(Kasama ang Paghihirap sa Pagkatawag sa atin ng Diyos)
1 Pedro 2:21
Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, nag-iwan siya sa inyo ng isang halimbawa na dapat ninyong lubos na tularan.
_________
Noong hindi mo pa nakilala ang Panginoon, nadiyan lamang Siya sa ating tabi at hindi tayo iniwan ni pinabayaan. Hindi ka Niya nakakalimutan at higit sa lahat, mahal na mahal ka Niya. I-re-reveal Niya ang Kanyang sarili sa paraang hindi mo inaasahan.
Nang Siya'y nakilala mo- tinanggap mo na Siya sa buhay mo- napanatag ka. Sarap sa feeling na hindi ka nag-iisa sa lahat ng mga hinaharap mo sa buhay mo. Ang saya mo. You're living now to please Him- yung mga nakakapagpasaya sa Kanya. Kahit na iniwan ka man ng lahat, alam mong hindi ka nag-iisa sa mga oras na iyon. Maiisip mo na lamang na napakapalad mo na makilala Siya at magkaroon ng relasyon sa Kanya. Walang katulad ang pagmamahal Niya sa atin.
'Yung feeling na galak ka sa pagpupuri sa Kanya, Siya lamang ang iyong simasamba- but you're willing na maging bahagi ng buhay mo ang pagtitiis ng hirap?
May mga bahagi ng buhay natin- kung kailan naman natin Siya tinanggap sa buhay natin- doon pa may mabibigat na pagsubok o mga haharapin sa buhay mo. "Bakit kailangang mangyari ito?" Matatanong mo pa sa iyong sarili. Pero iba kapag nagtiwala ka na lamang sa Diyos. Maging halimbawa sa ating lahat ang ginawa ni Lord Jesus.
Tanong ko lang :
"Bakit kasama ang pagtitiis ng hirap kapag tinawag ka ng Diyos?"
♥Dahil noong tinanggap mo si Lord Jesus as your Lord and Savior, doon pa lamang nagsisimula ang lahat.
♥Sapagkat nang siya'y magtiis para sa atin, nag-iwan na dapat tularan.
(Tularan natin ang ginawang halimbawa ni Lord Jesus. Hindi naman 'yong literal na ginawa Niya- kasi Siya lamang ang makakagawa n'un. Kung paano Siya nagtiwala sa Diyos sa lahat ng mangyayari sa Kanya- isang halimbawa ito.)
♥Mas lalong magiging matatag tayo sa faith natin sa Kanya.
(The more na nasusubok ka, mas tumitibay ka.)
♥Kapag nasa mahirap tayong sitwasyon, natututunan nating magtiwala sa Kanya, Siya lamang ang ating pag-asa at kumapit sa Kanya.
(Hindi natin kaya ng nag-iisa. Dahil sa lahat ng pagkakataon, kasama mo lamang Siya. We learn to trust Him sa mga panahong nasa mahirap na sitwasyon tayo. Pero 'wag naman nawa natin Siya kalimutan sa mga panahong masaya ka!)
♥Dahil ang mga paghihirap na ito ang s'yang humuhubog sa atin.
(Because of this, tumatatag tayo. Nahuhubog tayo. May iba't ibang reaction ang bawat isa sa atin sa pagsubok. Parang sa mga experimental research lang, makikita kung gaano katibay- o magandang klase ang project. Nalalaman din ng researcher kung ano ang kalakasan at kahinaan nitong proyekto sa testings (pagsubok). Parang sa buhay natin, nakikita ang tunay na tayo sa mga pagsubok.)
♥Ang mga nangyari sa iyong buhay magiging kwento lamang sa hinaharap na s'yang magbibigay inspiration sa iba.
('Yang mga nangyari sa iyo- lahat 'yan magiging kwento at kapag ibinahagi mo sa iba, magiging inspirasyon ito kung ito'y titignan mo in a positive way.)
•••••••••
Ano ang mga gagawin upang mas maging matatag?
♣Magtiwala lamang tayo sa Kanya.
♣Have faith to Him
♣Pray always
♣Read God's word
♣Seek Him continually
••••••••••
Kahit anumang hirap ang maranasan mo, walang-wala ito sa mga naranasan ni Lord Jesus. Tularan natin Siya. Kasama sa buhay natin ang mga hirap na 'yan. Mas nagiging matatag pa nga tayo at nahuhubog tayo. Hindi mo lang alam, mas pinapalakas ka nito.
Hindi naman tayo nag-iisa. Alam nating ito. If God is with us, who can be against us?
Nang wala pa Siya sa buhay mo- tila walang kwenta ang buhay mo. Hindi mo alam kung bakit ka pa nga ba nabubuhay, anong purpose kung bakit. Pero nang Siya'y makilala mo, nagkaroon ng kabuluhan ang buhay mo. Nagkaroon ng kahulugan ang buhay mo. Nabubuhay ka dahil sa Diyos.
^^^^^^^
Pagsubok
by : NylNed20Ako'y tulad ng isang halaman
Maraming bagyong napagdaanan
Subalit ito'y nakakapit pa rin at hindi susuko
Kahit anumang mapagdaanan, ako'y magtitiwala Sayo.Sa lahat ng pagkakataon, nakakapit sa Iyo
Nang Ika'y makilala, nagkaroon ng kahulugan ang buhay ko
Nagpapasalamat sa mga pagsubok na ito
Ito'y bahagi lamang ng buhay ko.Napakapalad ng mga katulad ko na minamahal Mo;
Marami akong pagkukulang sa Iyo
Subalit gaya ako ng halaman na nakatanim sa lupa
Sa Iyo lamang umaasa.^^^^^^^^^^
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...