyos baka malinlang ka nila. Kaya nga inuusig nila si Lord Jesus noong narito pa Siya sa lupa kasi sinasabi ni Lord yung totoo sa kanila, at yun ay hindi nila tanggap, ang katotohanan. Sa una palang, wala ng puwang ang katotohanan sa kanila.
At "Ang bawat nagsasabing siya'y sa Panginoon ay dapat lumayo sa kasamaan." Ito. Kung sinasabi mong "Ako'y sa Panginoon!", patunayan mo. Hindi yung hanggang salita ka lang. Kung talagang sa Kanya ka talaga, lalayo ka sa kasamaan. Hindi ko sinasabing maging perfect ne? Kasi walang perfect kundi si Lord lang. Kasi hindi mo maiiwasang hindi magkasala kasi nasa nature natin, pero iwasan natin ang masama. Minsan kapag nagkakasala tayo, may natutunan ka, right? At i-apply mo sa buhay mo ang mga natutunan mo. Layuan mo ang kasamaan at huwag pagka-ibigin ito.
FAIL - First Attempt In Learning
If you FAIL again, Forget to Apply Its Lesson.
Ganun lang naman yun.
Magkakaalamanan naman sa huli kung sinu-sino ang sa Kanya sa hindi.
Tanungin mo sa sarili mo, "Tunay nga ba na ako'y sa Panginoon?"
Maraming paraan si satanas para lamang mapalayo ka Kay Lord. Remember,walang laban si satanas kay Lord. Overcome everything in Jesus name. Kung hindi man ka niyang magawang masama, he will make you busy. Busy na kung saan nawawalanan ka na ng time sa Kanya. Kaya mag-ingat!
KILALA NG PANGINOON KUNG SINO ANG MGA SA KANYA SA HINDI. :)
_________
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...