Note : May ginawa po akong 1 shot na story po dito :) sana magustuhan niyo guys.
God bless.
_________
Ako nga pala si Gaza Fen Dartino. 15 taong gulang. Ako'y isang masama at makasalanang tao. Lahat nalang ng mga tao sa paligid ay hinuhusgahan ako. Ni wala nga silang alam sa buhay ko e! Ang kapal-kapal ng mukha nilang manghusga para bang they know everything about me.
Rebelde ako sa mga magulang ko. Hindi na ako nag-aaral ng mabuti. I'm in section 1, but pangbubully ang siyang nakukuha ko, paghuhusga, at iba pang negative. Nagsasawa na nga ako e!
Kaya ako nagrebelde sa mga magulang ko kasi they don't have enough time for me! Puro sila sa trabaho! Okay na yung hindi kami mayaman, basta't kasama't kasama ko sila. Mas sasaya pa ako e!
Nasa bahay nga pala ako ngayon, galing sa school. Buti pa nga ang mga katulong, narito para sa akin. E yung mga magagaling kong magulang, nasaan? Sa lahat ng saya at lungkot ko, narito ba sila?
"Busy lang talaga kami sa trabaho nak,"
"Para sayo lahat ng ginagawa namin."
"Mahal na mahal ka namin anak."
Haaayy! Nakakainis na ang sirang-plaka na linya nila.
"Ma'am, ito na po yung tinapay at juice niyo po," inabot sa akin ni ate Gina, yung katulong namin.
"Salamat." At inilapag niya ito sa lamesa. Nakaupo ako sa sofa. Balisa. Naiisip ko na sana man lang narito ang mga magulang ko.. Kaya wala na akong ganang mag-aral dahil ginaganito nila ako.
Isinubo ko nalang yung pagkaing iniabot sa akin. Nagulat nalang ako sa tumabi sa akin..
Si ate Gina.
"Ayaw kong nakikitang malungkot ang alaga ko," paglalambing niyang sabi.
"E di ko naman mapipigilan e," sabi ko.
"Ma'am,"
"Just call me Fen. Para naman maramdaman ko na may kasama ako." Saad ko.
"Sigura---"
"Opo!"
"Sige, Fen.." At ngumiti siya.
"Buti pa kayo, naririto para sa akin." Sabi ko sa kanya.
"Ginagawa yan ng parents mo para sayo, para sa future m--"
"Future!? Kahit naman di kami mayaman, ang mahalaga magkakasama kami!" Sabi ko at napahagulgol ako.
"Kalma lang, ilabas mo ang lahat, I will listen..." Sabi niya. Salamat, nandito ka, ate Gina.
"Bakit ganun no?" Paninimula ko. "Oo nga, I was born in a family na hinihiling ng iba, ang maging mayaman, pero kung ang kapalit naman di mo makakasama ang mga magulang mo? Syempre, yung tipong naiingit ka pa sa mga kaklase mong kasa-kasama ang mga magulang nila! Sana 'di nalang ako mayaman! Sana kahit sa mahirap pa akong pamilya, at least mas masaya pa ako!"
"Fen, I'm telling you, magpasalamat ka nalang sa lahat ng meron ka, God gave it to you, regalo Niya yan sayo."
"God? E nasaan na Siya? Palagi kong hinihiling sa mga dasal ko, noong 8 years old palang ako.. Na makasama ng matagal ang mga magulang ko---"
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...