Mahirap mamuhay na na-i-insecure sa isang tao.
Mahirap mamuhay ng malaya kapag ika'y nasakop na ng inggit/envy.
Masakit pakinggan na may nagkukumpara sayo sa iba.
•••
Maiikumpara mo lamang ang sarili mo sa iba dahil sa insecurities. Sinasabi mong, "Bakit siya may ganun? Bakit ako, wala nun?"
Life is fair. Some look it as unfair, but in reality, it is fair.
Kasi balance lang, may mga bagay na meron ka na wala sa iba, at may mga wala ka na meron sila.Huwag tayong maiingit sa iba. We're created different at hindi tayo magkakamukha– kaya may mga pagkakaiba tayo.
Ito lang ang masasabi ko : "Don't compare yourself to others,"
Sino naman ang gustong ma-i-kumpara sa iba? Na masasabing mas magaling si ganito kaysa kay ganito. Nakakainis ang mga pag-ko-kompara na 'yan.
Hindi ito yung sa research/thesis na kapag nagte-test/conduct na ng study, may comparison na between experimental and control group. Sa research lang 'yan hindi sa tao!
May mga teachers din na nagku-kumpara ng mga nahahawakan nilang estudyante/sections– na tiyak na hindi magugustuhan ng estudyante kapag narinig. Huwag magkumpara.
Tandaan, hindi sa lahat ng pagkakataon ay may mga meron sila na meron ka rin. Huwag maiingit. Ikaw din, mahihirapan kang mamuhay ng malaya 'pag may taong kakaiingitan ka.
Magpasalamat ka na lamang sa lahat ng meron ka– sa lahat ng mga ipinagkaloob ng Diyos sayo. Isipin mo ang mga malilit na bagay na meron ka, at makikita mo ang kahalagahan nito sa iyo. Lahat ng meron ka ay blessing from God! Be thankful!
Kaya lang naman naiingit tayo sa iba kasi nakatingin tayo sa mga wala sa atin na meron sila. Subukan mong tumingin sa mga bagay na meron ka. Tiyak na mas magiging masaya ka at ma-i-appreciate mo ang ibinigay ng Diyos sayo. Pantay-pantay lamang tayo sa paningin ng Diyos. Ganun talaga, kaya may mga wala tayo na meron sila– para kailanganin natin ang bawat isa– kasi kung lahat ay meron tayo– perfect na kumbaga– hindi na natin kakailanganin pa ang bawat isa. "No man is an island." Kaya matutong makuntento sa ipinagkakaloob ng Diyos kasi He knows what's best for us. Hindi ka magiging masaya kung nagkukumpara ka- kinukumpara ang sarili sa iba.
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...