Mateo 22:39
Ito naman ang pangalawa : Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.
How to love the unlovable??
Kung ang minamahal mo lang ay ang mga taong nagmamahal lang sa iyo, ano pa ang pinagkaiba mo sa mga taong hindi naniniwala sa Diyos? Maging sila ay ganoon..
Ang nasa itaas ay second greatest commandment. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Sinasaad dito na ang pag-ibig mo sa iba ay dapat kagaya rin ng pag-ibig mo sa iyong sarili..
How to love them? Paano mo ba mamahalin ang mga taong nagpapaiyak sa iyo? sinasaktan ka? binababa ka? minamaliit ka? Kung natanggap mo ang pag-ibig ng Diyos, panigurado ay magagawa mo ito. Love the UNLOVABLE. Parang ang impossible na nga neh? Parang ang hirap ibigin ng mga tao na tulad nila. Pero kung tayo ay bukas ang isipan at naiaapply natin sa ating buhay ang AFF (Accept, Forgive and Forget) ay mas madali natin silang mahalin.. Kasi kung tanggap mo siya, napatawad mo na siya, at tuluyang pagkalimot mo sa nangyaring iyon.. Kayang-kaya mo siyang mahalin..
Di ba commandment din ni Lord sa atin ang : Love one another?
Ang love, ang daming nagagawa nitong maganda sa atin.
Gaano nga ba kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin?
"God is patient, God is kind. God does not envy or boast, God is not proud. God is not rude, self-seeking, nor easily angered. God keeps no record of wrongs. God does not delight in evil but rejoices with the truth. God always protects, always trusts, always hopes, always perseveres."
Ang depenisyon ng love na mababasa sa Bible ay katulad ng love sa atin ni God. Kung ganyan kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, Bakit ang hirap para sa iba na ibigin ang kapwa?
Kasi.. Ganito lang yun... Di pa nila nagawa ang AFF sa kanila. Kasi pag nagawa mo ito, madali nalang natin silang mamahalin.
LOVE the UNLOVABLE. Ito ay itanim natin sa ating puso. Kasi kung love ang siyang maghahari sa iyong puso, mas magiging maganda ang mga mangyayari. Hindi naman masamang magmahal. Pero tignan mo namang mabuti kung tama ang pagmamahal mo. Dahil ang love na tinutukoy ko rito ay ang pag-ibig mo sa iyong kapwa.
Katulad ng sinabi sa last chap., huwag ipairal ang pride. Masisira lamang nito ang mga relationships, at walang magagawang maganda. Sa halip, gagawin niyang mas malala ang mga pangyayari.. Kung magprapridan lang kayo sa isa't isa walang progress na magaganap at mas lalala ang sitwasyon ninyo. Imbis na maaayos, pride niyo pa rin ang pinaghahari.
Kaya nga love ang dapat maghari. Magiging maayos ang lahat dahil din sa pag-ibig na ipinagkaloob mong kusa at walang hinihintay na kapalit.
Ang pagmamahal ni God ay unconditional love. Mahal ka na Niya simula't simula pa. Kaya its time for you naman na ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.
Written: September 7, 2015
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...