2. Loving your enemies
Ngunit sinasabi ko sa inyo, ibigin niyo ang inyong kaaway at pagpalain niyo ang mga sumusumpa sa iyo. Mateo 5:44
Hindi maiiwasan sa buhay ang may nakakaaway. 'Yong tipong i-do-down ka nila, lahat ng weakness mo pagtatawanan nila, i-bu-bully ka nila, at iba pang gawain nila na kung saan bababa ang iyong self-confidence. Naranasan mo na ba ang bagay na ito?
May mga bagay na minsang nangyayari sa atin ay 'di natin maintindihan. Minsan nga masama eh.. Minsan dulot ng mga nagiging kaaway natin..
Ang mga taong nang-aaway sa atin, minsan kinaiinisan na natin at pinagtataniman na ng galit sa puso. At gustong-gusto nating gumanti. Pero sinasabi ko sa iyo, huwag mo iyang pag-ukulan iyan ng pansin. (Ang tinutukoy ko ay ang paghihiganti sa mga taong nakagawa sa ating masama.)
Walang nagagawa iyon. Kasi pareho na kayo ng ginawa. Halimbawa kung siniraan ka na niya, siniraan mo rin siya. E di wala na kayong pinagkaiba! Ano pa ang pagkakaiba niyo? Samantalang pareho na ang ginawa niyo. So ang ibig sabihin lang nito ay huwag ng gumanti dahil makakagawa ka na rin ng ginawa niya.
Ang mga nakakaaway natin ay isa sa mga challenges ng buhay. Yung feeling na mas magiging better ka pa dahil sa kanila? Bakit? Kasi mas nachachallenge ka, sinusubukan ka..
Halimbawa, kung dinadown ka nila, alalahanin mo lang ito, "Sapagkat ang nagmamakataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas." - Lucas 14:11. Ang mga nagyayabang na iyan, hayaan mo nalang, kasi hanggang doon nalang ang magagawa nila, ang magmakataas. Magpapakumbaba ka na lamang, mas gusto pa yun ni Lord kaysa magyabangka riyan.
Nga pala, bago ko makalimutan, naisip mo na ba na MAHALIN ang mga NAKAAWAY mo? Ang hirap di ba? Parang ang hirap mahalin para sa atin ang mga taong palaging nanakit sa iyo, nagpapaiyak sayo,naninira sa iyo, at iba pang negative na ginagawa sa iyo. Ang hirap nilang mahalin, di ba? Paano mo sila mamahalin kung galit ka naman sa kanila?
Unang-una ay ang PAGTANGGAP sa lahat ng mga naganap sa iyo. May rason ang lahat ng mga nangyayari sa iyo. Ang lahat ng ito ay para sa ikakabuti mo. May plano Siya sa iyo. Ang kailangan lamang ay ang pagtitiwalang walang pag-aalinlangan.
Pangalawa ay dapat mong gawin is FORGIVENESS. Ito ang bagay na hirap nating gawin. Kailangang may oras iyan. IT TAKES TIME. Ang sugat ay dapat maghilom. Kahit gaano kasakit, kailangan mo siyang patawarin. Kung di ka magpapatawad, di ka rin patatawarin ni Lord. Buti pa nga si Lord ang quick magpatawad, di ba?
Sa pagpapagaling ng sugat, di ba dapat di hinahawakan? Ganoon din, kung willing kang magpatawad, di ka magpopokus sa nangyaring iyon. Huwag mo iyong pag-ukulan ng pansin. Kasi past na nga. Don't dwell on the past. Sa halip, mag move forward tayo sa lahat ng mga nangyari. Hindi madali, pero possible naman.
Lastly , FORGETTING.. Pagkalimot. Ito ang isa sa mga mahirap gawin. Minsan kahit ilan taon ng lumipas ang masamang nangyari sa iyo, maalala at maalala mo pa rin. Kung maalala mo iyon, dapat wala ka nang galit pa sa kanya. Kasi IKAW at IKAW ang mahihirapan. Kasi IKAW ang kinakain ng galit mo.
"Huwag mong hayaan na ang galit ang siyang kumontrol sayo. Sa halip, ikaw ang kumontrol galit mo."
1.) PAGTANGGAP
2.) FORGIVENESS
3.) FORGETTINGLove your enemies. Ipagpray mo nalang ang mga taong nang-aapi sa iyo at nagbabackstab sayo. Hayaan mo nalang sila. Di tayo perpekto. Walang perpekto.
Tandaan niyo lang po ito, at di kayo mahihirapan. Free kayo mula sa sarili niyong anger mula sa mga nakakagawa ng masama sayo.
Written: August 12, 2015
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualitéThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...