Isinalaysay ni Jesus ang isang talinhaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa.
Lucas 18:1___
May pagkakataon sa buhay natin na nawawalan na tayo ng pag-asa at humihinto na tayo sa prayer natin dahil sa pag-aakalang hindi tayo pinapakinggan ng Diyos. Patuloy lang tayong manalangin. Huwag tumigil. Huwag katamaran. Kapag nawala kasi ang prayer, delikado ang spiritual life mo. Kapag nasira ang prayer life mo, nag-pa-party ang kaaway. Kaya we need to examine ourselves daily para aware tayo if unti-unti na ba tayong nahihila ng kaaway o ng mundong ito. Hindi naman nakukulitan si Lord sa 'ting prayers e. Sa totoo lang, He wants to hear from us always. Patuloy lang tayong maging humble sa harapan ni Lord sa araw-araw. Kung feel mong umiyak, go lang. Araw-araw kang maglaan ng time for Him. Find time always. Huwag mawawala ang prayer... Kahit isang araw. Kasi without it, nakakapanghina.
Ngayon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa mga minamahal niya na dumaraing sa kanya araw-gabi? Sila kaya'y paghihintayin niya nang matagal?
Lucas 18:7Kaya huwag tayong tumigil sa prayer! Our God is alive! Our God is able! He can do all things! He listens on you. Walang mga salita natin na lumagpas sa Kanya. Alam Niya ang hinaing mo. We just need to be patient, be still, and wait. Hindi na 'yan patatagalin ni Lord. When it's the right time, the Lord will make it happen.
At siya'y sumigaw, "Jesus, Anak ni David! Mahabag po kayo sa akin!" Pinapatigil siya ng mga taong nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, "Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!" Tumigil si Jesus at ipinatawag ang bulag. Paglapit ng bulag ay tinanong siya ni Jesus, "Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?" "Panginoon, gusto ko po sanang makakitang muli," sagot niya. At sinabi ni Jesus, "Mangyayari ang nais mo! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya." Noon di'y nakakita ang bulag at sumunod kay Jesus na nagpuri sa Diyos. Nang makita ito ng mga tao, silang lahat ay nagpuri sa Diyos.
Lucas 18:38-43Huwag lang talaga tayong titigil sa prayer e. Patient lang talaga. At huwag din nating pakikinggan ang mga nagsasabi sa 'tin na tumigil na tayo sa prayer, walang nakikinig sa 'tin, at nonsense. Don't listen at that lies! Sa halip habang naririnig mo ang mga lies, mas lalo kang magbabad sa prayer! Mas lalo mong patatagin ang prayer life mo. Kung ang bulag ay patuloy na sumigaw... Tayo naman patuloy na tumawag sa pangalan Niya!
And of course, be specific on what you want. Kung pabago-bago ang isip mo, nako... Kung 'yong bulag ay sure na sure sa gusto niya mangyari... Ganoon din dapat tayo. Grabe 'yong desire niya. If we ask something from Him, dapat hindi masamang bagay o maaaring makakontra sa will Niya. Mga bagay na mapupurihan Siya, nakabubuti sa buhay natin at ng iba... Basta maganda ang intensyon mo.
Kapag nangyari na ang ayon sa 'ting prayer... Mapupuri pa ang Diyos! Magiging testimony pa. Tapos malaman pa ng iba na matiyaga kang nanalangin. Hindi ka tumigil. Hindi ka naging tamad. Hindi ka nagpadala sa sinasabi ng kaaway. Umasa ka. Ma-i-inspire sila sa 'yo! Gagamitin pa ni Lord ang buhay mo para sa iba na gano'n din ang gawin!
"Ang mga bagay na hindi kayang gawin ng tao ay kayang gawin ng Diyos," tugon ni Jesus.
Lucas 18:27Kahit sa paningin natin imposible... If God moves, nothing can stop. Master na Niya na gawing posible ang imposible.
Sa verse na 'to ay nagtatanong 'yong mga alagad kung sino pa ang maliligtas dahil sinabi Niya na mahirap makapasok ang mayaman sa kaharian ng Diyos. Hindi naman ibig sabihing mahirap makapasok ay hindi na makapapasok. God is good e. Hindi imposible na makapasok ang sinuman sa kaharian Niya. It looks difficult, pero hindi imposible. Kaya tuloy lang ang prayer sa mga taong hindi pa na-e-encounter si Lord, 'yong nahihirapan at nanghihina na, 'yong hindi naniniwala sa Kanya, 'yong nawalan na ng tiwala, 'yong natangay na ng mga kayamanan o kasalanan...etc etc... Ipag-pray lang natin sila.
'Yong mga tao na inaakala nating hindi maliligtas, sila pala ang tatawagin at pipiliin Niya. He looks at heart! Doon kasi Siya nakatingin at alam Niya ang lahat ng bagay kaya hinding-hindi Siya magkakamali na piliin ka.
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpirituellesThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...