29. God's Words

3.4K 32 2
                                    

Hebrew 4:12

For the word of God is alive and powerful. It is sharper than the sharpest two-edged sword, cutting between soul and spirit, between joint and marrow. It exposes our innermost thoughts and desires.

♥♥♥


Ang Salita ng Diyos ay buhay at makapangyarihan. Tagos hanggang puso't kaluluwa. Parang pakiramdam mo, pumapasok ito hanggang sa kailaliman mo. Minsan natatamaan ka- o kaya naman maeencourage ka.

Ito ang ating gabay sa pang-araw-araw nating buhay. Ito yung nagpapaalala sa atin. Halimbawa, sobrang inis na inis ka sa kaaway mo. Gusto mong gumanti-- ngunit naalala mo ang Salita ng Diyos, 'Love your enemies and pray for those who persecute you.' Oh di ba? Tatagos hanggang puso't kaluluwa mo, hanggang sa pinakailaliman mo.

Masasabi mong, 'Ay mali palang gumanti. Mahalin ang kaaway sabi ni Lord, at ipagdasal mo ang mga sumusumpa sa iyo. Salamat Lord sa pagpapaalala.'

Kapag natatamaan ka naman sa Salita ng Diyos, magpatama ka lang. Hindi yung iilag ka at maglalagay ng shield para lang hindi ka matamaan. Hayaan mo lang na matamaan ka.

Halimbawa, mapagmataas ka (Mataas ang tingin mo sa sarili mo) at mayabang ka. Tapos nakabasa ka ng verse na ganito sa Bible : 'Ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.' Syempre ikaw naman 'tong matatamaan, ano ang gagawin mo? Iilagan mo? O magpapatama ka lang upang matama ka mula sa iyong pagkakamali? Syempre magpatama ka lang upang matuto ka. Hindi ka matututo sa kaiilag mo.

Ang Salita ng Diyos ay ating kalasag sa tuwing natutukso tayo. Isipin niyo yung kwento ni Lord sa Bible, kung saan tinutukso siya ni satanas (Matthew 4:1-11) Ano ang sinasabi ni Lord sa tuwing manunukso 'to? Sinasabihan Niya si satanas ng mga salita ng Diyos at walang masabi si satanas. Nag-iisip siya ng paraan upang magkasala si Jesus, ngunit hindi siya nagtagumpay. Dahil kahit kailan hindi siya matatagumpay sa pangalan ni Jesus. Amen. Dahil si Jesus ay filled with Spirit kaya hindi Siya basta-basta matutukso.

Isipin mo 'to, habang nagbabasa ka ng Bible, ang lalim ng iniisip mo, tumatagos hanggang puso't kaluluwa, naiiexpress nito ang innermost thoughts and desires mo. Ganyan kapowerful ang Word Niya. Maeencourage ka sa Kanyang Salita. "Hmm. Ito pala ang dapat tamang gawin. Mali pala 'yun, ito pala yung tama." "Sorry po Lord dahil mali yung nagawa ko po. Salamat po dahil alam ko na po ngayon." "Thank You Lord sa Salita Mo, sapagkat may natutunan po ako." "Ang powerful ni Lord. Ang galing Niya." "Sobrang mahal na mahal tayo ni Lord kaya ginawa Niya ang lahat ng ito para sa atin." Ito ay maaaring ilan sa mga masasabi mo habang nagbabasa ka ng Bible. (Opinion ko lang po hehe)

Kaya napakahalaga ng Salita Niya. Huwag mong balewalain. Sapagkat dito mo malalaman kung paano mo maiiplease si Lord, kung paano mo Siya mapapasaya.

Every word of God proves true. He is a shield to all who come to him for protection. (Proverbs 30:5)

Walang kasinungalingan sa Kanyang Salita. Lahat totoo at siguradong mangyayari. Protection natin ang Salita Niya. Kapag natutukso ka gaya ng sinabi ko kanina. Halimbawa, natukso ka : "Kunin mo yan. Walang nakakakita sa iyo." Pero dahil nakatanim sa puso mo ang Salita Niya, alam mong masama ang kumuha ng di sa iyo. So hindi mo gagawin yun. Hindi kasalanan ang natutukso ka, pero kasalanan 'pag sinunod mo na yung sinasabi sayo ng kaaway.

The more na nagbabasa ka ng Bible, the more na nakikilala mo si Lord. Sapagkat ito lamang ang Libro na Siya ang original author at tungkol sa Kanya ang laman nito at bukod tanging Libro na makakapagpabago sayo.

"Kahit naman hindi ako magbasa ng Bible. Ang mahalaga I believe that He's existing. At kilala ko naman Siya. Diyos siya." Mali. Paano mo Siya makikilala kung hindi ka nagbabasa ng Bible? Paano mo Siya mapiplease kung hindi mo naman alam kung paano? Kasi sa Bible lamang ito malalaman.

Nawa pahalagahan natin ang Kanyang Salita. Huwag baliwalain. Sapagkat dito talaga natin Siya tunay na makikilala at malalaman natin kung ano ang mga tamang gagawin.

♥♥♥

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon