Kaya nga, magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin kayo sa inyong mga kasalanan, at nang sa gayon ay sumapit na ang panahon ng kapahingahang mula sa Panginoon. Susuguin niya si Jesus, ang Cristong hinirang mula pa noong una para sa inyo.
Mga Gawa 3:19-20_____
Bakit "start again" ang pamagat nito? Sa pag-reflect sa buhay ng nagsusulat nito, sa kabila ng nagawa niyang mga kasalanan, pagkakamali, at mga pagkabigo, hindi solusyon ang lumayo sa Diyos. (Hindi ko sinasabi na hindi Niya hate ang sin pero hindi rin na we have to sinless para makapagpatuloy tayo sa Kanya. Kailangan ay hindi namumuhay sa kasalanan kasi there is a difference between living in sin and struggling with sin.) Ang mahalaga, hindi tayo lumalayo sa Kanya. Magkaroon tayo ng banal na pagkatakot sa Kanya. Palagi lang tayo magsimula muli sa mga umagang binibigay sa 'tin ng Lord anuman ang nangyari sa nakaraan.
If ever na lumayo— habang lumalayo tayo sa Kanya, may mga bagay na nawawala sa 'tin na hindi namamalayan (the thief come to steal, kill, and destroy) mas nagiging hindi tayo okay, lumalala lamang ang doubts, fears, condemnation, etc. sa isip. May mga bagay na kakayanin natin na mawala pero hindi ang mawala Siya sa 'tin. Tayo mismo lamang ang mahihirapan kapag iyon ang ginawa. Sa Kanya lang matatagpuan ang kapahingahan o refreshment, e. His presence will give us peace and it will heal our wounds spiritually. Sinugo ng Diyos si Jesus alang-alang sa pag-ibig Niya sa sangkatauhan. Lumapit tayo sa Lord kahit gaano pa nakakahiya. Oo nakakahiya talaga kasi nasaktan na naman natin Siya, gumawa ulit ng against sa will Niya— sobrang nakakahiya man ang pagkakasalang nagawa, pero mas lalala lamang kapag pinili nating lumayo sa Kanya. Ang tulad no'n ay ang isang taong may sakit na ayaw uminom ng gamot at ayaw pumunta sa doktor. Kapag ganoon ang nangyari, hindi ba lalala lamang ang sakit? Magsimula lamang ulit kasama Siya. His mercies are new every morning. Like 'yong sa chapter before this, lumapit lamang sa Throne of Grace. We can come boldly because of Jesus Christ!
Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.
1 Juan 1:9Dahil sinabi iyan sa Bible, na kapag ni-confess ang sins mo sa Kanya, He will surely forgive you kasi faithful Siya. Wala man tayong confidence sa ating mga sarili pero meron sa Salita ng Diyos dahil Siya'y nananatiling tapat.
Nagsawa na ba kayong mabasa nang paulit-ulit ang "magsisi at tumalikod sa kasalanan"? Sana, huwag. Napaka-importante nito kahit na napaka-common na. Ito kasi ang pinaka-basic sa pagiging Kristiyano. Alam ninyo kung gaano kahalaga ang basic? Isipin n'yo kung hindi n'yo alam ang mag-add, subtract, multiply, at divide— babalakin n'yo pa sa mas mataas na math subject at ano ang mangyayari? Babalik at babalik sa basic kasi hindi makakausad kung hindi alam ang basic.
Nasa Gospel ang repentance. Sabi nga, "repent and believe in the Gospel of Jesus Christ!" Actually, hindi isang beses mo gagawin 'yan kundi sa pang-araw-araw na buhay.
Hindi ibig sabihin na matagal ka ng Kristiyano ay hindi mo na kailangan mag-repent. Actually, everyday— we still sin. Kadalasan kahit iniisip pa lang natin ay kasalanan na like magalit nang matindi sa tao—para na siyang papatayin sa isip. Kahit ilapag sa 'tin ang laws ng Diyos upang ma-please natin Siya, masaulo, makabisado ang bawat detalye subalit kahit isa lamang sa mga 'yon ang hindi masunod, guilty na sa lahat ng 'yon. We can't really follow it all by our own but by God's grace, unti-unti nating magagawa ang will Niya para sa 'tin— to live in holiness.
Hindi tayo gumagawa ng good works dahil obligation kundi sa love natin sa Lord. We are accepted, so we obey; hindi kabaliktaran. Number one commandment ng Lord ang ibigin Siya. T'saka ang good works ay bunga ng buhay na pananampalataya, hindi iyan ang dahilan ng iyong kaligtasan dahil tinapos na iyon ni Jesus. We shall work out our own salvation with fear and trembling, dahil ang Lord ang kumikilos sa 'tin kaya natin magagawa lamang ang kalooban Niya. It's true na nag-decide tayo na sundin Siya subalit Siya ang pumili sa 'tin. Hindi natin Siya hinanap; Siya ang humanap sa 'tin. Siya ang kumilos upang mag-decide ka na sumunod sa Kanya. Kasi kung sa sarili lang natin, wala 'yon. Kaya all in all, wala talaga tayong maipagmamalaki kundi ang finished work ng Lord.
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...