"Pagtanggap"
By: NylNed20Ang buhay ay puno ng supresa
May mga bagay na nangbibigla
Hindi mawari kung bakit dumating pa
Maarok masiyado para maabot ng isipan- isipi'y kay hirap
Madadama'y hindi agarang matatanggap
Mga nakaplanong pangarap
Tila naglaho gaya ng isang bula- ika'y napapayukom
Tinusok ito ng napakaraming karayom.O paano tatanggapin ang isang bagay...
Bagay na nagpapahirap sa iyong buhay?
Habang buhay na 'di malilimutan ito
Nakamarka na sa pagkatao
Ito'y nagpagapos at sanhi ng pighati
Hindi makamtan ang minimithi.Ano na lamang ang magiging solusyon nito?
Anong formula sa Matematika ang gagamitin mo?
Ang problema ay gaya ng sa asignaturang ito
Ang solusyon ay ang tanggapin ang lahat
Alisin sa buhay ang mga negatibo- na s'yang kalat
Tuluyan nang itapon ang kapaitang nadarama
Hinding-hindi ka mamumuhay ng malaya
Huwag sobrang ma-stress at mag-isip
Hindi maganda ang labis na pag-iisip.Magtiwala at maniwala sa Diyos
Sa Kanya'y matatagpuan ang kapahingaang lubos
Ang lahat ng hirap ay may dahilan at gamit
Hirap isipin at intindihin nitong mga maliliit...
Oo, maliit, maliit pa ito sa lahat ng mga mararanasan pa
Nangyayari ang lahat ng 'yan para maging handa
Marami pang haharapin na mga kabanata
Libro ng iyong buhay- tiyak na kahanga-hanga.
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...