45. Lukewarm Christian

7.6K 51 12
                                    


Pahayag 3:16
Ngunit dahil ikaw ay maligamgam, hindi mainit ni malamig, isusuka kita!
__
Ano ba ang ibig sabihin ng pagiging maligamgam o lukewarm?

Ang definition ng lukewarm ayon sa na-i-search ko:
•(of liquid or food that should be hot) only moderately warm; tepid.
•(of a person, attitude, or action) unenthusiastic.

Ang pagiging lukewarm ay ang pagiging gitna sa malamig at mainit. Madalas, ganito ang gusto nating temperatura. Lalo na 'yong katawan natin... Hindi p'wede 'yong super mainit at super malamig... Kailangan katamtaman lang. Pero 'di p'wede sa faith mo kay Lord ang lukewarm.

Ano sa tingin ninyo ang kahulugan ng lukewarm sa verse na ito?

Before answering this question, let's define yong mainit at malamig.

Ang pagiging mainit ay ang hunger natin sa presensiya ng Diyos. Ito 'yong pagiging mainit sa presensiya Niya. Ito 'yong pagmamahal at pananampalataya natin sa Diyos. Ito 'yong time na ang active natin sa Kanya dahil sa hunger sa Words Niya and desire mo sa Kanya. 'Yong pakiramdam na kulang ang araw mo na hindi mo Siya nakakausap o nararamdaman ang presensiya Niya. In short, ito ang fire/desire natin upang manatili tayo sa Diyos.

Sa paggising mo pa lang, sabik ka ng kausap Siya- purihin at pasalamatan dahil binigyan ka na naman Niya ng isang araw. Sa bago mo pagtulog, kinausap mo pa rin Siya. Kahit ano'ng oras, you talk on Him. 'Yong fire mo sa Kanya ay mas lalo pang nagpapatuloy. 'Yong mas gusto mo pa Siyang makilala. You may only know Him in His words and by praying. Kaya 'pag on fire ka, sabik ka sa mga salita Niya at gustong-gusto mo Siyang kausapin.

Interesado ka sa mga ukol sa Kanya.

'Yong kahit na single ka, 'di mo na ramdam kasi in relationship ka sa Lord at matindi magpakilig si Lord- higit pa sa mga jowa nyo! Peace HAHA

His presence is heaven on us! Damang-dama mo ang pag-ibig Niyang higit pa sa mga kasalanan mo.

Ginagawa mo ang mga bagay na nakakapag-please kay Lord!

Ang pagiging malamig naman ay ang mga panahong kung saan lumayo tayo sa Diyos. 'Yong mga panahong madilim ang buhay mo dahil walang Diyos na nagbibigay liwanag sa buhay mo. Mararamdaman mo na para bang malayo ang Diyos, pero ang totoo, ikaw ang lumayo. 'Yong nanlalamig sa faith. In short, ito 'yong mga panahong hindi natin hinahanap ang presensiya Niya at nawala ang desire natin sa Kanya.

Lahat ng Kristiyano ay dumadaan sa pagiging malamig. Dumarating 'yong time na napapagod na, napanghihinaan na ng loob, na-attract sa mga bagay sa mundo, nakinig sa lies ng enemy (devil) at iba pang bagay na maaaring maglayo sa 'tin sa Diyos.

Mga kapatid alalahanin ninyo na never kayong icocondem ng Lord. He convicts us

Hindi exempted ang Kristiyano sa mga pagsubok. Kasi the more na mas mainit tayo sa Lord, the more na gagawa ang paraan ang kaaway para manlamig ka at tuluyang malayo na sa Kanya.

Maraming temptation siyang iaalok... Makuha lang ng kaaway ang atensyon mo- gagawin niya ang lahat. Wag kayong papayag mga kapatid. Huwag bigyan ng pagkakataon ang kaaway.

Sa panahon ng panlalamig sa pananampalataya, hindi na nagugutom sa salita ng Lord. Okay lang na 'di magdasal. Hindi na interesado sa mga bagay-bagay na ukol sa Lord. Mas interested pa sa mga bagay ukol sa mundo. O kaya nasasakop ng kalungkutan or lies ng kaaway. Nabubusog sa ibang bagay hindi sa Kanya

Sa panlalamig, ang p'wedeng cause nito ay ang nabusog na sa mundo. Tandaan, hindi ka makakaramdam ng gutom kapag busog ka. Kahit gaano pa kasarap ang pagkaing nakahain sa harap mo kung busog ka ay tatanggihan mo 'yon. So parang sa spiritual life lang din natin. Huwag magpakabusog sa mundo.

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon